Chapter Two

5 0 0
                                    

DAPHNE



KAUNTI na lamang talaga at hahangaan ko na ang mga magulang ko. I thought I still need to enroll myself to that school when Nanay Lenang told me that it is already done and my requirements are already complete. Baka may inutusan na naman silang isa sa mga tauhan nila kaya't sobrang bilis.

Sunday ngayon, at bukas na ang first day ko sa AHS. Well, it's not a big deal pero may kaba pa rin sa kaloob-looban ko. Sigurado akong marami na namang mga proyekto, mga takda na ipapagawa na kahit sa dati kong pinasukan ay ganoon.

Narito ako sa sala at kasalukuyang nakaupo sa sofa nang nakita ko si Nanay Lenang na may hawak na bayog. Simple lamang itong nakasuot ng palda at plain na T-shirt. Lumapit ito sa akin na animoy nagmamadali. "Ay, 'nak, pupunta lamang ako sa Palengke. Diyan ka lang ha? Naku, punong-puno na naman ang tindahan ni Aling Dengdeng." 

"Tutulungan ko na ho kayo", tutal maboboring lang naman ako rito ay tutulungan ko na lamang siya. Ii was about to stand up when she stopped me.

"Nako, wag na Ija. Kayang-kaya ko na. Diyan ka na lamang at magpahinga, kung gusto mo ay manood ka ng TV." Aniya at bumuntong hininga naman ako. "Pwede ka rin munang tumambay diyan sa harapan, may duyan, at malilom pa."

Tumango na lamang ako.

"Mabilis lang naman ako, ok? Sige, alis na ako."

"Ingat ho kayo." Sabi ko at tumango na lamang ito at ngumiti saka tuluyan nang nawala sa paningin ko. I decided to get out of the house at pumunta sa binanggit kanina ni Nanay Lenang. Mayroong duyan na nililipad kaunti ng hangin sa gitna ng dalawang hindi gaano kalaking puno, sabi nga ni Nanay Lenang ay malilom dito. Mahangin rin at tama lamang tambayan. Nilibot ko ang tingin ko rito, paanong hindi ko ito nakita kahapon? Masyado lamang yata akong pagod kaya hindi ko nakita. 

Humiga na ako sa duyan, dahilan para bahagyang gumalaw ang duyan na hinihigaan ko. Ang sarap rin sa pakiramdam. Habang dinuduyan ako ng hangin, nakatitig naman ako sa aking kanan kung saan makikita ko ang bughaw na kalangitan.

Sana ganito ang buhay, mapayapa at parang wala kang dinadalang kahit anong problema.

I was in the middle of relaxing when I saw a man who is constantly looking behind as if he had done something miserable. I simply look at his weird behavior. By looking at him, something is wrong. The man in a black jacket is somehow in panic, It's like someone is chasing him.

Napaayos ako ng upo.

Pinagmasdan ko pa ito lalo dahilan para mapatayo ako. Puro itim ang suot nito, ang sumbrero, ang jacket, ang pantalon, at ang sapatos. Tanging ang maputi niyang balat ang kakaiba.

Because of my curiosity, I carefully followed him. Not thinking what Nanay Lenang told me.

I tried not to look suspiciously.

I immediately put my phone near my right ear when I saw him about to look towards my direction. "Hon', wait mo lang ako diyan ah? Yes of course, I prepared something for our anniversary. Baka ikaw ang nakalimot eh", I started to act so that I don't look suspicious. kahit sa loob-loob ko ay naaani ako. Paimple akong tumingin rito at hindi na siya sa akin nakatingin. 

Kumunot ang noo ko.

"I'm not the only one following him. I know I'm not wrong about that", Bulong ko sa aking sarili. 

"Ah, nasa..." Kunwari akong tumingin sa lugar kung nasaan ako, at bahagyang kumunot ang noo. Lumapit ako sa lalaki at umarteng nagtataka. "Uhm..pwede ko po bang matanong kung nasaan na po ako banda? My boyfriend just asked me where I am already" I asked him saka nilibot pa kunwari ang tingin ko sa lugar.

Surviving HighschoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon