'Di naman bago ang araw na ito walang pinagbago tulad pa rin noon malungkot at nakakawalang gana yan naman palagi ang nararamdaman ko e .Madaming problema sa school,sa sarili ko at higit sa lahat pati sa pamilya ko sabagay sanay na din naman ako siguro tama nga sila bobo ako nagninistulang tanga sa mundong ito halos wala na nga akong pakialam sa sarili ko naging manhid na ,sanay ng masaktan kahit nga pamilya ko walang tiwala sakin, minsan nakakapagod na.Alam ko naman na di ako katalinohan at aminado ako dun.Araw ng lunes ito ako ngayon papunta sa Classroom namin tulad ng nakasanayan naka earphone ako at naglalakad sa hallway tila wala akong pakialam sa paligid wala ding emosyon ang mukha ko di mo halos malalaman kung ano ang nararamdaman ko ,malamig din ako kung makatingin di sana ako papasok e kasi bago nanaman ako umalis sa bahay nagaaway nanaman ang Mom at Dad ko at kitang kita ko kung paano nanaman umiyak si Mommy sa harap ng Daddy ko walang pinagbago
Habang naglalakad ako may narinig akong tila nagaaway sa gilid ko kaya tiningnan ko ito at nakita ko ang isang babae na di naman katangkaran,maputi ,matangos ang ilong at may inaagaw kay Hera.Si Hera ang babaeng bully school na ito hawak niya ang salamin ng babae ,huminto ako at tiningnan ko ang hallway na walang tao at iling iling na binalik ko ang tingin dun sa babae at kay Hera.Lumapit ako sakanila at kinuha ko ang salamin kay Hera walang emosyon ang mata ko at ibinalik ko ito dun sa babae at aalis na sana ng bigla akong tinawag ni Hera nilingon ko siya at galit niya akong tiningnan
"Ano?" tanong ko sakanya
"Bat mo binalik sakanya yun" galit na sabi nito
"Sakanya yun e"sabi ko ng walang emosyon
"Arghh! Walang kwenta" sabi nito at galit na umalis'Walang kwenta well tama ka wala talaga akong kwenta' sabi ko sa isip ko at tumalikod na at bago ko pa maihakbang ang paa ko at may humawak sa braso ko tiningnan ko ito kung sino at nakita ko ang babaeng binubully ni Hera nakatingin siya saakin mata sa mata.Brown ang mata niya at napakagandang tingnan ngunit sinuot niya na ang salamin na inaagaw kay Hera kanina.
"Salamat ah" sabi nito
"Okay" sabi ko at tumingin sa kamay niya nanakahawak sa braso koAgad niya itong inalis at ngumiti at sabay lahad ng kamay niya
"Freya Mijo Salazar" pakilala niya
Tiningnan ko lang ang kamay niyang nakalahad
"Clyd" sabi ko at tumalikod na narinig ko pang tinatawag niya ang pangalan ko ngunit di na ako lumingon dahil late na ako sa first subject naminPagdating ko nga sa Classroom namin ay andun na si Ma'am galit itong tumingin sakin at nagsorry naman ako sakanya at pinaupo niya na ako at nakinig na din ako sa Discussion
YOU ARE READING
Winter Coat Memories
FanfictionAng storyang ito ay patungkol kay Clyd Felix Fernandez na walang ibang pinangarap kundi ang maging masaya at makalimutan ang masama niyang alaala until nakilala nya si Freya Mijo Salazar na nagpasaya sa mundo niya at nakapagbigay ng liwanag sa tila...