Kinaumagahan nga ay di ko alam bakit parang masaya ang pakiramdam ko at parang excited ng pumasok, pumasok na ako sa Cr para maligo at nagbihis habang nagbibihis ako ay naalala ko si Freya bigla akong napangiti sa isiping makikita ko siya mamaya at paniguradong mangungulit nanaman ito sakin pero ang ganda talaga ng ngiti niya.Pagkatapos kung magbihis ay bumaba na ako dala ang gamit ko at pagbaba ko ay nakahanda na ang pagkain kaya kumain na ako andun din si Aling Marta kasambahay namin kaya nagtanong nalang ako
"Aling Marta si Mommy po at Daddy?" tanong ko
"Ah maagang umalis Clyd may emergency meeting daw" sabi nya
"Ah sge po,kumain na po pala kayo Aling Marta?" tanong ko
"Ah kanina pa Clyd"ngumiti ito sakin at nagpaalam ng pupunta muna sa kusina kaya mag isa akong kumain sabagay sanay na akong kumain ng mag isa.Pagkatapos kung kumain ay dali dali akong umalis at di ko alam maaga pa naman pero parang ang kilos ko ay tila late na.Pagdating ko sa gate ay nakita ko si Freya nakatalikod siya at naglalakad kaya lakad takbo ako para mahabol siya at ng malapit na ako ay binagalan ko at sumabay sakanya gulat pa nga siyang lumingon sakin at napahinto pa ngumiti nalang ako.
"Good morning Freya"bati ko sakanya
Gulat talaga siyang tumingin sakin at namula pa tumawa ako at nagsimula ng maglakad at natauhan siya kaya hinabol niya ako
"Nananaginip ba ako?" sabi niya kaya nilingon ko siya
"Eh?bakit?" sabi ko
"Ikaw kasi isipin mo kasabay kitang pumasok tapos may pa Good morning ka pa sakin tapos ngumingiti at tumatawa kana" sabi niya na tila di makapaniwala
"Kaibigan mo ako e" sabi ko at binilisan ang lakad ko di na din siya nagsalita kaya nagpatuloy ako sa canteen at umorder para saakin at Freya"Oh" abot ko ng sandwich sakanya
"Ano to?" tanong niya
"Pagkain" sabi ko sabay umupo paharap sakanya
"Alam ko" sabi niya at umiling iling
Di siya umimik at kumain lang pinagmasdan ko naman ang mukha niya at nakita ko ang matangos niyang ilong,katamtamang laki ng mata at manipis na labi na mapula pula'Ganda niya' sabi ko sa isip ko
"Oy bat tulala ka?" Sabi niya sakin
"Ha? Wala wala" umiwas ako ng tingin kasi nahiya ako e nadakip niya akong nakatingin sakanya
"Akala ko kung anong nangyari sayo"sabi nito at kinuha ang libro na hiniram niya sa Library at sabay abot sakin
"Ayan" sabi niya
"Aanhin ko yan?"tanong ko
"Kainin mo" sabi niya kaya tumawa ako at inabot yun
"Basahin mo yan pagnalulungkot ka o kung may problema ka tiyak na gagaan ang pakiramdam mo"sabi niya
Binuksan ko ang pahina at puro patungkol sa pamilya nga at habang nakatingin ako sa libro ay tumayo siya kaya tiningala ko siya
"Alis na ako malalate na ako" sabi nito
"Ah sge" sabi ko
"Ikaw baka malate ka din niyan" sabi niya
"Maaga pa naman" sabi ko
"So pano yan see you later saka thank you sa sandwich ah" sabi nito at ngumiti kaya napangiti na din ako
At nagpaalam na nga siya at mga ilang minuto at pumunta na din ako sa Classroom namin dahil mapapagalitan nanaman ako pagnagkataon
YOU ARE READING
Winter Coat Memories
FanfictionAng storyang ito ay patungkol kay Clyd Felix Fernandez na walang ibang pinangarap kundi ang maging masaya at makalimutan ang masama niyang alaala until nakilala nya si Freya Mijo Salazar na nagpasaya sa mundo niya at nakapagbigay ng liwanag sa tila...