Para sa taong minamahal ko,
Pag ikaw ay nagsawa na sa akin, sabihan mo ako ah? Dahil ako na mismo ang bibitaw, ako na mismo ang bibibitaw sa pag-ibig na lubos kong ipinaglaban nuon. Ikaw, ikaw ang aking pinapangarap na lubos kong hinahangad mapa sa kasalukuyan man o sa hinaharap. Ngunit ang lahat ng iyon ay nagbago nung ikaw ay nagloko. Minahal kita ng higit sa pa sa pagmamahal ko sa sarili ko, hindi pa ba sapat ang lahat ng iyon? Bakit sa lahat ng mga nagawa ko ay ang mga pagkakamali ko lang ang pinagtutuonan mo ng pansin? Hindi mo ba nakikita na ako'y hirap na hirap na pero patuloy paring lumalaban at nagbabakasakaling ako ang magiging dahilan sa iyong pagbabago? Pag tinamaan ka nga naman ng pana ni cupido, wala ka nang magagawa kundi ang sundin ang puso mo. Para kang mababaliw sa kaiisip kung ano ang iyong mga dapat at hindi dapat gawin, ngunit sa huli, ang puso mo parin ang mananaig. Alam mo ba na ilang beses na akong nanahimik at hinayaan nalang na sa paningin mo, ako nanaman ang may kasalanan. Paulit-ulit kong inisip ang halaga ko, paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na "Tama na, wag puro siya ang atupagin mo, matuto ka namang mahalin ang sarili mo." Ngunit kahit anong pilit, ay hindi ko parin magawa at kahit kailan man ay hinding-hindi ko magagawa. Kaya kapag ikaw ay susuko o pasuko na, lumapit ka sa akin at sabihin mo sa akin ng harapan para malaman ko ang tunay mong nararamdaman. Ano man ang mangyari, lagi mong tatandaan na kahit sa pinakahuling pagkakataon, mahal kita at hindi ko kailan man ikakahiya na minahal kita.
To: Francis Earl Torrevillas Omandac
BINABASA MO ANG
Poetry And Letters
PoetryIn here, I decided to start writing poems not only to inspire other people but to also learn more or learn from my mistakes. Language: Tagalog English Taglish Bisaya