Let the bodies hit the floor
Let the bodies hit the floor
Let the bodies hit the floor
( U.U )zzZZZ
Let the bodies hit the flooooor !!!!
( O_O )
Beaten,why for (why for)
Can't take much more
Here we go,here we go,here we go now !!
Biglang napadilat yung mata ko at napa-upo dahil sa maingay na yun !!
Hinanap ko kaagad kung saan nang gagaling yung tumutunog.
Alam ko yung kanta na yun eh. Di ko lang maisip kung ano dahil wala pa ko sa sarili ko ( -.- )"
Napansin ko namang may umiilaw sa ilalim ng kumot ko sa bandang paanan ko
Sa gulo kong matulog muntik na naman s'ya mabagsak . tssk
Agad ko naman nang kinuha ang phone ko pagkakita ko "Dude is calling...."
Sinagot ko na rin kaagad dahil nagigising na sila mama na nasa kabilang kwarto lang..
"Ano baaaaaa?!! Don't you know that I'm sleeping?! Ayun na oh !!"
"WHAHAHAHAHA ! Bumangon ka na !! Baka ma-late na naman tayo at mapaglinis na naman tayo ng corridor ! Tsaka ilibre mo nga pala ako ng lunch ah ! Tinulugan mo ako kagabi ! How dare you !!"
"Argh ! Maaga pa !"
"Dude, sa sobrang kupad mo kumilos napaka bilis ng oras para sayo noh ! Kaya bumangon ka na ! Kumain ka muna tapos maligo ka na! Bilisan mo rin maligo ha panget?"
"What ever !" Then I hung up my phone. Argh
Kagaya ng sinabi nya bumangon na ko,tinapay lang ang kinain ko dahil tulog pa si mama at naligo na rin
And I'm ready na ! Lumabas na ko sa bahay namin
Paglabas ko sinalubong kaagad ako ni Uja.
Nginitian lang nya ko
Dumiretso ako papunta sa kanya sabay pektus !
"Napaka mo ! ( -.- ) sabay batok
"Oh aray ! Yan ba bati mo sakin?"
Pumasok na ko sa kotse n'ya
Nakasimangot lang ako at di nagsasalita
(ZEA'S POV)
Ako nga pala si Zea E. Dela Cruz
Mahirap lang kami
Ang mama ko ay nagtatrabaho sa isang factory at ang papa ko naman ay isang family driver
3 kaming magkakapatid
Maniwala kayo o hindi nag-aaral ako sa Royal University
Nakapasok lang ako dun dahil sa scholarship na natanggap ko dahil nagbigay yung may ari nun ng schorlarship para sa mahihirap na katulad ko at napasa ko.
Nagtataka siguro kayo kung sino si Uja.
S'ya yung tumawag sakin kanina na sa cellphone at katabi ko ngayon sa kotse
Sya ang best friend ko
Kabaliktaran ng pamilya ko ang pamilya n'ya
Mayaman sila at may-ari ng isang kompanya at isang hotel
Best friend ko s'ya simula pa nung bata palang kami.
Nagkakilala kami dahil naging driver nila ang papa ko noong absent yung driver nila talaga at pinalit muna ang papa ko nung nagbakasyon sila sa Batanggas
Wala akong makakasama noon sa bahay kaya isinama na lang nila ako
S'ya yung unang lumapit sakin tsaka unang kumausap
Para kasi s'yang sabik sa kalaro. O sabihin nating ganun na nga
Simula noon lagi na n'ya ko pinapasundo at pinapapunta sa bahay nila
Pumapayag naman lagi sila Mama't Papa dahil may kilala naman si Papa dun na katulong nila Uja
"Oy galit ka na naman?"
Tsk manahimik ka nga muna,inaantok pa ko oh"
Tumahimik naman s'ya hanggang makarating kami sa school
Pagbaba namin ng kotse as usual pinagtitinginan kami ng mga estudyante dun
Di kasi nila alam na best friends kami. Sino ba naman ang mag-iisip na ang Young Master na si Uja ay may best friend na COMMONER diba? -_____-
Habang naglalakad kami kung ano-ano na naman ang naririnig ko
Kesyo bakit ba daw lagi ko s'yang kasabay pumasok? Meron pang nilalandi. hayy -_____-
Pero sabi ni Uja wag ko daw pansinin.
"Himala di tayo late ! Ayoko nga maglinis noh. Di naman talaga pinaglilinis mga estudyante dito eh. Pinag initan ka lang kahapon. Pero papabayaan ba kita?" Sabay ngiti
"Nako !! Bahala sila ! Pektusan ko pa sila sa eyelid eh."
Tawa lang kami ng tawa. "WHAHAHAHAHAHAHA"
Bigla naman dumating yung mga kabarkada n'ya sina Derick at Enzo.
Si Derick nga pala yung tipo ng lalaki na lapitin ng chix at makulit. Si Enzo naman yung tipo ko. Hahahahaha May sense kausap..Medyo bad boy pumorma pero mabait at matalino.
"Yow ! Wazzup !" Sabi ni Derick.
Whoo ! Nagpapacute lang to sa mga girls eh. Alam kasi na nakatingin samin.
Tumango naman si Enzo syempre nagsmile ako. Ahihi :">
Napatingin naman ako kay Uja na nakangiti na para bang ang sinasabi eh *Uy kinikilig s'ya"
Hinampas ko naman yung braso n'ya masyado kasing halata eh
Nagpaalam na ko sa kanila. Nauna na ko pumunta sa room namin kasi magkakaiba kami ng section eh
Mga magpapacute pa yun. Aaminin ko na ang gu-gwapo nila . Sila yung kinakikiligan dito sa school. Kaya ang tawag sakin panira. Whoo ! Wala akong pakelam sa kanila.
................................................................................................................
Pagkatapos ng klase syempre sabay kaming umuuwi. Hahaha Diretso kami sa bahay nila. Maaga kasi kami pinauwi. Nagdaldalan muna kami. Tapos naglaro kami ng Ps3.
"Oh panu ba yan panalo ko?" Inaasar ko s'ya. Nagagalit naman ang mokong.
"Para minsan mo lang ako matalo"
"Libre mo ko!"
"Oo na >____________<"
Tumingin ako sa orasan nila. 5:00 pm na. Kaya umuwi na ko
...................................................................................................................
Pag-uwi ko kinuha ko agad yung cellphone ko.
Pagtingin ko wala pang text sakin yung best friend ko.
Dati pag alam n'yang umuwi na ko tnitext n'ya kagad ako. Para lang malaman kung nasa bahay na ba talaga ko at kung safe ako nakauwi. Napaka thoughtful talaga nun. Pero ngayon wala pa
Hinihintay ko yung text n'ya
hanggang ilang oras na yung nakalipas wala pa rin