ZEA'S POV
Katext ko ngayon si Uja
Syempre pinag-uusapan namin kung ano yung nangyari dun sa paghatid n'ya kay Kristah.
Kinikilig nga ako dito eh hahaha
Kahit kelan talaga ko,mas ako pa ata yung kinikilig dun sa dalawa eh
Biglang may nagbukas ng pinto ko sa kwarto
Si Jun-jun..
"Ate di ba tayo kakain? Nagugutom na ko eh"
Shomay !! 6:00 pm na pala !
Nalibang ako sa kwentuhan namin ni Uja
Nakalimutan kong magluluto pa nga pala ko
At eto namang si Uja di pinaalala sakin
Alam naman n'yang ako nagluluto dito
Palibhasa may katulong eh
"Ay sorry Jun-jun. Sandali lang magluluto na si ate"
Nagtext kaagad ako kay Uja
"Dude ! Magluluto pa nga pala ko! Ikaw,di mo pinaalala"
So yeah,nagluto na ko buti na lang mabilis naluto yung ulam
Pinakain ko na yung mga kapatid ko at syempre ako
Di na namin hinintay si Mama't Papa gagabihin daw kasi sila
at may inasikaso lang para magkapera kami
Pero sabay-sabay talaga kami kumain buong pamilya
Kahit hindi masyadong masasarap yung kinakain namin araw-araw
Sabay-sabay kami kumain para daw maging masarap sabi ni mama
Si Raechelle na yung pinaghugas ko ng pinggan
Tutal malaki na s'ya
Para may katulong ako
At di na ako maghuhugas pag sanay na hahahaha !
Pagkatapos ng kung ano-ano ko pang ginawa natulog na ko.
..............................................................................................................................................
( -.- ) zzZZZ
( >.<)
(o.o)
Mulat na kagad ako
Himala ! Ang aga ko nagising
Nagluto na ko ng almusal
Tapos kumain
Pagkatapos ko kumain,Naligo na ko at nag-ayos
Lumabas ako ng pinto
Paglabas ko nandun na si Uja
"Hi !" Bati ko sa kanya
"Tara na"
Pumasok na ko dun sa kotse n'ya
"Manong daanan muna natin si Kristah bago pumuntang school" sabi n'ya dun sa manong driver
"Oh sige po sir"
Tapos inistart na ni Manong driver yung kotse
"Naks. Parang prinsesa naman si Kristah. Hatid sundo mo pa hahaha"
"Edi prinsesa ka din? Hatid sundo rin kita eh"
"Hindi naman..pero parang prinsesa na nga. Ang ganda ko kasi" Sabay ngiting ewan :)
Tinitigan n'ya ko na parang nandidiri
"Ewan ko sayo !" sabi ko sa kanya
"Oh bakit may sinasabi ba ko?" Sabi n'ya sakin habang tatawa-tawa
Nagpout lang ako
"Eh nagtampo na ! hahaha halika nga dito,oo na ! maganda ka na"
Tumingin naman ako bigla
"Alam ko :)" hahahaha galing ko talaga umarte
Nandito na kami ngayon sa tapat ng gate nila Kristah
Ang laki. O.O
Triple na ng bahay namin
tapos lumabas na s'ya dahil tinawagan ni Uja
Binuksan ko yung kotse
"Hi Kristah :)" ako na unang bumati sa kanya
Magaan kasi yung pakiramdam ko sa kanya eh
"Oh hello :)" sabi naman n'ya
"Tara !" sabi ko sa kanya
Pumasok na s'ya at syempre magkatabi sila no Uja
Nagkukwentuhan sila ng mahina lang
Na-OP ako kaya tumahimik ako
Tahimik lang ako hanggang makarating kami ng school
Ayuko kasi sirain ang moment nila
Pagbaba namin,lahat ng mata ng mga nandoon nasa amin
Este nasa kanila
"Una na ko :) enjoy" nagpaalam na ko sa kanila
Habang papunta ko sa room parang may mga naiisip ako na kung ano-ano kaya mangyayari
Nandito na ko sa tapat ng room
Pumasok na ko
Pagkaupo ko biglang may lumapit sakin
"Pinapatawag ka sa meeting room"
"Huh? ako?
"Hindi ako."
Pilosopo to ha? Di ba pwedeng magreact ng ganun? -_____-
"Hmp. Bakit daw?"
"Di ko alam. Basta pumunta ka raw dun"
"ah oh sige"
Ano ba yan? Kakaupo ko palang aalis na kagad ako
Pumunta na kagad ako sa meeting room
Bakit kaya? Eh wala naman akong sinalihan na club at lalong di ako officer
Kakatok sana ko kaso bukas na pala yung pinto
"Hm Ma'am? Pinapatawag n'yo daw po ako?"
"Yes. Have a seat"
Kasama ko ang mga officers at dalawang teachers
"Pinatawag kita para tumulong ka sa gagawing fair"
"Po? Di naman po ako officer diba?
"Kaylangan pa kasi ng mga katulong dahil maraming gagawin,alam kong maaasahan ka"
Wow ha? gusto nyo lang naman talaga ko gawing utusan eh. Maaasahan daw -_______-
Dapat talaga di na lang ako kumuha ng scholarship dito. Bukod sa wala akong ibang kaibigan
Inaalila pa ko