p r o l o g u e 🎬

1K 5 0
                                    

Year 2009

Roxy' s Point of View

"Ma, lilipat na po ba talaga tayo?" tanong ko kay mommy, kasalukuyan kaming nag lalakad ngayon pauwi sa bahay namin katatapos lang kasi ng klase namin sa school e.

"Hindi ko pa alam anak e, itatanong ko din kay daddy mo mamaya pag uwi niya." ani Mommy

Sabi kasi sa akin ni Mommy lilipat na daw kami ng bahay sa malayo, hindi ko alam kung mas malayo pa yon sa school namin sabi niya maganda daw dun tapos malaki pa sa bahay namin ngayon, medyo na eexcite nga ako e kaso lang...

"Paano na po yung mga kalaro ko?" tanong ko pa ulit kay Mommy.

"Marami ka pa naman magiging kaibigan anak."

"Pero mas mabait yung mga kalaro ko ngayon Mommy."

Natanaw ko na yung bahay namin hindi yun gaanong kalakihan pero maganda. Sabi ni Mommy dito daw siya nag pagawa ng bahay sa probinsya para daw payapa saka malayo sa problema.

Keisler's Point of View

"Andiyan na siya." anunsiyo ni Rein, agad naman naming pinatay ang ilaw at nagsi- tago sa sulok ng bahay nila.

Narinig ko ang hakbang nila Roxy palapit sa bahay nila, kaya mas sumiksik pa ko sa pinag tataguan ko dito sa kusina nila.

"Ma, bakit po ang dilim? walang kuryente?" tanong ni Roxy, nakita kong nag kibit- balikat lang si ate Tania— mama ni Roxy.

Sumilip ako ng kaunti mula sa pwesto ko at nakita kong pilit inabot ni Roxy yung ilaw nila sa sala, tumuntong pa siya sa kalapit na upuan niya para maabot yun.

"Yehey may ilaw." magiliw na sabi ni Roxy.

"Anak kuha mo naman si Mommy ng tubig oh." pakisuyo ni ate Tania, agad namang ibinaba ni Roxy yung bag niya.

"1..." pabulong na sabi ni Rein
"2..." si Sandra naman
"3..." sabay- sabay naming sigaw.

Kasabay ng pag punta ni Roxy sa Kusina ang paglabas namin sa pinag pwestuhan namin.

Kita ko ang gulat na ekspresyon ng mukha ni Roxy pero maya- maya ay napalitan din yon ng ngiti.

"Mommy...!" tawag ni Roxy sa Mama niya, agad namang lumapit si ate Tania sa kusina.

"Happy Birthday to you... Happy Birthday to you..." kanta namin habang hawak yung maliit na cake na binili namin.

"Woahhhh!" kita ang saya sa mata ni Roxy.

"Happy Birthday Happy Birthday... Happy Birthday Roxy!"

"Halaa! bakit nandito sila Mommy?" tanong niya kay ate Tania habang kinakalabit sa tagiliran, kita ang ngiti nito sa mga mata niya.

"Sinu- surprise ka anak, diba birthday mo?" paliwanag ni ate Tania.

"How old are you?" tanong pa namin. Agad na natigilan si Roxy na parang iniisip kung ilang taon na siya.

"Ganito." aniya habang naka taas ang pitong daliri sa mga kamay niya.

"Oh ate blow mo na yung cake mo pero wish ka muna ha?" sabi ng Mommy ni Roxy.

Lumapit naman si Roxy sa cake na kasalukuyan ng nakapatong sa
mesa nila, nagsilapitan din kami sa pwesto niya.

Saglit na pumikit si Roxy pag tapos ay hinipan na ang candle ng cake niya.

"Anong wi- nish mo Roxy?" tanong ni Rai sa kaniya.

"Secret..." ani Roxy habang pinaglalaruan ang mahaba nitong buhok.

HEALED BY LOVE.Where stories live. Discover now