c h a p t e r 1.

457 6 0
                                    

One decade after... Year 2019

Rein's Point of View.

"Wait lang antayin niyo ko sandali na lang!" sigaw ni Sandra bago pumasok ng palikuran nila.

Kasalukuyang 6:48 na ng umaga at ngayon pa lang kikilos si Sandra para pumasok, 7:30 pa naman ang pasok namin pero sa tagal niyang kumilos baka tuluyan na kaming ma late, na hindi na naman masyadong bago sa amin.

Nandito kami ngayon sa bahay nila Sandra kasama si Keisler at Rai na ngayon ay abala sa pag lalaro ng online games.

Tinuon ko na lang din muna ang atensyon ko sa cellphone ko dahil wala naman akong makausap sa dalawang 'to.

"Tara na." yaya ni Sandra sa amin na nasa pintuan na pala nila, gulo- gulo pa ang basa niyang buhok habang sinusuot ang rubber shoes niya biyernes ngayon kaya P.E. uniform ang suot namin.

"Mommy una ma kami." paalam ni Sandra bago lumabas ng pintuan nila wow ha iwanan ba naman kami matapos antayin. Inayos ko muna ang sarili ko bago tumayo, napatingin naman ako sa dalawa na mukhang di namamalayan na tapos ng mag ayos si Sandra dahil tutok na tutok pa rin sila sa cell phone nila.

"Hoy!" agaw ko sa atensyon nila, napatingin naman sakin si Keisler.

"Tara na!" yaya ko pa sa kanila, agad namang tumayo si Keisler habang si Rai ay abala pa din sa pag pindot ng cell phone niya.

"Tita una na po kami." paalam ko sa mommy ni Sandra.

Naabutan naming nag susuklay na si Sandra habang nakatayo na sa garahe nila.

"Papahatid ba tayo?" tanong ni Sandra sa amin.

"Sige, ikaw bahala." si Rai naman.

Pumasok muli si Sandra sa bahay nila para ipag paalam sa mommy niya kung pwede naming gamitin ang kotse nila para mag pahatid.

Kasabay ng pag labas ni Sandra ang isang matangkad na lalaki na wari ko ay driver nila, halatang bagong gising ito dahil sa gulo gulo niyang buhok.

"Sakay na." yaya pa ni Sandra, agad naman kaming sumakay sa kotse nila na ngayon ay nasa labas na ng bahay nila.

Sa backseat kami umupo nila Rai at Keisler habang si Sandra naman ay sa tabi ng driver.

Nakinig lang ako ng music buong biyahe habang nakabaling naman ang atensyon ko sa bintana.

Nang malapit na kami sa parking lot ng school inayos ko na ang sarili ko, tinignan ko naman 'tong dalawang katabi ko.

"Uyy gising na." tawag ko sa kanila dahil mukhang napasarap din sila sa pag iglip.

"Mamayang lunch ah." paalala ni Rai sa amin, tumango na lang ako bilang sagot saka lumihis ng daan papunta sa room ko.

Mabilis na natapos ang dalawang mag kasunod na subject ng hindi ko gaanong namamalayan, dito na lang ako sa room tumambay nung recess,

Nag iwan lang naman ng gawain si Ma'am Solajo na English teacher namin dahil nasa meeting siya. Habang nag discuss lang ng lesson si Sir ng topic namin sa Science pagkatapos ay nag iwan lang ng ilang assignment at paalala bago siya nag dismiss, may natitira pang 10 minutes bago ang lunch.

Inayos ko na lang muna ang mga notebook na naka balandra sa table ko at nilagay yon sa bag ko.

"Kelan tayo gagawa ng project." tumaas na ang tingin ko dahil sa biglang pag sulpot ng kaklase ko na ngayon ay nasa harapan ko na.

"as if you care with that project huh?" medyo pabalang kong sagot.

"oh ofcourse I care." mayabang na sagot ni Luis.

HEALED BY LOVE.Where stories live. Discover now