"Nakita ko siya." kwento ko sayo.
"Huh? Sino?" nagtatakang tanong mo.
"Nathalie."
"Huh? Umuwi na siya? Kailan pa? Bakit hindi ko nabalitaan?" masayang tanong mo.
"Bakit ako tinatanong mo malay ko ba sa kaibigan mo, nakita ko lang siya sa Graduation." cold na sabi ko.
It's been a week but she never left my mind. I saw her walking with Chairman nung graduation, noong una hindi ako makapaniwala na siya yon. Ilang beses ko pa kinusot ang mata ko pero habang papalapit siya nakumpirma ko na siya nga yon.
Wala, sobrang ganda pa din niya. Kahit itabi mo pa sa maganda, mag sstand out pa din siya. How long it has been? 24 months? 2 years? Na aamaze pa din ako kapag nakikita kita, sa buong duration yata ng Graduation ilang beses kitang pasimpleng tinignan. You look as beautiful as ever. Kumusta ka na kaya?
I brushed off the thought nang maalala ko.. Oo nga pala, You left me.
"Nag daydream ka na naman diyan." pabirong sabi ni Hyun.
"Di ah."
"Sabi mo galit ka sa kanya? Kala ko ba okay ka na?"
"Okay na ako no."
"Weh? Sure? Peksman?" natatawang sabi mo.
"Oo nga ang kulit. Hindi ka pa ba susunduin ni Seul? Sagutin mo na kaya yung kaibigan ko para may jowa ka na? Para hindi ako yung kinukulit mo." iritang sabi ko.
"WOW, THANKS BFF HA."
"Di bagay sayo baby kapanget." sabi ko pa ulit, makaganti man lang.
Hyun and I became bestfriends, hindi ko na maalala kung kailan- well siguro wala naman exact date kung kailan mo naging kaibigan yung isang tao, What we have is extraordinary. Minsan iniisip namin what if kami nalang kaya? Kaso hindi, Platonic eh.
Clingy kami sa isa't-isa, we even call each other baby. Pero wala, siguro ganon talaga no? May mga kaibigan na hanggang kaibigan lang talaga. Hindi naman sa may iba kang mahal or may iniintay ka, sadyang binigay sila ni Lord sayo to help you out at sobrang thankful ako sa kanya.
"Hindi nga kase Louise, ano ba? Ramdam kong mahal mo pa din si Nathalie. Bakit hindi mo subukan ulit?"
"Naiirita na ako Hyun." pag-iwas ko.
Nope, I can't. I'm still in pain, andito pa din. Masakit pa din.
***
NATHALIE POV
"Bakit hindi ka nalang mag office works Nathalie, sayang naman ang kutis mo palaging nabibilad lang sa field." tanong ni Chairman, He and Dad are close friends at paminsan minsan ay nagpupunta ito dito para magdinner.
"Um, okay lang yon Tito. Sanay na ako."
"Oo nga Nathalie, ayaw mo ba ng bagong Environment?" tanong ni Dad. Talaga nga naman itong mag kumpare na ito, nagtulungan pa.
"Ano ayaw mo ba? Ikaw nalang pahawakin ko ng Engineering and Architecture Department tutal may Master's Degree ka na din naman and I don't doubt your skills. Kayang kaya mo yon."
Napaisip ako. They are right, ang hirap sa field and I've been doing it for years now. "I'll think about it Tito. Thanks for the offer." nakangiting sabi ko.
***
LOUISE POV
"May meeting daw?" tanong ni Bambam.
"Hindi ko alam? What time?"
"Lunch time daw."
"Ah baka papakilala yung bagong Dean." sabi ko nalang.
Pagdating sa Office ay halos andoon na lahat ang mga Professor, naghanap ako ng pwesto para maupo. Working meeting daw ito, Maya maya pa ay dumating na si Chairman.
"Good afternoon Sir." bati namin lahat.
"Good afternoon, As you all know negretired na and Dean ng Engineering and Architecture Department I'll introduce to you kung sinong papalit sa kanya." Nakangiting sabi nito.
Oo nga pala, dahil Math subjects ang hawak ko instead na sa Math Department ay inilipat ako sa EAD.
"Huwag kayong mag-alala, mabait to. I'm sure you can talk to her about anything."
"Her." amused na sabi ng ibang Prof.
"Yes, she's a lady at bata pa. Huwag kayong ma intimidate, she's smart at madaling kausap. Oh andito na pala siya." sabi ni Chairman.
Napalingon ako sa likod para tignan kung sino ito. Horror Story ata ito, tell me I'm not dreaming.
"Miss Kim." sabi ni Prof.
BINABASA MO ANG
MISS KIM
RomanceA strict professor who will fall in love with her bitch student who do nothing but to tease her during class. "Why are you keep on rolling your eyes during my class? "Does it bother you?" "Yes."