"Huwag mong bibitawan ang kamay ko! Kumapit ka lang!" kitang-kita ko ang mga luha niya pero hindi ko maaninag ang kaniyang mukha.
Pilit akong kumakapit sa kaniyang kamay. Tumingin ako sa baba at nakakalulang tanawin ang aking nakita. May ilog rin na siyang humahampas sa malalaki at matutulis na mga bato.
Unti-unting dumudulas ang pagkakahawak ng aming nga kamay dahil sa ulan. Tumingin kami sa isa't isa na tila bang nawawalan na ng pag-asa. Isang ngiti ang binigay ko sa kaniya.
"Maaari mo na akong bitawan"
Agad niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko na senyales na hindi siya sang-ayon sa aking suhestyon.
"Hinding-hindi ako bibitaw,"
Sa gitna ng ulan ay boses ng babae ang aming nadinig. Tumahimik ang langit pati narin ang ilog at tanging boses ng babae ang umiibabaw.
"..Sa isang iglap ay landas niyo'y magtatagpo, kayo ang mga nakatakda, kayo ang natatangi, isa sa inyo ay magiging dahilan ng isang isang trahedya, isulat niyo ang kapalaran na nararapat sa lahat..."
BINABASA MO ANG
Vulnerable Creature
FantasyTinawag silang weirdo at hindi katanggap-tanggap sa bayan ng Talisay. Sa kabila ng lahat ng iyon, nakakilala siya ng isang binata na siyang nakikita niya sa kanyang panaginip na siyang kinahumalingan niya rin. Isang misteryo ang bumabalot sa bayan...