Chapter 1

42 3 5
                                    

Crizan's POV

Minulat ko ang mga mata ko at isang maulang umaga ang tumumbad sa akin. Malalakas at maiingay na kidlat ang tanging naririnig kasabay ng ulan. Tinanaw ko ang bintana at kitang-kita ang pag-sayaw ng mga puno dahil sa malakas na hangin.

"Iha, kumain ka na" napalingon ako sa nagsalita mula sa labas ng kwarto ko.

Siya si Nay Eesa, siya ang naturingan kong nanay simula nang mamatay ang aking mga magulang na hanggang ngayon ay hindi parin nalalaman ang dahilan.

Isa lang siyang dating kasambahay dito sa mansyon naming nasa bundok. Walang kapitbahay at mga puno lang ang matatanaw. Kaya naman ang lahat ng nasa baryo ay weirdo ang tingin samin dahil naturingang baliw ang aking ama nang siya ay nabubuhay pa. Mayaman ang pamilya namin pero lahat ng aming kayamanan ay naglaho na nang mamatay ang aking mga magulang. Itong mansyon nalang ang natira pati si Nay Eesa.

"Ang dami mo naman pong hinanda" gulat kong sabi ngunit ngumiti lang siya.

"Minsan lang naman" nginitian ko siya pabalik.

Hanggang ngayon ay poot at galit ang nararamdaman sa pagkasawi ng aking mga magulang kaya naman ilag ako sa mga tao. May lihim rin akong tinatago na ang mga naging tauhan lang namin sa mansyong ang nakakaalam at nagkasundo na hindi dapat nila ito ipagkalat.

"Ang sarap po" papuri ko sa nilutong tinola ni Nay Eesa.

"Sus, itong batang 'to binobola na naman ako"

"Hindi po ah, talaga naman pong napakasarap ng luto mo Nay Eesa!" masigla kong sabi.

Napangiti siya "Mabuti naman kung ganoon, kumain ka pa" pag-aalok niya at walang alinlangang kumuha ulit ako.

"Crizan, pumasok ka na sa pasukan" seryosong sabi ni Nay Eesa.

"Nay, alam mo po kung ano ako"

"Pero hindi dapat yan hadlang sa edukasyon ng isang tao, Crizan"

Bumugtong-hininga ako "Pero paano po pag nalaman nila?"

"Hindi mo naman ipapaalala sa kanila diba?" seryosong tanong niya.

"Kahit na po, delikado parin"

"Hindi 'yan delikado kung kokontrolin mo" bumugtong-hininga ulit ako at mukhang wala na akong magagawa pa.

"Sige po nay, papasok po ako" ngumiti siya sa akin at hinawi ang buhok ko.

"Balang araw, maiaahon mo ulit ang sarili mo, Crizan, kailangan mo lang maniwala"

"Opo, Nay, salamat po dahil lagi ka pong nandyan" niyakap ko siya.

Niyakap niya ako pabalik "Walang anuman, Crizan"

Matapos ang isang linggo ay nagsimula na nga ang klase kaya naman maaga akong gumising para mag-ayos at kumain. Ginamit ko ang kotse ng ama ko dati. Naturuan niya ako bago pa siya mawala at ito naman ang natira kong ala-ala niya. Tahimik akong nagmaneho papuntang eskwelahan.

___

Nathan's POV

Rosas

Ayan ang amoy ng babaeng sa  panaginip ko na paulit-ulit nitong mga nakaraang araw. Nasa isang bangin kami na napakataas at may ilog rin. Hindi ko maaninag ang mukha niya pero kitang-kita ang sobrang pula niyang mata. Kada umaga ay basang basa ako at medyo marumi rin na para bang totoo 'yon kaya agad akong naligo hanggang sa malinis na malinis akong lumabas ng kwarto ko.

Vulnerable CreatureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon