Nathan's POV
Bumalik na ako sa tambayan namin na lutang na lutang. Hindi na ako maaaring magkamali. Siya lang ang kilala kong may pulang mata dito. Maaaring siya ang babae sa panaginip ko. Inis kong hinilot ang sentido ko.
Paano ko naman masasabi sa kanya na siya ang nasa panaginip ko? Bakit ko naman kailangang sabihin eh panaginip ko lang naman yon? Bakit ba pinoproblema ko 'yon!
"Saan ka galing kanina? Bakit bigla kang nawala?" tanong ni Leo nang makabalik ako sa kanila.
"Diyan lang" walang gana kong sagot.
"Sayang ang ganda 'nong babae kaso-"
"Kaso ano?"
"Anak ng baliw!" malakas niyang sabi at nagtawanan sila.
"Malamang baliw rin yan! Mana mana lang 'yan!" si Ashley naman ang nagsalita at muli silang nagtawanan.
Tumayo na ako at walang paalam na pumunta sa classroom. Narinig ko pang tinawag ako ni Leo pero hindi na ako lumingon. Doon nakita ko siya. Ang misteryosang babae ng Talisay. Nasa pinakaharap siya na walang tao ang buong linya ng upuan.
Umupo ako sa tabi niya at hindi niya ako nilingon. Diretso lang siyang nakatingin sa pisara. Pumasok na sila Leo sa classroom at nagulat nang makita akong nakaupo sa harapan. Inilingan niya ako at dumiretso na siya sa likod kung saan siya laging nakaupo.
Pumasok na si Ma'am Ester sa classroom. Inilibot niya ang ang silid gamit ang mata niya ay huminto ito sa katabi ko.
"Mukhang may bago sa inyo?" ngumisi siya at tinitigan ang katabi ko.
Nilingon ko naman ang nasa gilid ko at diretso paring nakatingin sa pisara kahit nasa gilid ang guro.
"Anong pangalan mo?" tanong ni Ma'am Ester nang makauupo siya.
Dahan-dahang tumayo ang katabi ko "Ako si Crizantel Sandoval"
Nangilabot na naman ako dahil lang sa pangalan niya. Mukhang pag binanggit mo ang pangalan niya at gigitilan ka ng buhay. Nagtaka kami nang biglang nanlaki ang mata ni Ma'am Ester at napatayo.
"Ikaw ang anak ni Donya Marissa" hindi iyon tanong.
"Kilala niyo po ang nanay ko?" mahinahon niyang sagot.
"Ang anak ng baliw!" singit naman ng kaklase ko at nagtawanan silang lahat. maliban sa aming tatlo.
Nilingon siya ni Ma'am Ester na ngayon ay galit na "Tumayo ka" utos niya sa kaklase ko.
"Bakit po Ma'am?"
"Kilala mo ba siya?" mahinahon nitong tanong.
"Siya po si Crizantel Sandoval, ang anak ng baliw" tumawa muli silang lahat.
Unti-unti kong nilingon si Crizantel na ngayon ay nakayuko ay nakasarado nang mahigpit ang mga kamay, pinipigilan ang galit. Ramdam ko ang paglakas ng kidlat at ulan sa labas at mukhang maiistranded kami dito.
"Bukod doon, may alam ka pa ba sa kanya?"
"Doon po siya nakatira sa mansyon"
"Tapos?"
Napakamot sa ulo ang kaklase ko "Wala na po eh"
Sarkastikong ngumisi si Ma'am Ester at kami ngayon ay nagtataka na. Iba na ang tingin ni Crizantel sa kanya. May lungkot sa mata nito.
"Kung hindi mo siya lubusang kilala, manahimik ka" mahinahon nitong sabi at sinenyasan ang katabinkong umupo na siya namang sinunod ito.
"Ngayon ay tatalakayin natin ang kasaysayan ng Talisay.." agad na nagmaktol ang mga kaklase ko.
BINABASA MO ANG
Vulnerable Creature
خيال (فانتازيا)Tinawag silang weirdo at hindi katanggap-tanggap sa bayan ng Talisay. Sa kabila ng lahat ng iyon, nakakilala siya ng isang binata na siyang nakikita niya sa kanyang panaginip na siyang kinahumalingan niya rin. Isang misteryo ang bumabalot sa bayan...