Masaya ka ba?

24 0 0
                                    

Ang daming mong gusto
Na hindi naman dapat
Ang salita ng o pananaw ng mga tao
Minsan nakakalason ng utak
Tulad na lang ng
"Piliin mo yung taong pasasayahin ka araw araw"
Dahil sa mga salitang yon
Madaming nasirang relasyon
Dahil sa mga salitang yon
Madaming nawasak na pagsasama
Dahil sa mga salitang yon
Maraming katulad ko na iniwan
Dahil sa mga salitang iyon
Yung ang gusto nyo
Na hindi naman dapat
Bakit? Mag isip ka
Hindi robot ang tao
Ginawa tayo para magmahal
Pero nagkakamali tayo
Hindi araw-araw sa taong yon
Magiging masaya ka
Hindi araw araw sa taong yon
Mapapangiti ka
Hindi araw araw yung taong yon
Nandyan kasama ka
Pero
Piliin mo yung taong
Araw araw pipiliin ka
Ikaw at ikaw wala ng iba
Kahit parehas kayong malungkot
Kahit parehas kayong nasasaktan
Kahit parehas kayong binabangungot
Paggising mo, kahit hindi kayo okay
Ikaw at ikaw parin ang pipiliin nya
Sa hirap at ginhawa
Sa lungkot at saya
Sa sakit at kagalingan
Sa pagpatak at pagtigil ng luha
Ikaw parin ang pinipili nya
Wala ng iba
Nakakabulag
Nakakabulag minsan
Yung naririnig at nararamdaman natin
Hindi ka na masaya
Kaya pumili ka ng iba
Hindi ka na masaya
Kaya sumama ka sa iba
Hindi ka na masaya
Kaya iniwan mo sya
Pero kahit minsan
Kahit ni minsan
Naisip mo ba?
Na sya kaya
Masaya pa?
Na sya kaya
Okay pa?
Na sya kaya
Ako pa ba?
Hindi, hindi mo naisip.
Hindi naman kita masisi
Kung gusto mong sumaya
Kasi sino ba naman satin ang ayaw
Kaso habang iniisip mo na
Maging masaya
Sumagi sa isip mong iwan sya
Na habang sya
mas pinili nyang manatili
Na makuha yung
Sayang gusto mo
Na kasama ka
Pero nasaan ka?
Wala na
Ikaw ay naging makasarili
Pero natural na yun bilang tao
Pero dapat hindi
Kasi nagmamahal ka
Kasi ang desisyon ng isa
Apektado kayong dalawa
Ngayon tatanungin kita
Ngayon
Araw araw masaya ka ba?

PURE LOVE, MY ASSWhere stories live. Discover now