Mabilis ang naging hakbang ni Elle. Nagmamadali siyang makarating sa poste na may tao.Ramdam na ramdam niya ang tindig ng balahibo sa batok, sinabayan pa ng mabilis na pagtambol ng dibdib at pamamasa ng kanyang balat dahil sa pawis. At ang lahat ng iyon ay dahil sa nakita niya sa daan. Ang malaking Balete na may mayayabong na dahon.
Hawak ang dibdib ay huminga nang malalim ang dalaga at pilit na pinakakalma ang sarili.
Halos mapalundag na si Elle sa gulat nang umingay ang telepono na nakatago sa kanyang bulsa. Agad niya iyong hinugot at sinagot. "S-shane! Asan ka na? Sana sinamahan mo na lang sana ako. Hindi ko kasi mahanap ang taong nakakita ng wallet ko."
Nagtatalak si Shane sa kabilang linya pero nagtaka si Elle kung bakit may kakaiba siyang nararamdaman sa paligid. Bigla kasing lumamig ang kanina pa mainit na lugar. Napansin niyang madalang na lang ang dumadaan na tao sa posteng iyon. At imbes na mga nag-iingayan na sasakyan ay ang mga kuliglig na lang ang nadidinig ng kanyang tainga.
Anak ng tokwa naman oh! Bakit diyan pa sa Balete Street.
Ayaw na ayaw niyang tingnan ang malaking puno sa kabilang dako ng daan. Ayaw niyang baka may makita siya.
Isang sipol ang tumawag sa kanyang atensyon. Naging dahilan iyon para mapadpad ang kanyang tingin sa kabilang dako, sa puno.
Dahil sa katirikan ng araw, naaninag ni Elle ang isang binata na nakatayo roon. Nakaangat ang kanyang kaliwang kamay at may hinahawakan na bagay. Pamilyar sa kanya ang hawak ng binata kaya agad niyang tinungo.
Tumatambol man sa kaba ang dibdib ng dalaga, wala siyang magagawa dahil kailangan talaga niyang makuha ang pitakang tatlong araw nang nawawala.
Habang binabaybay ang daan patungo sa lalaki, hindi niya maiwasan na punahin ang naging ayos ng binata.
Kulay kano ang kutis nito. Nakakorbata ito ng itim at puting pang-ilalim. Makintab ang suot na sapatos. Pormal ito at presentable.
"I believe this is yours. Steve nga pala," panimula ng binata at sabay abot ng pitaka sa kanya.
"S-salamat! I-im Elle." Naramdaman ni Elle ang malamig na kamay ng binata at doon para siyang nakuryente na 'di alam ang gagawin. Pumipintig na ang puso niya pero hindi dahil sa kaba. Iba na.
Ngumiti ito ng matipid. "May problema ba?"
"W-wala naman. May naalala lang ako."
"Chill ka lang, I'm not harmful. Okay?"
Muling ngumiti ang binata, this time nakita ni Elle ang maputing ngipin nito. Ang gwapo niya.
"At dahil sinipot mo 'ko, I will treat you for a lunch."
Magsasalita pa sana si Elle pero inunahan na siya ng binata kaya hindi na siya nakapalag pa. Hinayaan lang niyang tangayin siya ng binata, ginusto rin naman niya.
---
Nakarating sila sa hindi pamilyar ni Elle na kainan. Matagal na siyang pabalik-balik sa Aurora pero ni hindi pa niya nasubukan na kumain dito. Kakaiba ang mga kumakain, lahat nakakorbata at tahimik lang na lumalamon. Kung wala lang ang mga mesa at upuan, iisipin niyang lamay 'tong pinuntahan nila.
"Hey, heto na order natin. I'm sure 'you'll gona love it."
Nakatingin lang si Elle sa nakahain at namilog ang kanyang mga mata. Isang black rice at umuusok na adobong manok. Unti-unting umangat ang tingin ni Elle sa lalaking kasama. He was just smiling, a creepy smile for Elle.
"Alam mo, Elle, simula nang makita kita doon sa Balete, hindi ko mapigilan na mahulog ang loob ko sa iyo. I wanna know you better."
Hinihimay lang ni Elle ang pagkain, pero wala siyang plano na kainin 'yon. Bigla kasi niyang naalala ang kwento ng lola niya tungkol sa Dalaketnon at kanina pa niya nakumpira ang hinala niya.
"Kain ka na!"
Tinabing ni Elle ang kutsarang malapit na sana dadapo sa kanyang bibig. "Dalaketnon ka, tama ako?"
Tumawa ito. "Yes, at pwede ba kitang maging girlfriend?"
Hindi umimik si Elle.
"Gusto kita, Elle. At kung ang pagiging Dalaketnon ang naging problema mo, handa akong magbago, mahangad ko lang ang pag-ibig mo."
Tumayo ang binata at itinapon papalayo ang itim na kanin na nasa mesa.
Lumapit ito at lumuhod. "Please, let me love you, human. Di kita sasaktan."
Napabuntong-hininga lang ang dalaga at nag-iisip.
YOU ARE READING
Enchant With You ✔
ContoNang dahil sa pag-ibig, handa mo bang pigilan ang pagiging kakaiba mo sa lahat? Love is a terrifying thing. It could turn spiders into butterflies; it could paint horror into love; it could make zombies thump their hearts. Now tell me, will you acce...