"Anaconda,85."
"Barok,86."
"Casias,87""Sana ol." sigaw ng mga kaklase kong abnormal
Kinakabahan na 'ko sa grade ko sa E.S.P . Huhuhu! I have this feeling na babagsak ako sa subject na 'to.
Mahilig pa namang mamahiya 'tong si Ma'am Dalia Tacot. Matandang dalaga na ito at bali-balita na kaya hindi ito nakapag-asawa dahil may hinihintay ito pero 'yong hinihintay niya,hayun masaya na sa piling ng iba.
Kaya siguro bitter siya. Hahaha!Anyways, di ko napansin na malapit na pala akong matawag. Huhuness. Hutaness.
Demonyo ako,eh. Kaya for sure bagsakness ako neto. Patay ako sa Mamang at Papang ko.Pero siguro maiintindihan naman nila 'yon. Proud na proud nga sila sa grade kong 80 sa Math,eh.
"Fresco,83."
Nako,di ko napansin na ako na pala!Ako kasi ang kasunod ni Miss Fresco.
Okay,pikit mata sabay mulat agad pagkasabi ng grade. Whoa.
"Miss Jeane Gali? Pwede bang tumayo ka ngayon din?" nakakatakot 'yong boses ni Ma'am Tacot kaya naman no choice kundi tumayo na lang kahit na 'di ko alam kung bakit pinapatayo ako.
"Ahm Ma'am po? He-he?"
Wala akong kasalanan! I'm innocent! Wala akong ginawang mali! Ay meron pala,pero secret lang ito ha.
Nahalikan ko lang naman 'yong labidabs ko na si Keifer Manuel na naglalakad mag-isa kanina sa hallway. Sa labi ko siya na-kiss hehe. Muntik na nga kaming matumba,eh.In fairness, sobrang sweet ng mga labi niya. Parang strawberry na may halong honey bee.
'Yong feeling na parang nakalutang ako kanina habang magkadikit ang mga labi namin.Pero kase aksidente lang naman akong tinulak ng kaibigan kong si Mela. Keshe nemen eng heret heret eh.
Di ko ginusto 'yon,okay?!Joke lang HAHAHAA! Oo na! Ginusto ko rin naman hehe. Di ako nagsisisi na siya ang nakakuha ng virginity ng lips ko. HEHEHE.
Buti nalang walang nakakita.
Nako,kundi issue nanaman. Matagal ko na kasi talaga siyang gusto. Plus,ang hot niya kanina sa Jersey niya na may nakalagay na favorite number ko na 02.
"Miss Gali?!Aware ka naman siguro sa kasalanang nagawa mo kanina,hindi ba?!"
Napatingin naman ako kay gurang ay este kay Ma'am Tacot.
"Po?! Ma'am wala po akong natatandaan na may ginawa akong masama ka-kanina."
tanggi ko pa rin kahit na medyo nautal ako sa huli.Patay!Feeling ko nabalitaan na ni Ma'am ang ginawa kong kababalaghan slash kalokohan ko kanina.
Wala namang nakakita. So paano niya mababalitaan 'yon?"Sigurado ka,Miss Gali?!"
pinakatitigan pa ako ni Ma'am na para bang inaalam ang mga tinatago ko'Di ko na kaya 'to. Aamin na 'ko. Nakokonsensya na ako.
Kahit kasi ganyan si Ma'am Tacot,mabait 'yan. Sobra. 'Yon nga lang madali siyang kausap na mahirap kausap. Oh diba HAAHAHA!
"MA'AM PO HINALIKAN AY ESTE NAHALIKAN KO PO SI KEIFER KANINA KASE PO TINULAK AKO NANG KAIBIGAN KO PERO GINUSTO KO RIN NAMAN PO!" mabilis kong sabi,dahilan para magsitawanan ang mga kaklase kong kulang yata sa buwan
"Yieeeee"
"Sana ollllll!"
"No way!sa akin lang si Keifer!" At talagang sumigaw pa ang mga kulang sa buwan"Manahimik muna kayo.Buti naman at UMAMIN ka Miss Jeane Gali. Alam mo bang masaya ako?Dahil 'dyan,may plus 1 direct to the card ka. So ang score mo ay 95. May plus 1 na 'yon."
"Unfair! Ma'am naman!"
"Ih Ma'am,bakit siya lang may plus?"
"Favorite kase." reklamo ng mga kaklase kong halos mamatay na kakatawa kanina pero ngayon parang nalugi ng ilang taon HAHAHAA!NASA AKIN ANG HULING HALAKHAK!
"Wala akong favoritism,okay?Sadyang masaya lang talaga ako para sa pamangkin ko kase mukhang nahanap na niya ang babaeng magmamahal sakanya ng habang buhay."
madramang sabi ni Ma'am na ikinagulo ng utak koAno raw?Pamangkin?
"Ano pong ibig niyong sabihin Ma'am?"
"Ano raw?"
![](https://img.wattpad.com/cover/204374565-288-k136272.jpg)