prelude

451 16 23
                                    

--✖

"anak! magiingat ka sa maynila ha? basta kapag may kailangan ka tumawag ka lang sa amin ha? naku mamimiss kita anak." sabi ng kanyang ina sabay yakap ng mahigpit sa ating bida na si ashton. kulang nalang umiyak siya sa harap ng kanyang ina dahil maghihiwalay na sila dahil siya'y mag-aaral na ng kolehiyo sa maynila.

"mama tama na, baka maiyak pa ko ng hindi oras e. sige na po, baka maiwan ako ng bus. bye! labyu ma!" sabi nito at niyakap niyang muli ang kanyang ina. sa totoo lang, wala silang pera pambayad ng tuition. pero si ashton na lahat ang didiskarte dyan.

mayroon siyang kakilala sa maynila na naging kaklase niya noong hayskul siya, si michael. buti nga close sila nun. kung hindi wala siyang matutuluyan sa maynila.

naghanap siya ng mauupuan niya sa loob ng bus. mayroon siyang nakita na bakante sa may bandang dulo ngunit mayroon ng nakaupo na sa tabi ng bintana. agad naman niyang nilapitan iyong bakanteng upuan at umupo na. buti nalang mayroon pang natirang upuan.

kinuha niya ang kanyang selpon. nokia 3310 lang iyon dahil wala naman nilang pambili ng mamahaling selpon gaya nung apple, blackberry, blueberry at grapes.

tinext niya iyong kaibigan niyang si michael upang itanong kung saan niya ito susunduin dahil hindi niya pa alam ang mga lugar sa maynila. ang sabi naman ng kaibigan ay hihintayin niya na lamang si ashton sa mismong terminal.

mga ilang oras din ang biyahe kaya nakatulog na lamang siya. paggising niya ay doon na lamang niya napansin na nakasandal siya sa balikat ng kanyang katabi. tumulo pa nga ang laway niya e. tinignan niya ang lalaki. mukha naming mabait ito. kaya umiwas nalang siya ng tingin dahil nahiya ito sa nangyari.

pagdating sa terminal ay agad niyang hinanap si michael. hindi niya maikakaila na masaya siyang makita muli ang kaibigan.

"pre, kamusta ka na?" tanong agad ni ashton kay michael pagkaharap nito sa kanya. feeling niya ay 4986948765697478657346594 years silang hindi nagkita dahil namiss niya ito. siya kasi ang kauna-unahang kaibigan niya noong hayskul sila. medyo baklang pakinggan pero namiss niya talaga si michael.

"eto okay naman. maganda naman dito sa maynila. medyo malungkot nga lang dahil ako lang mag-isa sa bahay. pero buti nandito ka na. namiss kita pre." sabi ni michael. "ang bakla talaga ano ba yan." sabi sa isip ni ashton.

"tara na. gutom na ko. may pagkain ba sa bahay mo? pahinge ha?" sabi ni ashton tapos sabay na silang naglakad at sumakay ng sasakyan.

--

ashton

[ang hirap ng third person tangina lang]

naglalakad kami ngayon ni michael sa university na papasukan ko para makapag-enroll na kami. nakapagipon na si mama ng pera para sa tuition ko. fully paid na ko. baka isipin niyo mayaman kami, hindi. sadyang masipag lang ako noong hayskul-- nagworking student na ko noon. kaya ngayon kailangan ko paring maghanap ng trabaho para bayaran yung mga gastusin ko sa bahay ni michael.

sa panahon ngayon, wala ng libre. meron ngang libre, mga free taste sa mall. kaso bihira nalang ako maka-encounter nun e. tama na nga yung usapang pagkain, nagutom tuloy ako.

habang naglalakad kami papuntang finance office, may nakabangga sa akin na lalaking matangkad. nahulog nga yung mga papel na hawak niya e. kaya yun, tinulungan namin siya ni michael na pulutin yung mga nagkalat na papel.

"ah, sorry pre. eto nga pala." sabi ko sabay abot dun sa mga papel. napatingin naman ako sa mukha niya. teka..........

parang kilala ko to ah.

eto ata yung lalaking katabi ko sa bus. ay putangina. siya nanaman? jusko lord.

"teka, diba ikaw yung tumulo yung laway sa may balikat ko?" sabi naman niya bigla kaya medyo napatingin sa amin ni michael at tumawa ng malakas.

"naku ashton, tuloy laway ka parin? hAHAHAHAHAHA!" aba leche. "hoy michael tigilan mo kong gago ka. pasalamat ka, ako yung humingi ng pabor sayo kung hindi kanina ka pa lumipad." sabi ko sa kanya tapos hinarap ko uli yung lalaki.

"hoy ikaw, pwede ba wag mo ng banggitin yun. nakakahiya tol. ano nga pala pangalan mo?" tanong ko naman sa kanya.

"luke. luke hemmings. teka nga dun na tayo sa cafe may-usap. tara." sabi niya tapos tumungo na kami sa may cafeteria.

--

"ano ba. dalian mo ng kumain diyan. ang takaw takaw mo. ilang linggo ka bang hindi kumakain ha?" reklamo ni luke. paano ba naman kasi, wala pa kong masyadong pera pambili ng mga pagkain sa bahay.

"isang linggo na kong nakatira kina michael, walang pagkain e." sagot ko naman tapos kumagat uli ako dun sa burger. ang sarap neto. sa amin pandesal lang ang kinakain with matching star margarine e. dito may bacon, gulay, kamatis at ketchup pa. heaven pala talaga dito sa maynila.

"tara na, itetake out ko na itong 2 pc. na manok with extra rice." sabi ko naman. habang hinihintay yung pinatake-out....

"is this seat taken?" tanong ng isang lalaki na may katangkaran, nakasuot ng shades, may blonde highlight ang buhok at......

malaki ang ilong.

"hey you! are you ano... filipino?" tanong ko sa kanya. nacurious ako e. inglishero kasi. may accent pa aba. pero mukha kasing pilipino e.

"i'm filipino." simpleng sagot ni boy ilong. aba, suplado. bahala ka. neknek mo. english pa.

"do you spoke tagalog?" tanong ko uli. siniko naman ako bigla ni luke at bumulong ng "bobo speak yun ulol." napa "ahhhh." nalang ako.

"do you speak tagalog? can u understand? why do you speak ano.. english?" uhm ano. ano kasi yun... nakakaano, nosebleed. may accent kasi ampota.

"marunong akong magtagalog ungas. wag kang trying had mag-english, ang sagwa pakinggan." sabi niya bigla kaya napanga-nga nalang ako. putangina mo.

"punyeta ka pala e. pinahirapan mo pa ko. gago. ano nga pala pangalan mo?" tanong ko.

"calum hood." simpleng sagot niya.

---

at diyan nagtatapos ang istorya.

joke.

simula palang ito ng istorya ng ating bida na si ashton. ngayon nagkakilakilala na sila, samahan natin siya sa kanyang mga adventures kasama ang tatlong unggoy na sina michael, calum at luke.

ano kaya ang magiging kapalaran nito sa paglipat niya sa maynila?

dito rin kaya magstart ang kanyang mala-fairytale na lovestory? or epic fail lang lahat?

abangan niyo nalang sa the misadventures of ashton irwin.

--✖

gRABE DI KO KINAYA ANG DEEP NG TAGALOG KO EUHSDFDSJH

The Misadventures of Ashton IrwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon