'ANG PANIMULA AT ANG WAKAS'
-ᴍᴜʟᴀ sᴀ ɪᴍᴀʜɪɴᴀsʏᴏɴ ɴɪ Fʀᴇᴛᴢᴇʟ Kɴᴏᴡɴ
Kᴀᴛᴇɢᴏʀʏᴀ: Fᴀɴᴛᴀsʏ
P R O L O G O
Ang lahat ay may simula, ngunit lahat ba talaga ay may wakas?Sa malayong bayan ng Pendella kung saan nakatira ang mga taong may espesyal na kakayahan, oh kung tao nga silang matatawag, ay nanininirahan ang babaeng nagngangalang Krisha kung saan siya ang naatasan na hanapin ang susunod na mangangalaga ng kanilang bayan upang hindi mawala ang balanse sa mundong ating ginagalawan. Madali lang sana ang lahat kahit pa limitado ang oras, sapagkat may kakayahan si Krisha na mahanap ang tamang daan saan man siya mapadpad.
Ngunit paano na ang lahat kung ang nararapat na mamuno ay mahirap pakiusapan at patuloy lamang sa pakikihalubilo sa mga ordinaryong tao sapagkat ang alaala nito sa kanilang bayan ay nawala?
Patuloy ang gulo sa Pendella at tumatakbo ang oras, ngunit si Krisha ay hindi parin pinapaniwalaan ng kanilang pinuno na inaakalang nahihibang na siya.
Paano na ang lahat kung maaalala lamang sila ng kanilang pinuno sa oras na kusang loob itong sumama kay Krisha na mukhang malabong mangyari? Ang balanse ba ng ating mundo ay tuluyan ng mawawala? At ang mga tao ay sasakuping muli ng mga masasamang nilalang?
Ang mga mamamayan ng Pendella ang nagpoprotekta sa mga ordinaryong tao at kahit pa sa lahat ng elemento sa buong mundo, ngunit paano nila iyon magagawa kung miski sa kanila ay magkakagulo?
---++++-----
Tandaan; Ano mang uri ng pagkuha o panggagaya ay isang uri ng krimen.
BINABASA MO ANG
Ang Panimula at ang Wakas
FantasyLahat ng bagay ay may simula, ngunit lahat nga ba talaga ay may wakas?