/Uno/

2 0 0
                                    

'ANG PANIMULA AT ANG WAKAS'

_________________________________________


"ɪᴋᴀᴡ ᴋʀɪsʜᴀ ғᴀʙɪʟʟᴏɴ ᴍᴏsʟᴀʀᴇs, ʙɪʟᴀɴɢ ɪsᴀɴɢ ᴛᴀᴘᴀᴛ ɴᴀ ᴍᴀᴍᴀᴍᴀʏᴀɴ sᴀ ʙᴀʏᴀɴ ɴɢ ᴘᴇɴᴅᴇʟʟᴀ, ɴᴀᴘᴀɢᴘᴀsʏᴀʜᴀɴ ɴɢ ʙᴜᴏɴɢ ᴛᴀɢᴀᴘᴀɴɢᴀʟᴀɢᴀ ɴᴀ ɪʙɪɢᴀʏ sᴀ ɪʏᴏ ᴀɴɢ ᴍɪsʏᴏɴ ɴᴀ ʜᴀɴᴀᴘɪɴ ᴀɴɢ ᴘɪɴᴜɴᴏ ᴀᴛ ɪʙᴀʟɪᴋ ᴅɪᴛᴏ sᴀ ᴀᴛɪɴ sᴀ ʟᴀʟᴏɴɢ ᴍᴀᴅᴀʟɪɴɢ ᴘᴀɴᴀʜᴏɴ. ᴛᴜʟᴜʏᴀɴ ɴɢ ɴᴀᴡᴀᴡᴀʟᴀ ᴀɴɢ ʙᴀʟᴀɴsᴇ ɴɢ ᴍᴜɴᴅᴏ ᴀᴛ ᴋᴜɴɢ ᴍᴀɢᴘᴀᴘᴀᴛᴜʟᴏʏ ᴀʏ ᴍᴀsɪsɪʀᴀ ɪᴛᴏ sᴀ ᴅᴀᴍɪ ɴɢ sᴀᴋɪᴍ ɴᴀ ɴᴀᴋᴀᴀʙᴀɴɢ sᴀ ᴘᴀɢʙᴀɢsᴀᴋ ɴᴀᴛɪɴ. sᴀ ᴏʀᴀs ɴᴀ ᴛᴀɴɢɢᴀᴘɪɴ ᴍᴏ ᴀɴɢ ᴍɪsʏᴏɴ ᴀʏ sᴀ ɪʏᴏ ɴᴀ ɴᴀᴋᴀsᴀʟᴀʟᴀʏ ᴀɴɢ ᴋᴀʟɪɢᴛᴀsᴀɴ ɴᴀᴛɪɴɢ ʟᴀʜᴀᴛ. sᴀʙɪʜɪɴ ᴍᴏ, ᴍᴀɢᴀɢᴀᴡᴀ ᴍᴏ ʙᴀ ᴀɴɢ ɪʏᴏɴɢ ᴍɪsʏᴏɴ?"

Ngunit ang pagtanggi ay isang uri ng krimen.

"Ah!" paghagilap ko ng hangin matapos akong makalabas mula sa lagusan na nagdurugtong sa ibat-ibang mundo.

Sa ngayon ay pinili ko sa mundo ng mga mortal sapagkat iyon ang naaayon sa aking nararamdaman.

I am a clairvoyance. My ability is to see the unknown. I can just stand all the time even in a very, very dark room and know what is happening all around me in the world at the point in time. Hindi ko nakikita ang hinaharap o ang nakaraan kundi ang kasalukuyan lamang. I just recognize the feelings because the image is gone before I can concentrate on it long enough.

Minsan parang clips lang ang nakikita ko at kung anong ginagawa nila sa oras na iyon. Kaya naman madalas alam ko kung may kapahamakan na nagaganap.

Umahon ako sa dagat kung saan ako napadpad. Hawak hawak ko ang aking makapal na kasuotan na lumalaylay sa buhanginan. Hindi nakatulong ang hangin na humahaplos sa aking balat sapagkat mas nanunuyo lamang ang aking lalamunan.

I don't know where am I exactly. Hindi ko rin alam ang kinalalagyan ng aming pinuno. Sa pagkakaalam ko ay triple ang bilis ng oras ng mga mortal sa aming mundo. Kaya naman kahit magtagal ako dito ay ayos lamang sapagkat kaunting oras lang naman ang makokonsumo ko mula sa aming mundo. Madali lang sana mahanap ang pinuno, ang mahirap lang ay hindi ko alam ang anyo nito.

Para sa mga tao ang tawag sa amin ay mga imortal. Iyon ay dahil sa mahaba naming buhay. Ngunit ang totoo ay para rin kaming katulad ng mga tao, ang kaibahan lamang namin ay ang aming mga kakayahang hindi normal para sa mga mortal.

Kaming mga taga Pendella ang nangangalaga sa iba't-ibang mundo. Sapagkat kapag pinagsamasama ang aming mga kakayahan ay hindi uubra ang ibang nabubuhay sa amin. Ngunit ngayong wala sa aming namumuno ay para kaming biglang nawalan ng kapangyarihan.

Napahawak ako sa ulo ko at napapikit ng may biglang pumasok na pangyayari.

Likod ng isang matipunong lalaki. Sumunod ang pares ng kulay abong mga mata, ngunit hindi tulad ng ordinaryong nakikita, ang mga mata nito ay mukhang delikado, mukhang nakapanghihipnotismo, mukhang nakakahalina. May nakita rin akong dagat at ang pagkawala ng nasabing lalaki na para bang natabunan ng tubig.

Napamulat ako ng mabilis matapos makita ang pangyayari. Ang dagat, dito ang dagat na iyon!

Muli 'kong binuhat ang aking kasuotan at patakbong nilibot ang dalampasigan.

Hindi ako maaaring magkamali, ang likod na iyon, ang mga matang nakakahalina, ang lahat ng iyon ay pag aari ng aming pinuno!

Habang tumatakbo ay may kakaibang pakiramdam ang bumalot sa aking buong katawan. Hindi ko alam pero unti unting bumagal ang pagtakbo ko hanggang sa kusa nalang itong tumigil. Binitawan ng kanan 'kong kamay ang kasuotan na hawak hawak at dinala ko ito sa aking bandang puso. Ang lakas ng tibok ngunit hindi ito nanggaling sa pagtakbo, sapagkat kumikirot ito.

Napaharap ako sa bandang dagat at sa hindi malamang dahilan ay dumaloy ang mainit na likido sa aking pisngi na galing sa aking pares na mata.

Bakit ako lumuluha? Bakit ako nasasaktan?

Isang bulto ng katawan ang umahon sa dagat na aking nasa harapan. Napatigil ako ng husto sa imahe nito. Kahit kanyang presensya ay napakapamilyar. Siya ang aming pinuno, unang beses 'kong nakita, ngunit bakit ganito ang aking nararamdaman?

Napapikit ako ng muling may pumasok na pangyayari sa aking isipan. Ngunit hindi kagaya ng aking kakayahan, ang pangyayaring ito ay napaninigurado kong hindu galing sa kasalukuyan.

"Dux nakarating ka"

Napamulat ako pagkatapos. Ang mga salitang iyon ay pamilyar ngunit hindi ko alam kung bakit.

Isa ba iyong alaala? Imposible.

Tiningnan ko ang bulto na nasa aking harapan, hindi manlang ako nito tinapunan ng kahit mabilis na sulyap lamang at akmang lalampasan na ako nito na parang kahit aking presensya ay wala siyang alam.

Ngunit ng nakapantay ko na ito sa aking gilid ay nasambit ko ang salitang hindi ko alam kung saan ko nakuha.

"Dux"

Humarap ako sa gilid kung saan siya napatigil ng masambit ko ito.

Bakit alam ko ang kanyang pangalan?

---++++-----
Tandaan; Ano mang uri ng pagkuha o panggagaya ay isang uri ng krimen.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 07, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Panimula at ang WakasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon