CHAPTER 02

1 0 0
                                    

PAGKATAPOS maiayos ni Reni ang mga gamit nila sa bago nilang inuupahan, agad na inilabas nya ang diary nya at isinulat ang mga nangyari ng araw na yun.


                    10-30-20**            7:25 am

Dear Diary,

Umalis na naman kami sa bahay, Diary. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na. Kung dati, nag eenjoy pa ko kasi ung nililipatan namin laging malapit sa mga pinsan ko. Pero ngayon, hindi na ko natutuwa. Lalo na, ako na naman ung nagbuhat ng mga gamit namin papasok sa loob ng bahay. Halos mga kabataan nga ang nakatira dito. Malapit lang nakatambay sa pinauupahan namin pero hindi ako nahiyang magsisigaw para tulungan ako ng mga mababait kong kapatid.
At the end, ako pa rin ang nagbuhat. Napaos pa ko. Sobrang sarap magkaroon ng kapatid, Diary.

Nabagsakan ng cabinet,
Serenity

Hindi kagandahan ang sulat ni Reni kaya kampante sya na walang maglalakas loob na basahin ang mga nakasulat. Sinubukan na din itong basahin ng mga kapatid nya pero wala pa sa 1/8 ay agad na itong mga nagsisuko.

Dito lang inilalabas ni Reni ang mga hinanakit, saya, tuwa, sopresa, at sikretong hindi nya masabi sabi sa kahit na kanino. Hindi kasi si Reni ung tipong sinasabi ang mga nararamdam nya. Hindi kasi agad sya nagtitiwala.

Hindi na namalayan ni Reni na ibinubuklat na nya ang kanyang Diary paatras. Papunta sa araw kung saan nawala ang pagtitiwala nya.

“Hoy”

Pabasa na sana si Reni ng pumasok sa kwarto ang Kuya Shawn nya.

“Ano na naman?” iritadong sabi ni Reni sabay tago ng remote sa likod nya pagkakita sa bagong biling CD ng Kuya nya.

“Alis dito, manonood ako” sabi nito at tinutulak tulak sya paalis sa kama.

“Ayoko! Nauna ako dito eh! Teka--ano ba, Kuya!”

Hindi din nagpatalo si Reni at pinagsisipa ang Kuya nya. Pilit naman sya nitong itinatayo pero nagmamatigas sya.

“Alis na kasi, Reni! Pupunta tropa ko dito. Diba ayaw mo sa bisita? Alis na bilis, t@ngina naman oh!”

Hindi pa rin umalis si Reni kahit na nanakit ang katawan nya, pilit syang lumalaban para sa kama.
Kahit na babae sya, binabatok - batukan sya ng Kuya nyang walang hiya kung kaya mas nilalakasan pa ni Reni ang pagsipa at pagsuntok dito.

Mayamaya, tumigil na ang Kuya nya. Akala nya suko na ito. Ngunit bigla nitong hinila ang mga paa nya sabay isinampa sya nito sa likod.

Agad namang nagwala wala si Reni hanggang sa madulas sya sa mabahong pawising Kuya nya.

“Baho mo, Kuya! Bahala ka mas lalo akong di aalis dito!”

Dumapa sya sa kama sabay pikit at iniyakap iyon na parang nakasalalay ang buhay nya dito.

Gusto nyang inisin ang Kuya nya at the same time patigilin sa hilig nito. Sya nalang kasi ang laging naglilinis nang mga kalat kalat nito sa kwarto at nang tropa nyang akala mo first time makawala sa hawla at hindi na-experience makapagkalat kaya sinubukan sa kwarto nila.

Kahit na diring diri, sya ang nagpupulot ng mga pinag gamitan nilang mga tissues. At pagpapalit ng bed sheet tuwing pupunta ang mga kaibigan nitong hindi nya alam na agad nalaman kung saan na sila nakatira ngayon. Iba na talaga pag hayok.

Wala ng wrestlingan ang naganap uli sakanila ng Kuya nya.
Basta't narinig nya nalang ang langitngit ng kama na ang ibig sabihin ay umupo sa tapat ng tv nila doon at natahimik na.

Napagod na siguro ang Kuya nya. Napangiti naman sya dahil sa wakas ay nag tagumpay din sya.

Papikit palang si Reni ng bigla nalang umalingawngaw sa kanyang pandinig ang pag ungol ng isang babae na akala mo ay nasasarapan sa kung anong bagay.

'Punyeta'

Agad na tumayo si Reni at pinagsusuntok uli ang Kuya nya. Tawa naman ito ng tawa lalo na ng makita ang mukha nyang mapula pa sa red at hindi mawari na emosyon.

“G@gu tigil na oy HHAHAHAHAHA” tawa ng Kuya Shawn nya at binunot na ang CD na nakasalpak.

CD na may litrato na mga babaeng nakahubo.

“Pag sinabi ko kasi sayong umalis ka, umalis ka na. Ang kulit mo eh nag stay ka pa rin. Yan tuloy” nakangising sabi ng Kuya nya.

Inirapan nya nalang ito at nag ayos bago bumaba sa kama.
Sya pa rin pala ang talo. Wala na talaga syang magagawa sa gutom na laman ng Kuya Shawn nya.

Bago pa sya makaalis sa kwarto ay narinig nya pa itong nagwika

“Isang bala ka lang”

Napipikon na bumaba si Reni. Kahit nasa baba na sya ay rinig pa rin nya ang malakas na halakhak ng Kuya nyang abnormal.

Nagtimpla nalang si Reni ng gatas at binasa ang mga text sakanya

'Sana naman naligaw na load na 'to'

Mama Smart:
Ung mga kapatid mo nakila Tita Kris mo. Dapat malinis dyan pag uwi ko.

Hindi na nag reply si Reni at tinignan na ang pangalawang mensahe.

Papa Globe:

Binalik mo ung sangkalan tapos dun mo nilagay sa upuan. Nasan napunta utak mo Reni?

Napahilot nalang sa sintido si Reni.

'Tangna mo talaga Kuya'

Hindi na napigilan ni Reni na magtipa at itext ang Kuya nya kahit na nasa itaas lang ito.
Ayaw nyang makarinig ng kung anong kababalaghan kaya't mas mabuting mag stay nalang sya sa itaas.

Si Papa, nagrereklamo kasi
sa upuan nilagay ung
sangkalan nyang mahal na
mahal. Ano bang sinabi ko
sayo, Kuya? Di ka naman
nakikinig eh!

Gigil na pinindot ni Reni ang send. Napipikon talaga sya sa Kuya nya.

Kuya Globe:

Dear Diary

Saglit na napatigil si Reni sa nabasa.
Mayamaya, nanlaki ang mga mata nya at hahakbang na sana ng hagdan ng

“Hey yow, Reni!”

Hindi na sya nakailag sa pag akbay ng isang kaibigan ng Kuya nya.

'Kingina naman'

“San Kuya mo?” sabi nito na medyo malapit ang mukha sakanya kung kaya't amoy na amoy nya ang yosi sa bibig nito

“Nasa itaas na po” sabi ni Reni at lumayo ng kaunti

“Akyat na po kayo dun. Kanina pa kayo hinihintay ni Kuya Shawn”

Sa wakas ay lumayo na din sakanya ang mabahong kaibigan ng Kuya nya.

“Sige, Reni. Akyat na kami dun ah?”

Tumango nalang si Reni at napahilamos na naman ng mukha na walang tubig.

'Paker ung diary ko asdfgjkl'

SerenityWhere stories live. Discover now