CHAPTER 03

1 0 0
                                    

HABANG nainom ng gatas sa sala si Reni ay bigla nalang may babaeng padabog na binuksan ang pinto. Kung hindi nya lang alam na ang Ate Sydney nya ito ay baka kinuha nya na ang baseball bat nila at hinampas ito sa ulo.

Walang emosyon ang Ate nya na akala mo hindi nagdabog habang papalakad paakyat sa taas. Kahit na ganoon ay alam na agad ni Reni ang nangyari wala pa man din itong sinasabi.

“Asan si Mama?” tanong nang Ate nya bago umakyat sa taas.

Naiwas ng tingin.

“Lalaba. Nyare sayo?” kunwaring inosenteng sabi ni Reni.

Hindi sya pinansin nang Ate nya at tuluyan nang umakyat sa taas.

Bumuntong hininga si Reni at iniubos na ang gatas nya.

Nagsaing na muna sya at nagligpit ligpit para iwas trabaho na sa Mama nya bago sya umakyat at kinatok ang kwarto ng Ate nya.

Hindi naman ito sarado kung kaya't pumasok na si Reni.

Sumandal sya sa plywood na pader nito at hinarap ang Ate nyang nagtutupi. Nandoon pa rin ang blankong mukha nito.

'Magpapanggap na nga lang masyado pang halata'

“Wag kang umasta ng ganyan. Kapag nakaramdam si Kuya sayo, sermon ka na naman” seryosong sabi ni Reni.

Tumingin sakanya ang Ate nya na parang may pagtatanong.

'Masyadong gamit na ang reaksyon mo' sabi na naman ni Reni sakanyang sarili

“Wala na kayo?”

Tatlong salita lang ang binanggit ni Reni na syang nagpaiyak nang tuluyan sa Ate Sydney nya.

Gusto man nyang damayan ang Ate nya ay hindi nya magawa. Kailangan nitong matuto. Hindi lahat nang tao ay iintindihin ang ugali nya.

Isa din ito sa mga nakakapagod na mga pangyayari sa buhay nilang magkakapamilya. At isa pa, sa malamang sa malamang ay yayakapin sya nito na hindi naman nya makakaya dahil hindi nya hilig ang yumakap.

“Sinabi ko na sayong magtira ka para sa sarili mo. Pero hindi mo ginawa dahil ibinuhos mo dun sa lalaking yun. Simot na simot ka na pero willing ka pa din maubos” sabi nya habang nakatingin sa Ate nyang nagpipigil na humagulgol.

“At gusto mo pa na kausap ay si Mama na syang tanga tanga din sa mga ganyang bagay. Ewan ko sainyo. Magsama kayong dalawa” sabi ni Reni at binuksan na ang pintuan nang kwarto.

Naaasar sya sa mga luha ng Ate nya. Luha na hindi naman worth it dahil g@go ang taong iniiyakan. Mga hikbi na nakakabingi sa tenga na kahit anong hina ng tunog nito ay maiinis ka pa rin dahil maiisip mo kung anong dahilan.

Paalis na sana si Reni ng tawagin sya ng Ate nyang mana sa nanay nya

“Paano mo nalaman?”

“Kahit sino malalaman. Kahit ung mga kapitbahay nating hindi ka pa lubos na kilala ay alam na ang kondisyon mo. Masyado kang halata”

“Observant kang tao, Reni”

“Tanggapin mo na. Matalino kang tanga tanga”

HINDI na nya hinintay na makapagsalita ang Ate nya. Agad na syang bumaba at binuksan ang TV para malibang. Pilit na inaalis sa isipan na isa ang Ate nya sa mga tangang taong nakilala nya.

Unang pakilala palang ng Ate nya sa boyfriend nitong si Jonas ay alam nya ng hindi sila magtatagal. Kahit na gustong gusto nyang ipagmukha sa Ate nya na hindi sya mahal ng lalaki ay hindi nya magawa.

Minsan lang kasi na maging masaya ang Ate nya. Masyado itong focus lagi sa pag aaral at hanggang sa makatapos ay walang naging kasintahan.

Idolo nya ang Ate nya dati dahil ito ang pinag iinitan lagi ng kanyang ama pero hindi ito sumuko at nagpursiging mag aral hanggang sa makatapos bilang suma cumlaude. Pero hanggang dun lang din iyon.

Dahil matapos makapagtapos ang Ate nya ay kung sino sino at kung ano ano na ang binoyfriend nito. Sya ang nahihiya sa Ate nya dahil naturingang Suma pero tanga tanga sa pagpili sa taong nararapat.

At eto ngang si Jonas. Una palang ay amoy na agad nya ang pakay nito sa Ate nya. Kung paano nito hagudin ng tingin ang Ate nya at ang pasimple nitong papisil pisil.

Hindi naman sa ayaw nyang may mangyari sa mga ito. Malaki na naman ang Ate nya tanga tanga lang talaga. Ang gusto lang naman nya ay pumili ito ng wasto. Hindi ung konting pakilig lang ay sasagutin na agad.

Palagi din itong nasakanilang bahay doon at minsan nga ay doon pa nakikitulog ang animal. Wala namang magawa si Reni dahil wala ang kanyang ama na siguradong hindi makakapayag sa ganon, habang ang kanyang ina naman ay todo support sa lovers.

Ang Kuya nya lang lagi ang kanyang sumbungan. Pero parehas nya, nagpipigil lang ito dahil alam nyang doon sasaya ang kapatid nila.

Minsa'y nahuhuli nya itong nakatingin sa legs nya at madalas sa dibdib nya. Mapungay din ang mata nito kapag dadapo sakanya ang paningin ng lalaki.

Binabalewala nya lang iyon dahil alam naman nya sa sariling hindi matutukso sa mga ganoong bagay lalo na't girlfriend nito ang Ate nya.

Minsan na din nitong kunwari'y natabig ang screen nang CR habang naliligo sya kung kaya't nawasak iyon. At mapansing may matang nakasilip sakanya sa kaunting siwang sa pinto ng kwarto.

Ang pinaka hindi malilimutan ni Reni ay ang minsan'y magising sya ng madaling araw para uminom ng gatas nang bigla nalang may taong yumakap sakanya mula sa likod.

Ang Ate Sydney at ang bunso nya pang kapatid ang mahilig gumawa ng mga bagay na yun kaya may ideya na si Reni dahil doon natulog ang boyfriend nang Ate nyang si Jonas.

Tinatanong tanong sya nito habang nakasandal ang baba sa balikat nya at idinidiin ang pag aari nito sa kanyang likuran. Umiinom lang ng gatas si Reni at sumasagot sa mga tanong ni Jonasp.

Nagmamatapang sya kahit na naluluha na. Gusto nya itong tanungin kung bakit nito ginagawa iyon at lumaban dahil sya ang naaagrabyado.

Pero pinili nyang maging isang mangmang na kunwa'y walang alam sa nangyayari. At maging isang lampang walang kalaban laban.

Tiniis nya yon kahit na gabi gabi ay kinikilabutan sya tuwing maaalala nya ang mga ginagawa ni Jonas sakanya. Pero hindi sya nagsalita kahit gustong gusto na ng bibig nya na sabihin ang lahat pero dahil sa kapatid nya, hindi nya magawa.
At dito lang din pala matatapos ang lahat. Sa hiwalayan. Useless lang din pala ang pagtitiis nya.

Nakarinig na ng pagbukas at pagsara ng gate si Reni hudyat na andyan na ang nanay nya

“Oh? Hindi ka pa nagluto, Reni?” sabi ng kanyang ina pagkapasok na pagkapasok palang nito

“Hindi pa, Ma. Ngayon palang para mainit ang ulam”

“Kung hindi pa ko darating hindi ka pa kikilos”

Hindi nalang sumagot si Reni. Tumungo na sya agad sa kusina at niluto ang ham na ulam nila.

Hindi si Reni ung tipong ipapaliwanag pa ang side nya dahil alam nyang hindi din naman papatalo ang nanay nya.

'Lakas makapagsalita sakin, baluktot naman kay Papa’

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 03, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SerenityWhere stories live. Discover now