Silence 2

12 4 2
                                    

Dahil sa scene na nangyari kanina sa bahay ay nakabugnot akong maglakad, hindi ko na hinintay pa si kuya para ihatid ako, malapit lang din naman.

Mas pinili kong makinig na lang ng music, at this moment nacacalm kahit papaano ang mood ko.

"Hey!" sabay akbay na sabi ng kadarating lang.
"Hands off!" sigaw ko sabay siko sa tiyan ng kaibigan ko.
"Not in the mood?masakit yun"
"Can't you see?"
"Smile, mas kyut ka pag nakangiti Penelope"
"Can't, don't bother me please?" pakiusap ko.

Napansin na nga yata niyang wala ako sa mood, huminto siya e.

She's Niah, bestfriend ko minsan may topak din yan, mas malala pa sa akin. Buti nga nakakapag-stay pa kami sa isa't-isa.

"Okay class, bring out your journals" pambungad ng teacher namin sa Fundamental of ABM 2.

Hayst, journal entry nanaman, kung kailan badtrip ako. Wala akong nagawa kundi sumunod.

"Write the adjusted journal entries of the following transactions" paninimula niya sabay na inayos ang laptop niya para makita namin sa tv screen.

Pagkatapos ng kalahating oras...

"Okay pass, finished or not finish"

Buti na lang nakapagconcentrate ako kahit papaano, pero di ko alam kung tama ang journal entry na nilagay ko.

"Guys available kayo later? Wala naman na tayong class mamaya" sabi ni Mau.

"Saan tayo gagala?" tanong naman ni Shin.
"7 eleven tayo, food trip"
"Pass ako" singit ko.
"Anong pass? Walang pass pass ngayon" pagtataray naman ni Nica.

"Fine!" napipilitang sagot ko.

"Okay settle na, walang pass ngayon, kung ayaw niyong FO!" sabi ni Mau.

They are the group of friends that can be treasured by someone na makakaclose sila. Eight members kami, syempre pag may nagdesisyon na, walang angal angal kung ayaw mong hindi ka nila kausapin ng almost 1 week.

Nagpatuloy ang klase, at ang ginawa ko na lang ay makinig at kinalimutan ang nangyari sa bahay.

"Wala na ba kayong nakalimutan?" panimula ni Mau dahil nakalabas na ang teacher namin sa Entrepreneurship.

"Wala na, hayst kaasar wala na akong pera" reklamo ni Mia
"Parehas lang tayo!" sabay na sabi ni Drea at Niks.

SILENCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon