"Matagal ko nang itinatago
Mga ngiti sa munti kong puso
Batid kong alam mo nang umiibig sa ‘yo."
Matagal na. Sobrang tagal ko nang tinatago sayo, sayo na bestfriend ko. Ikaw na mahal ko. Sa tagal na nating magkaibigan, hindi mo alam na mahal na kita. Hindi mo alam na hindi na bestfriend ang turing ko sayo. Pero ipinapakita ko sayo, ipinaparamdam ko na mahal kita.
"Bakit hindi mo pansin itong aking pagtingin
Ba’t di mo ramdam ang tibok nitong dibdib
Kaibigan lang pala ang tingin mo sa akin."
Paano mo nga naman malalaman kung may mahal ka ng iba.? Kung masaya ka habang nagku-kwento sa akin tungkol sa mahal mo. Paano ko din naman sasabihin sayo kung alam kong sa kanya ka na masaya? Tulad na lang ngayon.
"Bestfriend!" tawag sa akin ng bestfriend ko na si Aileen, nasa park kami ngayon.
"Oh bakit mukhang masaya ka na naman?" tinanong ko pa, alam ko na rin naman :((((
"Eh kasi naman eh." sabi niya na kinikilig pa.
"Tungkol ba yan sa date nyo?" tumango siya.
"Kamusta naman ang date niyo ng Boyfriend mo?" ang masokista ko ba? Ewan ko.
"Ayun! Sobrang saya ko. Ang dami niyang surprises. Nagpunta kami sa theme park...blah...blah..blah..." ang dami niya pang sinabi tungkol sa date nila. Ako naman itong nakikinig kahit nasasaktan ako. Ngumingiti na lang ako sa lahat ng sinasabi niya.
Masaya ako para sa kanya kasi masaya na siya sa taong mahal niya. Pero nasasaktan pa rin ako sa tuwing masaya nga siya pero hindi naman ako ang dahilan.
"Kung ako ba siya, mapapansin mo?
Kung ako ba siya, mamahalin mo?
Ano bang mayro’n siya na wala ako?
Kung ako ba siya, iibigin mo?
Hmmm."
Kung hindi kaya kami naging mag bestfriend, mamahalin niya din kaya ako tulad ng pagmamahal niya sa boyfriend niya? Kung inaamin ko ba nang mas maaga tayo na kaya? Masaya na kaya tayo sa piling ng isa't isa?
"Bestfriend! Bakit ba hindi ka pa nag-ge-girlfriend?" biglang tanong niya sa akin.
"May hinihintay kasi ako eh." kahit na alam kong wala ng pag-asa. Gusto ko sanang idugtong yun pero baka makahalata siya.
"Ayie! Sino naman ang maswerteng babae na yan?" pangungulit niya pa sa akin. IKAW! Kung pwede ko lang sabihin. Pero hindi ko magawa.
"Masakit ko mang isipin
Mahirap mang tanggapin sa damdamin
Pag-ibig mo pala’y hindi sa akin."
Ang sakit lang isipin na hindi ko na pwedeng sabihin sayo na ikaw ang mahal ko. Kahit masakit, tinanggap ko na hanggang bestfriend na lang talaga ako sayo. Wala na akong pag-asa na tumaas ang level ko sa buhay mo. Pero sa sobrang tagal ko nang tinatago ito, kaya ko pa nga bang itago pa?
Hindi ako nakasagot sa tanong niya kaya kinulit niya ulit ako.
"uy bestfriend! bakit hindi mo ko sinasagot? Sino ba yun? Dali na , sabihin mo na."
YOU ARE READING
Kung Ako Ba Siya? (One-shot)
Teen FictionInspired by the song "Kung Ako Ba Siya" by Khalil Ramos but I don't know if the plot of the story fits in the song. Emeged :DDD