Yow! Dahil nga tamad akong mag update, ngayon lang uli ako makakapagtype dito sa online diary ko.
15 years old na nga pala ako, at sa mga panahong 'to, siya pa rin ang crush ko. Ang unrequited diba? Mahigit tatlong taon na. Nagstart lang naman yun nung June 14, 2017 pero, hello? 2019 na ngayon oh. Di pa rin makamove forward.
Alam mo kasi, sobrang hirap kaya. Kasi sa lahat ng naging crush ko, siya talaga yung super tumagal. Though yung mga past crush ko na celebrity tumagal din ng ilang taon pero siya? Grabe ah.
Sa lahat ng crush ko siya pa lang napapanaginipan ko. Hindi lang isang beses kundi apat pa.
Sa lahat ng naging crush ko, siya yung palagi naalala ko.
Pag may siopao, maalala kong paborito niya yun.
Yung vitamilk, yun ang palagi niyang iniinom.
Yung star wars, mahilig siya dun.
Pag may bagong release na movie ng Marvel, alam kong paborito niya yun.
Kapag makapal na kilay, siya kaagad naalala ko.
Kulay Gray na G-Shock, siya kaagad yung naalala ko.
Sa mga maliliit na bagay, naalala ko siya.
Pero ang hirap naman pala. Ang hirap magkacrush sa taong alam mong hanggang tingin lang. Oo, nasanay na ako sa pagtingin at pagkagusto sa kanya sa malayo pero alam mo yun?
Sana hindi na lang pala ako lumingon sa kanan ko nang mga panahon na yun. Siguro kung di ko ginawa yun, simpleng estudyante lang ako na nagkakacrush sa celebrity pero wala e. Lumingon ako.
At dahil sa paglingon kung yun, heto nagsusulat ako ng napaka cheesy na entry. Alam kong hindi niya mababasa. Nakapag confess na naman ako sa kanya ng ilang beses kaya paniguradong alam niya na crush ko siya pero mahirap.
Pano ba magmove forward sa taong alam mong naging kayo.
Yung tipong 'the one that never was' type of person sa buhay mo?
Kaya kapag binasa mo ulit 'to. Siguraduhin mo kung sakaling magkita man kayo, hindi na siya.
At sana yung lovelife na mahanap mo, sana yung taong makakaintindi sa'yo. Yung taong ka-wavelength mo.
Naguguluhan at may crush pa rin sa kanya,
Your 15 years old version
BINABASA MO ANG
Don't forget her
Diversos(Inspired from an asian movie, Suddenly Seventeen) I wanted to keep her memories alive, I want her future self to learn from her younger version. 14 years old version: When time comes, when you felt your world falling apart, remember me. Please don...