AATT Chapter 1

1.7K 53 22
                                    



-------


" Doc Pam, line 2 po" wagayway ng nurse sa linya ng telepono. Mabilis akong nagtanggal ng gloves na soot.


Nakasunod din sa akin ang isang nurse na nag aabot ng xray film.


Naghandrub na lamang ako bago tumungo sa nurse's station.


"Dra. Bautista," ani kong inilagay na lamang ang receiver ng telepono sa gitna ng aking balikat at tenga. Kinuha ko sa nurse ang Xray film habang hinihimigan ang nasa kabilang linya. Inangat ko ang film pataas.


"P-Pam..." mahinang boses sa kabilang linya.


Natigilan akong napakunot noo. Napatayo ako ng ayos. Ibinaba ko na rin ang hawak ko.


"Ate?" Kunot noo kong napahawak ng ayos sa receiver.

Tahimik ang kabilang linya ngunit rinig ko ang kanyang pigil na hikbi.

"Ate, nasaan ka?" mabilis na tanong ko.

"P-Pam, c- can y- you c-come o-over?" hikbi niya at tuluyan na ngang napahagulgol. Napapikit akong napasapo sa aking noo. May ideya na ako kung anong nangyayari.

"Anong nangyari?" Mahinang tanong ko. Ramdam ko ang sakit sa boses pa lang niya.

Napahagulgol lang si Ate Phia. Nahabag ako sa boses niya.

"Ate..."

"P-pam, he didn't show up. Naghintay ako ng matagal. S-sabi niya ibibigay niya sa akin ang araw na ito" garalgal na boses sa kabilang linya.

"Ate, alam mo namang-" ani kong mabilis niya akong pinutol.

"I know Pam, it's just that frustrated lang ako" mas hikbi niya.

"...he promised me! Umasa ako, it is our anniversary. Hindi naman ako nagdedemand ng sobra-sobra!" aniyang napaiyak ng tuluyan.

"...pwede naman niya akong tawagan kung hindi kami matutuloy, pero hindi niya sinasagot ang tawag at texts ko" aniyang napabuntong hininga ako.

"Ate..."

"I'm sorry Pam," iyak niya.

"...Im just tired. Sobrang mahal ko lang talaga Pam" hagulgol niya.

"Ate, calm down please. Mag a- out na rin po ako. Didiretso ako sayo" mabilis na alo ko.  Lalo akong nahabag sa pag iyak niya.

Napahilot ako sa aking noo.

"Sorry Pam," paulit ulit niyang sambit.

" Wait for me Ate," ani kong napahinga ng malalim bago ako nagpaalam.

Sandali akong natulala. This is not new anymore. Ilang beses na bang nang yari ito? isa? dalawa? o mahigit pa... kung pwede lang baguhin ang pananaw ni Ate dito. Sasaktan siya ni Kuya Rafael pero babalikan at tatanggapin pa rin.


Hindi ko siya hinuhusgahan. Siya lang ang mayroon ako. 


Alam naman niyang may mali sa sitwasyon nila, kaya siya nagtitiis kung ano lang ang pwedeng ibigay ni Kuya Rafael sa kanya. Umaasa lang ako na sana maliwanagan na siya at palayain na rin siya ni Kuya Rafael.


Napailing ako sa sarili. Kung bakit naman kasi may ganoong klaseng pagmamahal, kung pagmamahal pa ba ang tawag sa ganoon. Ang masaktan ka o tatanggapin mong masaktan ka. Ang maging bulag o hahayaan kang mailagay sa alanganing sitwasyon.  Nakita ko na iyan, ang ganoong sitwasyon, kay Mama. Ilang beses ba siyang nagmahal sa maling lalake, at ako ang isa naging bunga ng pagkakamaling iyon. At ngayon naman kay Ate, nagmahal ding  pares kay Mama na sa pamilyadong tao.


Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa salitang "pagmamahal o pag ibig" ngunit kung pasakit ang magiging kapalit ay hindi ako susugal. Kontento na ako sa kung anong estado ko ngayon. Ang pumokus sa karera ko, ang maging mabuting at walang natatapakang  ibang tao. 


"Hey, you okay?" siko sa akin na nakapagbalik sa akin sa ulirat.


"Ha? O- Oo naman" pilit na ngiti kong sinusundan ako ng tingin ni Claire.


"Sure Pam?" aniya pang muli. Tumango na lamang ako.


Napatingin ako sa pambisig kong relo. Ilang oras bago matapos ang aking shift.


"May emergency ka ba? you know, pwede ka namang mag early out" si Claire na tumabi muli sa akin sa ER Doctor's lounge.


Napabaling ako ng tingin sa kanya.


"Nakita kong naandyan pa si Doc Chris sa office niya" segunda niya. Ang tinutukoy niya ay ang Chief resident namin.


Napabuntong hininga ako. Parang gusto kong sundin ang suhestiyon ni CLaire.


Ramdam ko ang hawak sa aking palad.


" I have the feeling na kailangan mo ng umuwi Pam, you go..." malumanay niyang sambit. Napangiti ako sa kanya.


"...besides almost tapos na ng shift mo, i cocover kita sa mild cases and ako ng bahala sa surgical case" aniya pang muli na tinanguhan ko.


"Thanks Claire..." yakap ko. Marahan siyang humaplos sa aking likuran. 


I'm happy that I have them. Ang ilang kaibigan ko at si Ate Phia. Yun lang sapat na sa akin.


"Mag iingat ka sa pagdadrive" bilin na habol pa niya.


"...and uh, by the way. Nasabi na ba sa'yo that we're  handling externs the next day?" si Claire.


"Yup, nasabi sa akin ng secretary ng Chief namin sa surgery" tango ko.


"Okay then, take care Pam" pahabol niyang muli.


"Thanks" sagot ko. 



*****

thanks for reading.




After All This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon