Tips sa panliligaw ayon sa katangian ng lalaki.
Para sa mga lalaking mahilig mag laro ng computer games. Ito na ang pinaka-common na klase ng lalaki ngayon, pero sa katunayan sila ang pinakamadali at sobrang daling maging boyfriend.
1. Magpaturo ng kung anuman ang nilalaro nya.
2. Samahan siyang maglaro kung bakante ka.
3. Ngunit kung wala ka naman balak maglaro din ng computer game, huwag mo na lang siyang gagambalain sa mga oras na alam mong naglalaro siya.
Para sa mga tunay na lalake at walang arte. Kailanganing kilalanin mo muna kung taglay ng lalaki ang katangiang ito, kadalasan, sila ang mga astig na single at laging “go with the flow”, madaling kausap. Siguraduhin mo lang dapat na wala silang ibang babaeng pino-pormahan o pinaguukulan ng oras, at pera. Kung minsan, kahit “go with the flow” sila may iba namang BAGAY silang pinagkaka-abalahan. Kaya kung sila ang target mo, magandang pakiramdaman mo muna sila, samahan mo ng madalas, at aabot sa puntong sila pa mismo ang magyayaya sa iyong magkaroon kayo ng relasyon.
1. Magpakatotoo lang sa kanya. Ito lang ang nag-iisang bagay na kailangan mo.
2. Kung bad mood ka sa isang araw, subukan iwasan muna siya. Anumang bagay na maaari mong magawa o masabi habang bad mood ka ay makaka-turn-off sa kanya. Iisipin nyang hindi ka astig tulad nya.
3. Yayain siyang lumabas.
Sa mga normal na kalalakihan. May mga lalaki namang gusto ang pakiramdam na may taga-hanga siya, o gusto maramdamang espesyal tuwing kasama nya ang kanyang girlfriend. Rekomendado ito sa mga babaeng talagang hinahangaan ang gustong lalaki. Da-dagdagan mo na lang ng arte.
1. Umastang sumasang-ayon at nabibighani sa bawat salitang sinasabi nya. (hindi lahat ng salita)
2. Maraming body language. (Pagtango, pagsandal atbp.)
3. Madalas na eye contact, lalo na kung nagsasalita siya.
4. Tawanan din ang mga jokes nya.
5. Umastang hindi mo alam ang mga bagay na itinuturo o sinasabi nya.
Para sa mga immature at astang bata. Kung hindi sila emo sila yung mga mahiyain na todo. Kung alam mo agad na mama’s boy siya, ito na agad ang gamitin mong teknik. NGUNIT kung wala kang katangian ng isang mapag-aruga at kung minsan umabot sa ka-martiran, mahihirapan kang gamitin ang teknik na ito.
1. Iparamdam sa kanya na laging may handang makinig at umintindi sa kanya.
2. Kung may pagkakataon, ipagluto siya ng lunch para sa school o sa trabaho. Pede ring yayain siya sa bahay, at pakainin siya ng luto mo.
3. Palakasin ang loob nya.
4. Pakinggan siya.
5. I-libre siya minsan.
6. Kung huhusgahan siya, sa mga bagay lamang na magaling siya, HUWAG kang magbabanggit ng mga bagay kung saan siya mahina.
Para sa mga lalaking sinasabing ayaw magka-girlfriend. As if naman.
1. Maging mabuting kaibigan, makipag biruan.
2. Boluntaryong kamustahin siya, kung may number ka nya, magandang tawagan mo siya minsan kung alam mong wala siyang ginagawa. HUWAG TEXT, hindi nya papansinin yun.
3. Huwag mo siyang lalandiin, o hahawakan.
4. Huwag mo rin siyang pag-seselosin, lalong mawawala ang interes nya sa iyo.
5. Maging casual, subukang gustuhin din ang mga bagay na gusto nya.
6. Kuhanin ang tiwala nya at subukang ipakita sa ibang tao na lagi kayong magkasama.
Kapag tinanong ka nya kung bakit mo “iyon” ginagawa, ang sabihin mo interesado ka lang sa kanya.
At kapag nagkaroon na siya ng boluntaryong suklian ang “investment” mo sa kanya (siya na mismo ang tumatawag sa iyo, nagpapasama sa kung saan man), magsuot ng sobrang gandang damit. Mula duon maiisip nya na dapat i-level-up ang friendship nyo at maaaring maging…Para sa mga lalaking mahilig ma-challenge. Para sa mga lalaking ayaw sa babaeng easy to get.
1.Umastang hard to get. KAYA IWASANG makipaglandian sa iba. Astang hard to get ka nga sa kanya, nilalambing mo naman ang ibang lalaki, eh di wala rin.
2. Kapag may pinag-uusapan kayo ng barkada, subukang kontrahin ang sinasabi nya NGUNIT dapatkaya mong i-backup ang arguments mo.
3. Minsan umastang sweet o lambingin siya ng todo, at bago pa siya makagawa ng sarili nyang moves. Sabihing kailangan mo ng umuwi. Mula duon subukang iwasan siyang makita.
4.Ikaw na ang bahala kung kelan mo siya balak maging boyfriend.
Para sa mga lalaking hangang hanga sa sarili at laging sinasabing malakas siya. Kadalasan sila yung mga athletic or vain. Gusto ng mga lalaking ito na nararamdaman nilang may nakaka-appreciate ng “manliness” nila.
1. Laging humingi ng tulong sa kanya, magpasama, magpabuhat atbp.
2.Magsuot ng mga kasuotang magkamumukha kang mas bata. (mabulaklak, ma-ribbon, blouse, atbp.)
3.Pasalamatan siya ng todo sa bawat request mo.
Votes and Comments <3
BINABASA MO ANG
Mga Signs, Tips at Etc.
RomanceLahat po ito ay mga opinyon lamang ng iba't ibang tao na aking nakakausap o di naman kaya sa mga taong humihingi ng advice sakin. Sana Makatulong ito sa inyo.