Till We Meet Again

9 3 0
                                    

Malamig na hangin ang dumadampi sa aking balat. Mabuti na lang at hawak ni Trian ang kamay ko kaya hindi ko alintana ang lamig ng hangin. Tahimik kaming nakaupo dito sa park, walang gustong magsalita tila pinapakiramdaman namin ang isa't isa.

"Trianna" malamig na tawag niya sa pangalan ko. Agad akong tumingin sa kanya. Tila may nararamdaman akong hindi maganda pero minabuti ko na ipagsawalang bahala ang nararamdaman ko.

"Bakit?" Nakangiting usal ko sa kanya. Tila may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi sa akin. Dala ng kuryosidad muli akong nagtanong sa kanya.

"May problema ba Trian?" Masuyong ngiti ang iginawad ko sa kanya at mas hinigpitan ko ang hawak sa kanyang kamay.

"Hanggang kailan mo ako ikukulong?" Sambit niya habang malungkot na nakangiti sa akin.
Ang ngiti na nakapaskil sa mukha ko ay unti-unting nawala. Agad akong nag-iwas ng tingin at hindi sumagot sa tanong niya.

"It's been a year Trian, can you please let me go?" Rinig na rinig ko sa boses niya ang pagmamakaawa. Nasasaktan ako sa naririnig ko sa kanya.

"Pagod ka na ba?" Malungkot kong tanong sa kanya. Agad siyang umiling at nagsalita.

"Hindi, ako mapapagod Trianna. I will never get tired loving you. But," muli niya akong tinignan bago muling nagsalita.

"I'm already dead Trianna, You're not letting me go. I can't go because of you." Mahinahon niyang sambit sa akin. Lumuluha na akong tumingin sa kanya. Masakit sa akin na bitawan siya mahal na mahal ko Si Trian.

"I'm sorry for being selfish for the past year, I just love you so much Trian. I want to go with you Please." Niyakap ko na siya, hindi ko kaya na maiwan, hindi ko kakayanin pag nawala na siya.

"Trianna I know you are a brave woman, I know it's hard to let me go. But you must let me go, you will not be happy if you keep chasing our memories. You should be happy, i know someday there's a man who will love you unconditionally."

"Hindi kita pwedeng isama, kahit gustong gusto kong makasama Trianna. Hindi pwede hindi mo pa oras, marami ka pang magagawa."
Masuyo niyang sambit habang dahan dahan akong itinatayo.

Siguro nga sapat na ang isang taon na nakasama ko siya. Siguro kailangan ko na talaga siyang bitawan. Huminga muna ako ng malalim bago tumingin sa kanya.

"I will let you go Trian, I will always reminisce our love story. Can I ask a favor?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Sure my love," sagot niya sa akin ng nakangiti

"Can you promise me that in our second life please find me, I will wait for you my love." Ginawaran ko siya ng halik, ito na ang huling mararamdaman ko ang kanyang labi. Lumuluha akong tuningin sa kanya. Kagaya ko umiiyak na rin siya. Agad niya akong niyakap at muli siyang nagsalita.

"Thankyou Trianna, good bye for now till we meet again my love," pagkasabi niya nun ay unti unti na siyang naglaho. At ako? Naiwan sa lugar kung saan kami unang nagtagpo.

-End

Art Of Imagination (A Compilation Of One Shot Stories)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ