Kasal

6 3 0
                                    

Tumutugtog na ang paborito nating kanta

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.

Tumutugtog na ang paborito nating kanta. Naalala ko tuloy kung paano tayo nagkakilala nag-aagawan tayo nun sa isang album ng Eraserheads. Habang inaalala ay unti unti na akong naglalakad papunta sa altar. Hindi ko alam na aabot tayo sa ganito, lahat ng memories natin bumalik at sa hindi malamang dahilan tumulo ang luha ko.

Muli akong tumingin sa iyo, nakakatawa dahil mukhang kinakabahan ka. Ngunit kitang kita na napakasaya mo. Napangiti ako habang umiiyak humigpit ang hawak ko sa bulaklak at kinakabahan din ako. Malapit na ako sayo kitang kita ko n ang napkagwapo mong mukha na nakangiti habang umiiyak. Limang hakbang nalang at malapit na ako sayo mahal konting tiis na lang.

Pero naalala ko na hindi nga pala ako ang pakakasalan mo, muntik na kong madala ng aking emosyon dahan dahan akong pumunta sa upuan ko. At dun nagpunas ng luha na kanina pa tumutulo. Hindi nga pala ako ang mahal mo, kundi ang Bestfriend ko. Mapait akong napangiti ng maalala ko kung paano ka umamin na mahal mo ang bestfriend ko at ginamit mo lang ako.

Art Of Imagination (A Compilation Of One Shot Stories)Место, где живут истории. Откройте их для себя