POV' ZOE
Ikaw na pala
Ang may ari ng damdamin ng minamahal ko
Pakisabi na lang
Na 'wag nang mag-alala at okay lang ako.
Hay sumasakto sa kanta yung nararamdaman ko ngayon, ilang araw na nga ba akong nakakulong sa kwarto ko simula nung araw na yon.
Sabi nga ng iba
Kung Talagang Mahal mo siya ay hahayaan mo
Hahayaan mo na mamaalam
Hahayaan mo na lumisan, hmmm
Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala, sana panaginip na lang lahat. Hindi pa din nagsi-sink in sa utak ko yung mga sinabi niya sakin.
Kaya't humihiling ako ka'y Bathala
Na sana ay hindi na siya luluha pa
Na sana ay hindi na siya mag-iisa
Na sana lang....
Ingatan mo siya
Binalewala niya ko dahil sa'yo
Nawalan na ng saysay ang pagmamahal
Na kay tagal ko ring binubuo
Na kay tagal ko ring hinsi sinuko
Binalewala niya ko dahil sa'yo
Dahil sa'yo
**flashback**
@NAIA Terminal 1
Ngayon na yung alis ng fiance ko. Yes fiance pa din kasi hindi natuloy yung plan namin na magpakasal pagkauwi namin ng Pilipinas, di ko alam siguro busy lang talaga at sandali lang kasi ang leave niya sa pinapasukan niya kaya wala kami time para magasikaso dahil parehas kami sa ibang bansa nagwo-work.
"Zoe!" tawag niya sakin, bakit parang hindi siya mapakali parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi.
"Bakit babe? May sasabihin ka ba?" sabi ko naman sakanya. Para kasing may problema siya eh? Hindi naman kami nagaaway. Kinakabahan tuloy ako.
"K-kasi a-ano ahmmmm." hay ano kaya problema ni babe hindi na kasi siya makatingin sakin, isang oras na lang at kailangan niya ng pumasok sa loob at baka maiwan pa siya nung flight niya.
"Huh? ano ba yun babe? may sasabihin ka ba? may nakalimutan ba tayo sa condo mo?" tanong ko pa din sakanya hindi kasi talaga siya makapagsalita eh.
"Zoe, sorry but I don't think we can continue this." nabigla ako, di ko maintindihan yung sinasabi niya. Marahil naiintindihan ko pero di ko matanggap.
"H-huh? anong ibig mong sabihin? anong -.." pinutol niya agad ang sasabihin ko.
"Zoe, sorry but I don't love you enough to marry you. I don't love you as i love you before to continue this relationship." dirediretso at seryoso niyang sabi sakin. Di ko na napigilan ang luha ko, hindi ko alam bakit naging ganito.
"Babe, wag mo naman akong iprank! Joke lang toh di ba? Ui tama n di na ko natutuwa." Sabi ko naman sakanya habang tumutulo ang aking luha.
"Zoe, please understand! Ayoko ng patagalin toh dahil ayaw na kitang saktan, ayoko na umasa ka pa dahil sa tingin ko hindi ko na kaya pa ibalik yung dati kong nararamdaman." Hindi ko na alam ang gagawin ko, wala ng lumabas sa bibig ko at iyak na lang ako ng iyak. Tinawag na yung flight number niya.
"Zoe, sorry but i have to go. Please forget about me, curse me if you want. I'm really sorry, sana mapatawad mo ko pagdating ng araw. Sana mahanap mo yung tamang lalaki para sayo. Goodbye!" Sinabi niya yan habang nakatingin sa mga mata ko, seryoso talaga siya hindi ito prank o joke, seryoso talaga siya hidi lang niya basta iniurong ang kasal tinapos na din niya ang relasyon namin. Hinalikan niya ko sa noo sa huling pagkakataon at iniwan na ko habang lumuluha, ng makalayo na siya hindi ko na kinaya napaupo na lang ako dahil sobrang naghihina na ang tuhod ko.
**eof**
Gago siya! Kaya pala hindi na niya ko mahal kasi may iba na, ang kakapal ng mukha nila. Kaya pala, may iba na pala na magaalaga sakanya, may iba na. Nakita ko kasi sa facebook na sila na nung sinasabi niya sakin dati na kaibigan lang niya. Kaibigan daw nun pala ka-ibigan! Hay umiiyak nanaman ako, ayaw ko ng umiyak. Bakit ba kasi ang sakit? Sobrang sakit. Kaya ko bang limutin na lang siya?
Akala ko kasi okay na, na natagpuan ko na talaga yung "THE ONE" ko. Akala ko kami na talaga sa dami ba naman ng pinagdaanan at tagal ng pinagsamahan, umabot pa nga sa plano na kasalan. Pero wala pala talaga sa tagal ng pagsasama para masabi mo na kayo na, na kami talaga hanggang sa huli.
Imagine more than FUCKING 10 YEARS na umikot ang mundo ko sakanya na akala ko kuntento na siya sakin na ako lang sapat na. Huh! totoo nga yung madami namamatay sa maling akala.
Nasaktan ako, at patuloy na nasasaktan. Dahil hanggang ngayon hinde ko matanggap. Mahirap sobrang hirap. Yung akala mo lumalaban kayo pareho pero, ako na lang pala ang may gusto.
tbc..
-------
Itutuloy ko ba toh?
HAHAHAHA!
:) OINK
YOU ARE READING
MR. GREEN EYES
RandomAkala ko okay na, na natagpuan ko na talaga yung "THE ONE" ko. Akala ko kami na talaga sa dami ba naman ng pinagdaanan at tagal ng pinagsamahan, umabot pa nga sa plano na kasalan. Pero wala pala tagala sa tagal ng pagsasama para masabi mo na kayo na...