hwang hyunjin
tangina. yan lang masasabi ko ngayon
nung nalaman ko na nanliligaw pala si hyunjoon kay altheena parang gumuho mundo ko. alam ko na gusto ni theena si hyunjoon. pero gagawin ko pa din ang lahat para mapabalik sya sakin
tapos eto ako ngayon nasa kwarto ko, nakahiga, walang ginagawa. aabsent na lang ako bukas, wala naman gagawin eh
kinuha ko yung cellphone ko at binuksan ang messenger. baka sakaling may message sya, pero wala. nag scroll na lang ako at binasa yung convo namin ni theena, yung mga panahong kami pa. ang sweet pala namin noon, yung tipo na kahit kalokohan okay lang, yung puro biruan minsan murahan. gusto ko ibalik yung mga oras na maayos pa kami, yung masaya pa kami at yung mismong kami. kaso epal kase si jaehyun eh. siya may kasalanan ng lahat kung bakit nag-kaganito ang pahina ng aming buhay sa storya na aming sinusulat, sya din ang dahilan kung bakit winakasan ang yugto ng libro na dapat na storya lang naming dalawa, na hanggang sa dulo ay kami pa. kaso nasira ang lahat ng dahil sa isang pangyayari na hindi ko inaasahan, na siyang tumapos at sumira ng kabanata ng aming pagmamahalan.
habang nag-babasa, di ko na namalayan na tumutulo na pala yung luha ko. ang sakit lang kasi na isipin na sa isang iglap na wala ang lahat ng parang bula
"kuya hyunjiiiin!!! paki buksan yung pintoooooooooooooooooo!!!!" sigaw ni mina habang nakatok. agad ko naman pinunasan yung mga luha ko at tumayo para buksan ang pinto
pagkabukas ko, tumambad sakin yung mukha ni mina, mukhang may iuutos "bakit?"
"kuyaaa, pwede favooor?"
"ano yon?"
"pwede bili mo ako sa convenience store?"
"ano ba bibilhin?"
"sandwich lang tas chichirya tas banana milk na den hehe"
"ah sige" at sinarado ko naman ang pinto para mag-bihis at kumuha na din ako ng pera
pagkatapos ko magbihis, binuksan ko ulit yung pinto at nakita ko ulit si mina "kuya eto pera"
"wag na"
"thank youuuuu kuyaaaaa"
bumaba ako at lumabas na, dumiretso na din ako sa convenience store
mabilis naman ako nakabili kase wala namang tao dun
pabalik na sana ako sa may bahay nung napadaan ako sa may eskinita sa may malapit sa bahay, napatigil naman ako
si jaehyun hyung ba yon? tanong ko sa sarili ko
nagtago naman ako sa may gilid at sumilip dun. oo alam kong masama yong ginagawa ko kase eavesdropping yon pero curious lang ako kung ano ginagawa nya dito... teka si hyunjoon ba yon? tanong ko ulit sa sarili ko
nakinig naman ako sa usapan nila
"hyung salamat talaga sa tulong"
"kahapon ka pa sa chat, kulet ha"
"hyung, ang galing mo talaga"
"oo na. uuwi ka ba ngayon kela mama?"
"hindi. di naman ako tanggap dun nung bagong asawa ni mama, yung tatay ni hyunjin"
"galing nga eh, samin nakatira sila tito. pero bakit di ka tanggap"
"anak sa labas, you know."
"sabagay tama ka"
"pero hyung, salamat pa din sa pag-landi kay hyunjin. kung hindi talaga dahil sayo di sila maghihiwalay, edi may chance na ako ngayon kay ryujin"
"oo na, dinahilan ko pa nga jowa ko para magawa lang yun eh"
nung narinig ko yun, biglang nag init ang dugo ko. umalis na ako baka makita pa nila ako
tangina mo talaga jung jaehyun, ikaw din heo hyunjoon.
(hyunjin | mina | jaehyun | hyunjoon)
BINABASA MO ANG
150! ▶ hwang hyunjin
Historia Corta『straight kids series #2』 - book 1 ❝ i gave 143 but you chose 150 ❞ 「ー in which hwang hyunjin was suspected as gay by her girlfriend」 started: september 13, 2019 ended: december 2, 2019 © seoulitariness 2019