Tierer Ferres
Nagpakita ang taong umatake samin. Nakatakip ang kanyang mukha ng maskara, nakahoodie at balot na balot ng damit ang katawan nito. Alam kong lalaki sya sa tono palang ng pananalita niya kahit pa may takip ang buong katawan niya.
Nagpatama ulit ito sa direksyon namin at madali lang namin itong nailagan. Kung talagang gusto nya kaming patayin dapat hindi ganyan kahina at bagal ang kilos niya sa pag-atake. Bubunot pa sana ito ng isa pang pana mula sa likuran niya ng inunahan ko na sya. Pinutol ko ang ulo niya ng walang pag-aalinlangan.
Nakita ko ang nasa loob ng katawan niya at hindi talaga siya tao. Isa syang puppet na pinadala ng kung sino. Para bang nagbabanta sya. Pero sa dami ng tao dapat niyang patayin ba't si Shayne pa? Aning meron sakanya para bagbantaan ang buhay niya? Napakamisteryoso talaga ng babaeng yun.
Ahh! Speaking of! Kalangan ko silang maligtas. Nakita ko na hinuhukay ni Shon ang pinaglalagyan ng dalawa.
Arc Sy
"Shayne hold on." Kinakabig ko ang balikat nya habang nakapatong sya sa mga paa ko. Malalim ang sugat nito sa braso at sa tingin ko may lasong nakalagay sa panang tumama sa kanya at kumakalat na ito sa buong katawan niya.
Pilit kong pinoprotektahan sya sa mga lupa na nakatakip samin. Plss ka sanang mamatay Shayne. Lumaban ka!
"Shayne." Sambit ko ng huminga ito ng malalim. Dumilat ito at tumingin sakin kahit nahihirapan na inagin ang mukha ko sa sobrang dilim.
"A-Arc." Paulit-ulit nitong sabi sakin.
"Arc. Arc.huhuhu." Humagol-gol ito sa pag-iyak at pinipilit na sabihin ang pangalan ko. Tumango tango naman ako at pinapatahan sya."Arc... wag mo kong iwan. Wag mong hayaan na mamatay ako dito ng walang kaligayahan." Sabi nito. Pilit kong pinipigilan ang mga luha ko. Haysst lanya. Wag kang ganyan Shayne para tuloy akong magiging bakla nito. Hinawakan niya ang braso niya ng mahigpit.
"Ahhhh!!"
NARRATOR
Pailing-iling si Shayne habang natutulog na para bang may di magandang panaginip ito. Natataranta naman sila Clover, Arc, at Shon dahil sa kinikilos ni Shayne. Habang si Tierer walang emosyong tinititigan si Shayne.
"Plss wag." Sambit ni Shayne kahit tulog. Patuloy parin itong umiiling habang natutulog.
"Shayne. Gising. Nananaginip kalang." Sambit ni Arc at hiwakan ang balikat ni Shayne at pilit itong pinapagising.
"NO!" Sigaw ni Shayne at tumayo galing sa kakahiga sa kama. Nag-untugan naman si Shayne at Arc dahil sa biglaang pagbangon ni Shayne. Kalma lang si Shayne kahit nauntog at si Arc napahawak sa noo dahil sa sakit.Magulo ang mukha ni Shayne at napakarumi na ng damit niya. Tinignan sya ni Tierer na naka kunot ang noo at pununtahan sya.
"What are you up to? Maligo kana at may pag-uusapan tayo." Napakacold na ani ni Tierer kay Shayne habang si Shayne ay di na umangal kahit gusto niya. Gusto niya itong dasdasan sa pagrereklamo. Kung bakit di man lang ito pinahinga saglit. Kung bakit agad na namang susundin ang utos ni Tierer kahit kakagaling lang niya sa masamang panaginip at sa desgrasya.
Kahit gusto nya pang magpahinga ay bumangon na ito at naligo.
*****
Tali Shayne Q
Nakasuot ako ngayon ng pajama, nakalong sleeve at nakasapatos. Pinuntahan kuna agad si Tierer baka kasi sabihin naman niyang napabagal ko. Nadatnan ko syang nakasandal sa malaking puno habang tumitingin sa langit. Hayst. Mukhang maamo ang mukha pero napakademonyo ng ugali.
"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko sakaniya ng makalapit na hanang ang kamay ko nasa likod. Tinignan niya ako sandali at bumalik sa tinitignan kanina. Huh! Langya!
"Anong napanaginipan mo?" Tanong nito na ikina noot ng noo ko. Seriously yan lang pala ang pag-uusapan namin? Haystt magsasayang lang ako ng laway nito.
"Wag na. Napaboring din nito." Sabi ko at tinabihan sya pero malayo layo sa kinaroroonan niya.
"Sabihin mona." Sabi nito. Wala na akong magawa kondi ikwento nalang ito."Masamang panaginip ito." Paninimula ko na agad niyang winasak.
"Alam kona yan." Tsk!"Hinahabol ako ng mga demonyo sa mundong ito." Paninimula ko. Kahit di sya nakatingin sakin alam kong nakikinig at toon sya sa mga sasabihin ko.
"Takbo lang ang tangi kong nagawa dahil sobrang dami nila. Di nagtagal napahinto ako dahil bangil na ang nasa unahan ko." Ipinatong niya ang dalawa niyang kamay sa mga tuhod niya at nilagay niya ang ulo dito sabay tingin sakin. Napalunok muna ako bago ako nagpatuloy.
"Tapos, sa sobrang takot ko hiniling ko na sana may tumulong sakin at pinakinggan nga ang panalangin ko. May dumating na isang lalaki na may dalang espada sa kanang kamay niya. Hindi ko maaninag ang mukha dahil blury ito." Napahinto ako dahil naiilang ako sa mga titig niya.
"Matutunaw ako jan sa mga titig mo kaya tigilan mo yan." Sambit ko pero di parin nakatingin sakaniya. Wala itong imik sa sinabi ko hayss tigas ng ulo. Brain damage talaga."Ayoko ko nang ipagpatuloy pa." Dugtong ko at tumayo na. Papaalis na sana ako ng bigla niya kong hinila at niyakap.
"Sorry." Sabi niya at mahigpig na nakayakap sakin. Nagulat naman ako sa inasta niya.
"For what?"
"Sorry kung nahuli ako ng dating. Sorry kung nagbulag bulagan ako. Sorry kung..." napaka emosyonal niya habang nagsasalita na para bang umiiyak sya sa likod ko. Di ko sya maintindihan? Bakit sya humihingi ng patawad? Bakit parang... parang naaapektohan ako sa mga sinasabi niya."Sorry kong di kita nakilala at sorry dahil muntik kanang mamatay kanina." Sambit nito na sa tingin ko na parang umiyak na talaga. Tinapik tapik ko naman ang likod niya at napabitiw sya sa pagkayakap niya. Napatingin ako sa kanya at di pala sya umiiyak hehe. Kala ko umiyak.
"Ano bang pinagsasabi mo. Para kang tima—" napatigil ako sa pagngisi ng maalala ko. Ang panaginip ko it means something. At para bang sinasabi ngayon na ang taong kaharap ko ang night in shining armor ko.
"Haaahhh." Napanganga ako ng maalala ko lahat. As in lahat. Dont tell me...
Dont forget to: vote, comment, and follow.
YOU ARE READING
Demons World
Mystery / ThrillerThis is where demons are living. Killing is legal and no one will survive. Can this girl stop the demons in their world or she'll be the queen and her life be them. Are this boyz with handsome face will change her or make her even more anger. Hi Par...