Tali Shayne Q
Cough*cough*cough*
Nagising ako dahil sa pag-ubo. Pag muklat ng aking mata ay bumungad sakin ang isang babaeng abot tenga ang saya ng makita ako. Agad akong bumangon kaya nagtamaan ang mga noo namin.
"Ahh. Jinja." I always use that expresyon so that i cant say any bad words. Jinja means really.
Napaupo naman sa kamang hinihigaan ko ang babaeng kanina pa nakatingin sakin at nakangiti. Nangunot ang noo ko ng mailang ako.
"Whats with that smile?" Walang emosyon kong sambit. Mas lalo tuloy napalawak ang ngiti nito. Duhh ang creepy nya besh. Inilibot ko nalang ang paningin ko para di mailang sa kaniya at nakita kong nasa isang bahay kubo pala kami. Saan namang lupalop ng Demons world nakaukit to sa mapa.
"Tell me. Anong nangyari sayo? May naaalala kabang nangyari sayo?" Nangunot ang noo ko sa tanong nya. Like what the. Try to understand nga te. Well di ko nalang pinansin ang pag-iinarte ko at sinagot sya.
"Kahapon lang ay—" naputol ang sasabihin ko ng wala akong maalala. Wait. Ano nga bang nangyari sakin?
"Oh kita mo na di mo alam. Dahil kasi siguro sa pagkakabagsak mo at pagkakalunod." Saad naman nito at napabuntong hininga.
"Well masaya naman ako't nabuhay kita." Sabi nito na may ngisi sa labi.
"Wait what? Ako? Nahulog? saan?" Kuryos na tanong ko eh ang natatandaan ko lang nanaginip ako ng masama.
"Oo syempre sino paba? Hali ka dito at ituturo ko sayo kung saan ka nahulog." Sabi nito at hinila ako. Nagkatisud tisod naman ako dahil hinila nya ako kahit di pa ako masyadong magaling."Jan." Sabay turo nito sa may tubigan na parang dagat pero napagigitnaan ito ng dalawang parang pader na sobra ang taas at haba.
"At don sa pinakataas ka nanggaling sa pagkakahulog." Sabi nito at itinuro ang napakataas at napahabang pader sa pinakatoktok nito.
"Mabuti nalang at tubig ang binagsakan mo at hindi bato at pasalamat karin na dito muna ako nag stay nung time na nahulog ka kundi patay kana sana ngayon." Mahabang lintaya nito. Tumango tango nalang ako at pinapaspas ang kamay na para bang sinasabi na 'oo na,oo na'."Pero meron kabang nakitang tao sa itaas na baka sya ang dahilan ng pagkakahulog ko?" Sabi ko sakanya ng may kuryosidad. Umiling iling naman ito bilang sagot.
"At tsaka bihira kalang makakakita ng totoong tao sa mundong ito," sabi niyo at lumapit sa tenga ko at bumulong.
"Dahil lahat sila mga demonyo." Nanindig ang mga balahibo ko di dahil sa sinabi nya kundi dahil sa pagbulong nya."Alam ko. Di naman ako na amnesia. Di ko lang talaga maalala ang dahilan ng pagkhulog ko dito." Sabi ko ng mahinang tono.
Cring~
Isang malakas na bell ang kumuha ng atensyon namin.
"Nako kailangan kuna palang pumasok. Malalagot ako nito sa King kapag late ako. Haiyyst." Sabi nito na parang natataranta at pinalo palo ang sarili.
"Oo nga pala kailangan kunang bumalik sa bayan. Dito kalang hah." Sabi nito na inuutusan ako. Akmang aalis na sana ito ng tawagin ko. Napatigil naman ito at humarap saakin."Ah... ano nga palang pangalan mo?" Tanong sa kaniya ng nakayuko. Ngumiti naman ito.
"Emerald. Emerald Sy." Sagot nito at biglang umalis.
Aisst. Jinja. Talaga tong babaeng to sarap sapakin magpapasalamat pa naman muna ako at tsaka... NASAN ANG PAGKAIN KO, GUTOM NAKO!?Pumasok nalang muna ako sa bahay kubo at baka may makain pero umasa lang ako sa wala. Napaupo ako sa kama na hinagaan ko kanina lang.
Tatlong araw narin ng napunta ako sa mundo ng mga demonyo at tatlong araw na din na wala akong permanenteng tirahan sa mundong ito. Siguro ayos na din na dito muna ako mag stay.
"I hope na niligtas nya ako nung mahulog ako. Kahit alam kung huli na sya." Sabi ko sa sadili at humiga sa kama. Sya ang Savior ko simula ng mapadpad ako sa lugar nato. Nakapag tataka lang na di ko maalala ang nangyari sakin kahapon.
*****
Emerald Sy
I hope na okay lang sya ron. Wala pa namang pagkain dun. Nako! Pano kung pumunta sya dito sa bayan? Para pa namang baguhan sya dito. Haysst bahala na si batman sa kaniya.
Napakamot ako sa ulo sa kakaisip sa babaeng yun.
"Ms. Emerald!" Napatayo ako sa sigaw na yun mula sa guro.
"Yes maam?" Mahinahong sambit ko.
"Your not listening in my class! Get Out!" Galit na sambit ni maam at wala na akong magawa kung hindi sundin sya baka isumbong pa ako sa kuya kong tarantado eh. Pagkalabas ko napabuntong hininga ako ng makita kong marami ding mga studyante ang nakatayo rin sa labas.
"As always." Sambit ko sa sarili at samandal sa pader*****
"Bitawan nyo ko!" Napadilat ako ng makita kung sino ang sumisigaw at nakita ko ang babaeng yun pilit na kumakalas sa pagkakahawak ng mga guardya sa school.
"Bitawan nyo sabi ako." Sabi niya at nakawala sa pagkakahawak ng mga guardya. Pinuntahan ko naman agad sya. Pinadapa sya ng mga guardya ng makita nila ako.
"Pakawalan nyo sya—" hindi natapos ang sasabihin ko ng biglang may dumating at alam ko kung sino yun.
"Pakawalan nyo sya at malilintikan kayo sakin." Sabi ni King. Sya ang nagmamay-ari ng university nato pero di ang mundong toh. Humarap ako sa kanya at kasama niya si kuya at ang mga kaibigan niya."Bakit ka naman nila susundin kung alam nilang ako ang masusunod sa paaralang to. May binabalak kabang suwayin ang utos ng King Tierer mo, Emerald?" Sabi nya na may pagbabanta. Natakot naman ako sa mga sinabi nya. Hindi kasi purket kuya ko ang isa sa mga kaibigan nya at nagtayo ng paaralang to ay may karapatan nakong suwayin ang utos nya. Hindi, sya parin ang may ari ng eskwelahan to. Kaya dapat ko syang respetuhin.
"Pasensya na po."sabi ko at yumuko. Yan din ang ginawa ng mga studyante ng makita ang king.
"Good."sambit nito gamit ang malamig na boses nyang nakakatakot.
"At ikaw?" Sambit nito at napatingin sa babaeng dinakip.
"Sino ka? Di ko napansin ang pagmumukha mo sa paaralan ko." Dugtong at tumayo naman ang babae.
"F*ck you!" Bulyaw nito sa harapan ni King Tierer na ikinagulat naming mlahat. Isa pang ikinagulat namin ay ngumiti ang king nang nakakatakot.Dont forget to: vote, comment and follow
YOU ARE READING
Demons World
Mistero / ThrillerThis is where demons are living. Killing is legal and no one will survive. Can this girl stop the demons in their world or she'll be the queen and her life be them. Are this boyz with handsome face will change her or make her even more anger. Hi Par...