Before the Storm

22 2 0
                                    

Chapter 3

Before the Storm

Kinabukasan, maghapon lang na nakayuko si Leila habang nirerefresh ang facebook profile ni Kristoff. Aaron thought that she was way too shocked to hear the truth that’s why she malfunctioned that day or she is still in denial. Meanwhile, Kristoff sent him a text message. Ngumiti ang binata sa mensahe ng binata saka hinayaan munang magmaktol si Leila.

“Friend. Pangatlong crush ko na siyang nabroken ako.”

Hindi siya pinapakinggan ng kanyang kausap.

“Huy. Makinig ka nga. Nagdadrama ako e.”

“Nakikinig ako.” Aaron lied. Leila took a look at his cellular phone. She saw Kristoff’s name in it.

“Katext mo ba si Kristoff?”tanong ng dalaga sa binata. Tumango lang si Aaron sa tanong ng dalaga. “Anong sabi ng crush turned amiga ko?”

“Magaling na siya. Aalis na siya ngayon sa hospital. Want to celebrate his discharge?” tanong ni Aaron sa dalaga. “Sa Friday daw e.”

“So… kay Kristoff may plano ka, sa girlfriend mo wala.”

 “Shit.” Maikling sagot ni Aaron. Leila gave him a suspicious look. “Salamat sa pagpapa-alala. Alam ko. Meron na.” sabi ng binata. He lied again.

Aaron was taken aback by what Leila said. Something is wrong, he thought. He panicked inwardly but kept a deadpan face sa dalaga.

“Sikreto ko na iyon no. Nanay ba kita Leila?” pabalang na sagot ng binata. Then he sighed. “Pero sa totoo lang, medyo natakpan nga ng mga nangyare kay Kristoff yung iba kong plano. Shit. Para akong napunta sa isang pelikula e.”

“Ano na plano mo?” tanong ni Leila sa binata.

“Gawing lalake si Kristoff.” Sagot ni Aaron. Nakayuko ito at tila ba nahiya sa sinabi. Leila laughed heartily to his remarks. “Magkikita kami sa makalawa, sa lumang building.”

“Friend, ano iyon? Dumi na nalalabhan? Puwede ba? Baka ikaw pa ang mahawa diyan e. Naku naku.” Gusto niyang hampasin ng walang lubay ang binata sa katatawa.

“So what brings us here? Reminiscing the past?” tanong ni Kristoff. They were at the old building again as Aaron cannot think of a better place to say things to Kristoff. He cleared it is not about romance but also as urgent. Aaron pinched his fist, breathed deeply and said the following words in a straight face.

“Tigilan mo nang manlalake Kristoff.” Sabi ni Aaron. “Kami nang bahala ni Leila sa iyo.” Kristoff was astonished by his friend’s boldness but just laughed bitterly with his remarks. “Bilang kaibigan ito ah. Mali e. Mali.”

“So sa tingin mo, sakit ang nangyare sa akin na puwede akong mahawa o puwede akong magamot?” tanong ng binata kay Aaron. “Na may resetang gamot sa pagkaganito ko?”

“That’s not what I mean. Hindi ka ba natatakot?” Aaron said like he is pouring all his persuading power sa binata but was in vain.

“Matatakot saan? Masarap maging malaya. Kaya mong mahalin kung sino ang gusto mong mahalin. Wala kang paki sa sinasabi ng tao.”

“Kung totoong malaya ka, o kayo, bakit niyo kailangang magtago sa mata ng tao?”Aaron retorted. “Saka tingnan mo itsura mo ngayon.”

“Sa tingin mo, kaya nila kaming tanggapin? Pinili ko na rin kung ano ang mas masarap para sa akin. Sa tingin mo, hindi ako nagka-ex ng babae? Ikaw, kung papiliin kita.” Sabi ni Kristoff. He made sure he was looking at Aaron in a sad but flirting manner. “Iba kasi e.”

Black BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon