Сартег ⑦
Cathy's POV
Nandito na kami ngayon sa bahay, pag pasok namin sa loob wala na ang mga magulang namin, Malinis ang bahay at halatang may nag linis dito at may napansin akong nakakaiba, nagulat ako sa nakita ko, Nag iba ang TV namin at lalo itong lumake, Pati si Nathan ay nagulat sa nakita
"F*ck, What the hekk, Ang lake naman nang Tv na yan"
Sabi nya sa sarili nya, Tumingin naman ako sakanya at hindi sya makapaniwala
pati din naman ako eh, pero nakakatakot baka kunting galaw lang sa Tv nato mahuhulog na at baka mabasag pa"Manood na tayo Cathy, sure ako malinaw yang Tv na yan LG pa oh"
Wika nya at hinahawakan nya ang screen ng TV
"No thanks, Pupunta nako sa kwarto ko dahil mag papahinga nako, kung gusto mo, manood ikaw nalang mag isa"
Taray na sabi ko sakanya at Umalis nako sa tabi nya at umakyat na ako pumunta sa kwarto ko, Bubuksan kona sana yung pinto ng kwarto ko pero hindi ko mabuksan, ang alam ko hindi ko naman nilock to at nasa loob yung susi nito, Pilit ko parin binubuksan yung pinto pero ayaw parin talaga mag bukas eh, Sinisipa sipa kona ang pinto para masira ito pero hindi gumagana baka ako pa yung masira dito hindi yung pinto, ang sakit na nang mga paa ko at kamay, Tskk sino kaya nag lock ng pinto ng kwarto ko,, Huhuhu,.
"Cathy? bakit ka naka sandal sa pintuan ng kwarto mo bat dika pumasok kala kuba gusto munang magpahinga?"
Napatingin sa kaliwa ko at nakita ko si Nathan na papasok sa kwarto nya
"Naka lock yung pinto ng kwarto ko, hindi ko naman to nilock eh at nasa loob yung susi nito"
Nakasimangot na sabi ko dito, Lumapit sya sakin at pinatayo ako,
"Tumayo ka muna jan, bubuksan ko"
Wika nya, Tumayo naman ako at humarang ako sa pintuan
"Anong binabalak mo?, wag mong sabihin na sisirain mo ulit tong pintuan ko, Hoy Nathan, kakaayus lang nito baka nakakalimutan mo"
Pigil na saad ko sakanya
"Edi pag nasira, ipaayus ulit, kaysa nakaupo ka lang jan sa harap ng pintuan mo at para makapag pahinga kana rin,"
Wika nya, Hinila nya ko papalayo sa pintuan ko at bigla nya ito sinipa ng malakas pero, hindi parin ito nasira,
Napatingin ako kay Nathan at tumingin din ito sakin at nakita ko naka hawak sya sa hita nya at Halata sa mga mata nya na namimilipit sa sakit pero tinitiis nya ito,"Anong nangyayari sayo?"
Saad ko sakanya kunwari wala akong napapansin sakanya
"Wala,"
Wika nya sakin
---------------------------------------------------------------
-Pabitin muna hahaha
A/N BinibiningAubreyyy

BINABASA MO ANG
My Professor Husband
RomanceHi Ako si Cathy Mendoza Dela Lopez At asawa ko si Nathan cruz Dela Lopez, Isa syang prof ko alam ng mga studyante na kasal kami at kinikilig pa sila pero may isang babae na galit sakin, ang pangalan nya ay Pia carmen mag kaklase kami noon pa at Prof...