Сартег ④
Author's Pov
Nag lakad lakad sina Cathy at zoey sa buong school at hindi nag sasalita si Cathy, si zoey naman ay nakatingin lang kay Cathy at hindi nya alam kung paano kakausapin ang kaibigan niya dahil nag aalala ito at gusto nya to kausapin, Hindi mapigilan ni Cathy na mapaiyak dahil nag dadalawang isip sya kung itutuloy nya yung divorce,
"Cathy? Tahan na tama lang ginawa mo, wag kang mag dadalawang isip"
Wika ni Zoey kay cathy at hinawakan nya ang kamay nito at ngumiti
"Sayang bagay pa naman kayo ni Sir Nathan pero hindi ako makapaniwala na nagawa ka nyang saktan kala ko pa naman iba siya at hindi ka nya sasaktan"
Dagdag na wika ni zoey
"Akala ko din hindi nya ko kayang saktan pero hanggang akala nalang natin yun, Pero magiging masaya nako pag malaya nako kay Nathan, at hindi na ako mag iisip nang masasama at hindi na din ako mag pro-problema"
Nakangiting sabi ni Cathy kay zoey, pinunasan nya ang luhang pumapatak sa mga pisnge nya at inayus nya na ang istura nya, parang walang nangyari
"Tara na zoey pumasok na tayo sa room, mag sisimula na yung susunod na subject natin,"
Yaya ni Cathy at pumunta na sila sa room, Ang iniisip ni Cathy papasok sya sa room pero hindi nya papansinin si Pia at Nathan, at tatawagin nalang ni Cathy si Nathan ng Sir at kakalimutan nya muna na asawa nya ito, kahit mahirap sakanya dapat niya kayanin para naman hindi sya masaktan ng sobra pag nakikita nya si Nathan, Pag pasok nila sa room hindi sya tumutingin kay Pia at ganun din kay Nathan,
Pag nag sasalita sa harapan ang asawa nya hindi nya ito pinapakinggan at walang pake si Cathy sa tinuturo ni Nathan, minsan lagi syang natutulog at nag cecellphone nalang, Ilang araw ding hindi pinapansin ni Cathy si Nathan, hanggang hindi na ito matiis ni Nathan, 4:30pm nang hapon sabay silang umuwi sa bahay nila dahil, pupunta ang magulang nila sakanila para kamustahin ang lagay nilang dalawa kung Ok lang sila sa isat isa
"Hmm Cathy mag ayus kana pupunta na dito mga magulang natin at sabay sabay tayo kumain"
Wika ni Nathan kay Cathy pero hindi nya ito pinansin, Pumunta na siya agad sa kwarto niya, dedma lang sya kay Nathan, kahit anong sinasabi ni Nathan sakanya hindi nya yun binibigyan pansin, at parang walang naririnig, Maya maya pa ay pumasok si Nathan sa kwarto ni Cathy at nilapitan nya ito
"Cathy??, mag ayus kana, pupunta na dito sina mama"
Wika nya ulit kay Cathy pero dedma lang talaga sya,
"Hmm, Pansinin mo nako cathy ilang araw ka nang ganyan sakin, pinag bibigyan lang kita sa ginagawa mo, pero hindi kona matiis, alam mo bang hindi kona nilalapitan ni Pia para sayo at nakipag hiwalay nako sakanya para hindi kana mag selos at makipag hiwalay sakin"
Saad na sabi nya dito at tumingin sakanya si Cathy, pero umiwas agad sya
"Cathy naman oh mag salita ka naman, kanina pa ako nag sasalita dito oh, mag aayus ka o ako ang mag aayus sayo?, gusto mo hubarin ko damit mo at ako mag papalit sayo dito na mismo"
Nakangising sabi nya kay Cathy at wala naman pake alam si Cathy sa sinabi ni Nathan
Maya maya naramdaman ni Cathy na dumagapang ang kamay ni Nathan sa bewang nya at unting unti tinataas ni Nathan ang damit nya, nanlake ang mata ni Cathy at nasampal nya si Nathan"Ang bastos mo Nathan! anong sa tingin mo ginagawa mo ah?!"
Sigaw ni Cathy kay Nathan, at agad napalayo si Nathan kay Cathy,
"Ang sakit naman, bakit moko sinampal cathy??, At wag kang magalit, Normal lang naman sa mag asawa nang huhubaran"
Wika ni Nathan at nakita nyang namula ang mga mukha nang asawa nya
BINABASA MO ANG
My Professor Husband
RomanceHi Ako si Cathy Mendoza Dela Lopez At asawa ko si Nathan cruz Dela Lopez, Isa syang prof ko alam ng mga studyante na kasal kami at kinikilig pa sila pero may isang babae na galit sakin, ang pangalan nya ay Pia carmen mag kaklase kami noon pa at Prof...