A/N : Sa mga huminye po ng sequel na toh. Eto na po :))
----
Miss na miss na kita bestfriend, ilang buwan na ang nakalipas ng iwan mo ako. Hindi mo tinupad ang pangako mo sakin :'( MIss na miss na kita Andrei.
Ilang taon na ang nakalipas at hanggang ngayon hindi parin ako maka-move on sa nangyari. At katulad ng dati, nakasimangot lang ako lagi.
Alam kong wala na akong magagawa, dahil kinuha ka na niya sakin. Kasama mo na ang aking papa. Kamusta na kayo?
Hayyy. bestfriend pwede mo parin naman akong samahan kung nasaan ako hindi ba? Pwede mo parin nama akong kausapin diba?
Yun nga lang, hindi kita makikita at maririnig :'( Bakit ba kasi kailangan mong itago sakin ang problema mo. Yan tuloy, nawalan ako ng mahal ko sa buhay. Dalawa na kayong kinuha niya sakin. Hindi pa ako handa ng mga panahon na yun.
Miss na miss ko na kayo nila papa. I love you both so much.
Para akong siraulo, kinakausap ko ang patay.
Nandito pala ako sa puntod ni Andrei kasama ko ang kuya niyang si Alexis Hvone.
Mabait ang kuya niya, lagi ko siyang kasama kapag pumupunta ako rito.
"Alis na tayo? Dumidilim na rin ang paligid oh. Kanina pa tayo nandito." sabi sakin ni kuya Alexis habang tumitingin sa paligid.
"Saglit lang po kuya, magpapaalam na ako. Mauna na po kayo." sabi ko at umalis na siya.
Buntong hininga, pinipigilan ko kasi tumulo ang aking mga luha.
"Pano ba yan Andrei, gabi na, aalis na kami ha? Dadalaw na lang ako ulet sayo baka sa susunod na linggo. Ang dami ko na kasing ginagawa eh, puro projects. Babye Andrei, I love you." at umalis na ako.
Nakita ko si kuya na pinunasan ang kanyang pisngi sa loob ng sasakyan. Hayy si kuya.
Pumasok na ako ng sasakyan.
"Kuya.." sabi ko.
"Hmm?"
"Alis na tayo."
"Ahhy, sorry. Sige alis na tayo." sabi niya at ngumiti sakin. Isang pekeng ngiti.
"Hindi mo naman kailangan ngumiti kung hindi mo kaya."
"..."
"Kuya namiss ko na siya ng sobra." Nangingiyak kong sabi.
"Ako rin Shatakashi, miss na miss ko na ang nag-iisa kong kapatid."
Wala ni isa samin ang nagsalita pa, hanggang sa makarating na kami sa tapat ng bahay namin.
"Shatakashi nandito na tayo."
"Sige po kuya, maraming salamat po sa pagsama at sa paghatid sakin."
"Wala yun. Sige ingat."
"Sige po. Goodnight kuya." At umalis na siya.
--
A/N :
More chapters coming :)
Update? Hmm.. Maybe next week :)
BINABASA MO ANG
Siya Nga. [Sequel of Walang Iwanan]
Teen FictionNawala nga ang taong laging nandiyan para sayo, pero papaano kung may nakatadhana pala sa iyo ngunit hindi mo lang siya napapansin nung una? Papakawalan mo ba ang chance na maging masaya ka ulet?