Siya na kaya?

110 6 17
                                    

Ngaun na ang labas namin ni .. Ano na nga ba pangalan nun? Hayy. Kung nagtataka kayo kung bakit ako pumayag eh, una mukhang mabait naman siya. Gusto ko na makahanap ng taong laging nandyan para sa akin. Pangalawa, gwapo naman si kuya at gentleman pa. Siguro. Mukha naman eh. Wala naman siguro siyang gagawing masama sa akin diba. Sana.

"Uhmm, san ba tayo pupunta?" Tanong ko sakanya.

Gamit pala namin yung sasakyan niya. Oo nung una namangha rin ako, may sasakyan na siya.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Basta kanina pumunta lang siya sa bahay at sinundo ako. Oh ha! Kailangan pa akong sunduin eh magkapitbahay lang naman kami.

"Sa lugar kung saan madalas kitang makita." Huh? Saan naman yun?

"Saan?" Ang dami ko kayang tambayan. Sa library, school, kwarto ko, sa tapat ng bahay namin at sa t-tambayan namin ni A-andrei :(

"Oh, bakit nanaman biglang naging mas malungkot mukha mo?" 

"U-uhh wala."

Nakarating na kami sa pupuntahan namin. Naiiyak ako, bakit niya ako dinala dito? Paano niya nalaman na tambayan ko to? Dito rin kaya siya tumatambay dati? Ayoko dito, malulungkot lang ako ng sobra. Pero namiss miss ko na rin tong lugar na to. 

"Bakit mo ako dinala dito?" Tanong ko sakanya.

"Alam kong matagal ka ng hindi pumupunta dito. Espesyal tong lugar na ito sa iyo. Bakit mo kakalimutan." P-paano niya nalaman na special tong lugar na to sakin? Dadalawa lang kaming may alam nun eh.

"Paano mo nalaman?" Tanong ko sakanya. Ang dami niya kasing alam tungkol sa akin eh.

"Pwede bang umupo muna tayo? Tapos magkwentuhan tayo para makilala kita lalo at makilala mo naman ako."

"Sige." Umupo na kami sa lugar kung saan wala masyadong maraming tao. Dito kami mismo nagkwekwentuhan ni Andrei noon.

"So .. Ikaw si Shatakashi. Maganda maganda ka alam mo? Pero napansin ko hindi ka ngumingiti?" Napansin niya.

"Ah, Eh. Bakit ka nagtatanong?"

"Alam mo, I think alam ko yung dahilan eh. Pero mas gugustuhin kong marinig mula sayo. Eh. For sure kasi mas maganda ka kapag ngumiti." Napapangiti ako sa sinasabi niya, pero parang ayaw ng utak kong ngumiti. Pinipigilan niya yung gusto gawin ng puso ko :(

"Hayy. Sa tingin ko pwede ka naman maging kaibigan eh. Mapagkakatiwalaan. Uhmm, namatayan kasi ako ng mahal sa buhay. Ang bestfriend kon--" Sumingit siya bigla.

"Si Andrei." 

"P-paano mo nalaman?"

"Pinsan ko siya eh. Kaya kung nagtataka kung bakit ang dami kong alam tungkol sayo, dahil sakanya yun. Lagi ka niyang kinukwento sa akin, kaming dalawa kasi ang pinaka- close na magpinsan. Kaya lahat nasasabi niya sa akin."

"..." Tumulo na luha ko.

"Shhh. Alam mo, may gusto akong babae pero parang mahihirapan ata akong sabihin sa kanya."

"Bakit hindi mo i-try."

"N-ngaun na?"

"Hahaha. Siyempre dun sa taong gusto mo. Malay mo pati siya may nararamdaman na pala." OMG. Tumawa ako. O_O 

Andrei, napatawa ako ng pinsan mo. Siya na kaya? Siya na kaya ang taong matagal ko ng hinahanap? Yung taong laging nandyan para sa akin? Sana nga Andrei. 

"Gusto kita." Sabi niya habang nakangiti.

"A-ako yung gusto mo?"

"Alam mo sabi sa akin ni Andrei, siya daw ang nagpangiti sayo ulet mula nung mawala sayo papa mo." Totoo yan. Ahyy hindi niya sinagot yung tanong ko.

Siya Nga.   [Sequel of Walang Iwanan]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon