Hayy. May pasok nanaman. Naligo muna ako, nagbihis at nagalmusal kasama ni mama.
"Ma, alis na po ako." Sabi ko kay mama.
"Sige Sha, ingat ka ha."
"Opo ma."
Palabas na sana ako ng gate ng mapansin kong may bagong lipat sa tabi ng bahay namin.
Ang tagal na rin kasing walang tumira sa bahay na yun.
Napansin ata ako ng bagong lipat. Kaya lumapit ito sa akin.
"Hi :) " sabi nito sa akin.
"Ahmm. Hi miss?" sabi nito ulet. Ahhy shemays, natulala ako doon ah. Ang gwapo ni kuya.
"H-Hi" Sabi ko.
"Kayo ba nakatira jan?" Sabay turo sa bahay namin.
"Oo, sige ha alis na ako male-late na kasi ako eh."
"Ako nga pala si Elcid. Sige, ingat." Nagnod ako at umalis na. Wow gwapo ng name niya, bagay sa kanya.
--
Pauwi na ako. Ang bilis no, hindi naman kasi parte ng storyang ito ang ginagawa ko sa eskwelahan..
Nakita ko nanaman siya. Nakaupo sa mahabang bench sa tapat ng garden niya.
Nakita niya ako at tinawag. Huh? Feeling close much?
"Miss halika. Samahan mo muna ako dito." sabi ni, anong nga ulit pangalan na toh?
"Ay, wait lang ha? Ipasok ko muna gamit ko."
"Sige."
Nang mailagay ko na sa loob ang aking mga gamit eh lumabas na ako at umupo kung saan siya naka-upo.
"Anong sasabihin mo?" Tanong ko.
"Hmm. Ikaw si Shatakashi hindi ba?" Paano niya nalaman pangalan ko?
"Paano mo nalaman?" Nag-sstalk siguro toh? Kakatakot sayang kagwapuhan.
"Basta. Hindi ako stalker ha." Hahha, okay.
"Ganon? So anong sasabihin mo?"
"Wala naman, pwede ba kitang maging kaibigan?"
"O-okay lang." Bakit kaya?
"So pwede ba tayo mag meet meet minsan?"
"Basta hindi ako busy sa araw na yon. Okay lang."
"Napansin ko lang Shatakashi ha, bakit parang lagi kang may problema?"
"H-ha wala naman." aishh .. nahalata niya.
Kung naaalala niyo si Andrei lang ang nagpangiti ulet sa akin ng mawala si papa. Hayy namimiss ko na sila. :(
"Para saan yun?" Tanong niya.
"Huh? Anong yun?"
"Yung mahaba mong buntong hininga?"
"Ahh wala. May naaalala lang."
Ayaw kong sabihin sa kanya dahil hindi kami ganoon ka close pero matagal ko ng gusto ng taong laging nandyan para sa akin. Yung nandyan kapag may problema ako at nandyan kapag kailangan ko kahit hindi ko kailangan laging nandyan. Wala parin nagpapangiti ulet sa akin mula ng mawala si Andrei sa amin. Kailang kaya dadating ang taong yun?
"Sa nakikita ko, ayaw mong sabihin sa akin. Bakit?" Mind reader ba toh? Kanina pa siya ah.
"H-ha eh hindi pa kasi tayo ganoon ka close."
"Edi magiging close tayo." Sabi niya sa akin habang nakangiti.
"Huh?"
"Pwede ba tayong lumabas bukas? Tutal linggo naman?"
"S-sige."
---
BINABASA MO ANG
Siya Nga. [Sequel of Walang Iwanan]
Teen FictionNawala nga ang taong laging nandiyan para sayo, pero papaano kung may nakatadhana pala sa iyo ngunit hindi mo lang siya napapansin nung una? Papakawalan mo ba ang chance na maging masaya ka ulet?