CHRISTINE'S POV
"DO YOU, Christine C. Magdamit, pledge to protect, John Christopher C. Domigo with your whole life, whatever may come?"Tanong saakin ni dominar(master). Sumulyap muna ako sa lalaking yun bago ako napabuntong hininga. Tumingin ako kay dominar at sumagot.
"Yes, dominar." Saad ko ng nakatingin sa kaniyang mga mata.
"Do you pledge to put him first over everything including yourself?" Pagtatanong niyang muli.
"Yes, dominar."
Napatingin ako sakanya ng may ibinagay siya saaking kontrata. Binasa ko ang nilalaman nito ngunit hindi ito nakapagpabawas ng kaba ko, sa halip mas sumiklab ang kabang namumuo sa aking dibdib. Pinirmahan ko na lamang ito kahit bahagyang nanginginig ang aking katawan.
Labag man sa loob ang aking sinabi at ginawa, wala akong ibang magagawa kundi ito'y tanggapin at gawin. Mas gugustuhin ko na ako yung magdusa kaysa yung taong mahal ko. Mas gugustuhin ko na ako yung masaktan kaysa siya yung saktan nila.
"I now pronounce you as the guardian of John Christopher C. Domingo" anunsiyo ni dominar na nagpaguho ng aking mundo.
Dati pa lang ito na ang gusto kong maging, dati pa lang ito na ang inasam asam kong makuha. Kaya nga ako nagaral tungkol sa pakikipaglaban para sa paghahanda sa larangan na ito. Pero hindi ko maramdaman yung saya na akala ko mararamdaman ko ngayon.
"I know this is hard for you, Chi. But please we are counting on you. This is our last shot, kapag hindi ka nagtagumpay sa pagbantay sa lalaking yun. We are done, we're over.You are the only hope of triunvirato. I'm begging you, please make your mission successful." pagmamakaawa saakin ni Chloe. I hate this, I hate them depending on me. Paano kung hindi ako magtagumpay sa misyon ko? Paano na kami? Paano na ang grupong na pinagkaingat ingatan ko. Ang grupo na itinuring ko na pamilya.
Kahit hindi sigurado, tumango ako kay Chloe at bahagyang ngumiti para ipakitang kaya ko kahit gusto ko na umiyak sa harap niya para humingi ng tulong, gusto ko magmakaawa sakanya, gusto ko magsabi kay dominar na hindi ko kaya. Pero ni isa, wala akong ginawa at hindi ko yan kayang gawin.
"Huwag kang magalala, sisiguraduhin ko na mapagtatagumpayan ko ang misyon ko. I will never let you down" Huli kong sabi kay Chloe at hinintay na namin si na bumalik si JC.
Papalapit na samin si JC at agad na akong nagpaalam kay Chloe.
"Let's go" pagyaya niya sakin, agad naman akong sumunod ng walang pagaatubili.
Nang makarating kami sa McLaren 720S Coupe niya, yes mahilig ako sa cars and I'm not that surprised na meron siyang latest car ng McLaren, he has the money to afford that anyways. Pumunta ako sa shotgun seat at hinintay siyang makapasok. I'm still astonished to see the latest McLaren but I didn't want him to see nor notice that. I did my best to fix my composure and thankfully I did. Pumasok na siya sa sasakyan, hindi niya muna pinaandar. He held on to his key but before he started his car, he finally spoke.
"Don't you ever think that I will make this easy for you. Always remember your place and don't you dare fall in love with me. Feel my wrath, I'll make sure you'll beg for your own death." Saad niya na nagpabagabag saakin buong biyahe.
LUMIPAS ang ilang oras,wala pa ring salitang namutawi sa amin ng lalaking binabantayan ko. Binabaybay pa rin namin ang daan patungo sa lugar na 'di ko alam kung saan. Kahit sobrang pagod at gusto ko ng matulog di ko magawa kasi mahirap makatulog sa ganitong sitwasyon, baka mamaya biglang may magambush samin. Malalagot ako kapag may nangyaring masama sa lalaking ito. Kung hindi lang talaga ako ang guardian nito, kanina ko pa siya pinatay. Pero alam kong hindi 'yun magiging madali. As far as I know, he learned martial arts and how to handle weapons, starting from short ranged to long ranged. That's why I'm wondering why does he need a guardian. Pero kung sabagay, with the wealth and power that they have, siguradong maraming gusto magpatumba sakanila at marami silang kalaban especially in the business industry kaya kakailanganin niya talaga ng guardian na gaya ko.
YOU ARE READING
Shed A Bullet For You
ActionJohn Christopher Domingo belongs to one of the wealthiest families in the country and when you're a part of a wealthy family in this world full of greedy people, you need protection and that's where Christine comes in. Christine Magdamit is well kno...