Dream Awakening

40 1 7
                                    

“Huwaaaaa!” Unti-unting pumatak ang luha ko at bumalahaw ng iyak. Aside sa sakit ng pagkakatama ng bato sa noo ko ay ang sakit ng kalooban ko na hinahamak-hamak ng mga kaklase ko na araw araw kong hinaharap. Araw araw na iniinda. Payatot daw ako. Patay gutom, mahirap, pobre, pulubi. Lahat na yata ng synonym ng salitang “poor” sa tagalog ay naihambing na sa akin. Kadalasa’y pinapalampas ko lang sa aking tenga. Pero hindi lang pang-aalipustang emosyonal ang naaabot ko sa kanila kundi pisikal na rin. Gaya ngayon. Hindi ko aakalaing babatuhin ako ng isa kong kaklaseng mas malaki ng di hamak sa akin habang nagtatawanan ang mga kaklase namin. Sino ba ang mangingialam? They are all scared of him. Takot lang nilang balikan nito.

“Hoy! Ano yan?” Napatingala ako sa batang lalaki na nakaupo sa tuktok ng monkey bars sa di kalayuan. Ganun din ang ginawa ng mga kaklase ko at ng mga miron. Bigla bigla’y nagsitakbuhan sila pabalik sa kanikanilang classroom. Nakapagtataka naman. Sino ba tong lalaking ito?

“Mga g*** yun a.” ika nya habang nababa sa pwesto nya at saka ay lumapit sya sa akin.

“Okay ka lang ba bata?” Tanong nya sa akin. Tumango ako. Ano ba ang dapat kong isagot? Hindi naman kami magkakilala. “Sinungaling. Hindi ka okay.”

“P-paano mo naman nas—nasabi iyon? Teka. Manghuhula ka ba?” Pasinghap singhap kong tanong sa kanya habang pinapahid ang mamasa-masa kong mukha gamit ang likod ng aking kamay na hindi ko nahugasan kaya naghalo ang pinahid na luha at alikabok ng kamay ko sa aking mukha. Napakarungis ko na. masisermunan na naman ako ni mama nito. Tsk.

“Ahahahahaha! Hindi ako manghuhula. Manhid ka lang siguro. Di ba masakit yang sugat mo sa noo?” Tanong nito. Napakunot ang noo ko at saka ko naramdaman ang hapdi sa may kaliwang parte ng noo ko. Napahawak ako doon at nakapa ko ang sugat ko sa noo. Nang tingnan ko ang kamay ko ay nakita ko ang dugo na nagkalat sa aking palad. Saka ako kinabahan at napaiyak dahil sa sakit.

“Hey hey. Don’t cry. Tara. Dadalhin na kita sa clinic.” Sabi ng batang lalaki habang inaaalalayan akong maglakad papuntang school clinic. “Ako nga pala si Jhimric. Jhimric Marco Pecanto. I’m new here.”

Tumango tango lang ako. Nagdadalawang isip kung magpapakilala sa batang lalaki na ito. Ngayon lang kasi may natulong sa akin. “Ikaw? What’s your name?”

I shrugged. After all, he deserves to know even the name of her damsel-in-distress diba? Pinahid ko ang uhog ko at saka ay nagsalita. “Iyah. Iyah ang palayaw ko.” Sabi ko habang inaakay ng school nurse papasok ng clinic.

***Oh, kiss me beneath the milky twilight

Lead me out on the moonlit floor

Lift your open hand

Strike up th…

“Pambihira naman…” Humikab ako at saka kinapa ang cellphone ko na nakalagay sa bedside table ko. Huh? Asan na ba yun? Usually dito ko lang nilalagay yun e. Baka nahulog? I opened my eyes and I got the shock of my life. Kaya pala may nakakapa akong slimy thingy. Nahawakan ko yung handkerchief ni Hayley na naiwan dito sa van. Sinisipon pa man din yung isang yun. Which means… I touched her… YUCKKKKK! Kaderder Iyah. Huhuhu. I feel so violated. -_- Agad kong kinuha ang alcohol ko sa bag at saka ibinuhos lahat ng laman nito sa kamay ko. Gross! The germs! The bacteria. Huhuhu! Pero teka muna. Bakit nga ba ako nandito sa van ni kuya Jasper? Anong meron? Pasensya na po kayo. Medyo makakalimutin ho ako. He he.

Hey Bossing üTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon