Part 3.

7 0 0
                                    

Part III.

Ang bilis talaga ng oras. Mas naging close pa kami ni JP. At tignan mo nga naman, MAHAL ko pa rin siya at CHUBBY pa rin ako. HAHAHAHA.! At akalain mo nga naman, 3rd year na ako.

Pero may nangyaring di ko talaga maalis sa isip ko. Hanggang ngayon, natatandaan ko parin.

*Flashback* [After school, 5:00pm.]

Naglalakad ako nun. Cleaner kasi ako eh. Pag hindi ako cleaner, 4:30 uwi ko.

Dumidilim na rin pala.

Dahil nga sa nagmamadali ako, nag-short cut ako. Napadaan ako sa street na minsanan ko lang puntahan. Kasi dito nakatayo yung school na rival ng school namin noon pa.

May nadaanan akong group of boys na parang nakatambay sa gate nung school. So taga-EHS sila. (Eastern High School) Kami kasi SHS (Soutern High School).

Ang pagkakaiba ng school namin sa school na ito is, DISIPLINADO ang mga student dun sa amin. Dito, hindi. Kasi looking at the way they wear their uniforms, masasabi mong wala silang pinag-aralan. They don't wear their uniforms properly. Hindi naka-button yung Polo nila. Plus look at those guys. They're smoking. Plus, they wear piercings.

I snapped back to reality ng may tumawag sakin.

"Miss! mag-isa ka yata. Sama ka muna samin dito oh!" - Sabi nung isang mukhang gangster. May piercing kasi siya eh.

Bigla namang lumapit yung isang lalaki na katabi nung nagsalita kanina. Napa-atras naman ako.

"W-wag kang lalapit! P-p-papalapa kita sa aso namin!" - Ako.

Nakalapit na siya at wala na akong maatrasan pa kasi, nasa may pader na ako.

Nakita ko yung I.D niya at nabasa na 4th year pala siya. Ke-bata naninigarilyo?! Pero wala ko time jan.! Baka kung ano pa gawin nila sa akin. Wala pa namang tao dito. Ang layo nung crossing dito. At wala talagang tao sa School nila. Nagsiuwian na lahat! Anu gagawin ko? Huhuhu :'(

Bigla namang hinawakan nung lalaki yung buhok ko tas inamoy niya.

"Pre! Mabango tong isang to ah. Chubby pa!" -sigaw niya dun sa mga kasama niya. Nagsitawanan naman yung mga kasama niya.

"So Miss, samahan mo muna kami oh. Pampalipas ng oras lang. Oh... taga-South ka pala." -Yung lalaking lumapit sa akin.

"He-he-he. O-o taga-South ako. S-s-sige a-a-alis na ako. Papakainin ko pa aso namin. Bye!" -Ako.

Aalis na sana ako ng hinarang niya yung kamay niya.

"Ooopss. Not too fast Miss. Di mo ko malo-loko. Style mo bulok! Pero di yan uubra sa akin." -Siya.

Nilalapit niya yung mukha niya sa mukha ko kaya napa-pikit ako.

Ma.... Pa.... Kuya.... help....

JP...... Help......

*Boooogsh*

Huh? Ba't parang may bumagsak?

Dumilat ako. And I was shocked to see, JP standing in front of me. Galit na galit yung mata niya. Naka-closefist pa siya. At nung tingnan ko yung kaninang lalaki, nakaupo na siya tapos naahawak sa pisngi niya.

"Pre, Anu ba problema mo?! Ba't ka ba sumusulpot kung saan at nanununtok bigla?! Ha?! Kami nauna dito sa babaeng to kaya maghanap ka ng sa iyo!" -sabi nung lalaki.

"Eh paki mo kung siya rin gusto ko?! May magagawa ka ba ha?!" -JP.

Anu daw?! Ako ang gusto niya?! Kilig naman ako dun ahh... Anu ba to pinag-iisip ko, may nagsusuntukan nga ito ba iniisip ko...

"Kapal rin pala mukha ng isang to..." -susuntukin na sana niya si JP kaso di ko nakita kasi sumigaw si JP.

"SHERRY! TALIKOD! DALI!"

Tumalikod nga ako kasi masunuring bata ako. ^_^

Nakarinig akoo ng mga 'cuss' galing sa kanila. Sumigaw pa nga yung kasama nung manyakis na yun na:

"Oi! Wala ba kayong mga mata! Baka kung ano mangyari jan kay Ren. Tulungan nyo!"

After several minutes.............

Biglang may humila sakin. Nung tingnan ko kung sino, si JP pala.

Yung mga students na taga-East, ayun. BUGBOG sarado. Mga tarantado eh. Waaaah. BAD mouth!

"Wow! Galing! Idol na kita! Crush rin kita kung alam m---" -Shoot! Anu nasabi ko?!

Tumingin siya sakin na nakangiti.

"A-ah, hehehe. Hindi yun totoo. Bigla nalang lumabas sa bunganga ko. hehehe. Wag mo na pansinin yun. hindi yun totoo.......... Joke.......... Tama......... Joke lang yun. Tumawa ka kasi nag-joke ako. hahahaha! Diba nakakatawa?" - Ako.

Nakakahiya. Nakatingin lang siya sa akin. Then tumingin siya bigla dun sa kamay niya na nakahawak sa wrist ko.

"A-ah! Sorry. Bitiwan mo na kam---" - Di ko na natapos ang sasabihin ko kasi..................
.
.
.
.
Hinila niya ako at niyakap...

Na-shock talaga ako. Ikaw ba naman yakapin ng taong mahal mo? ang HIGPIT pa ah.

"Akala ko kung anu na mangyayari sayo. Nung nakita kita na pauwi na, sinundan kita. Pareho lang pala ang daan papunta sa bahay niyo at bahay ko pero nabigla ako nung lumiko ka sa kabilang street. Akala ko ligtas dun pero nung aalis na sana ako, narinig kong yung sinabi ng ga**ng yun. Ang tanga ko talaga! Dapat pala sinundan kita para hindi ka na nila nalapitan ng ganun! Sh*t! Langyang mga taong yun! Lagot sila sakin pag-nakita ko sila ulit! Manghihiram sila ng mukha sa aso! P****g i**!" - JP.

Hindi ko na napigilan. Napaiyak na talaga ako. Na-touch naman ako. Pinapahalagahan niya pala ako.

"S-salamat. *sniff* m-m-mabuti nalang dumating ka kanina. Salamat talaga. *sniff*" -Ako.

Niyakap niya lang ako ng mahigpit. kaya niyakap ko rin siya. Libre CHANSING! Joke! Ako nga babae, ako pa manananching? Dapat siya hahaha. Pero drama muna ako...

Di ko na napansin, madilim na pala.

"JP..... Gabi na oh. Uwi na tayo.." - Ako.

Binitawan naman niya ako.

"Hatid na kita. Baka kung anu nanaman mangyari sayo jan. Accident Prone ka nga." -JP.

"Uhmm, Sige. Thanks." -Ako.

Nagsmile lang siya tapos nagsimula na siya maglakad. Dumating na kami sa bahay ko.

"Sige. Thanks ulit. Bye. Ingat ka." -Ako.

Papasok na sana ako nang nagsalita siya ulit.

"Wag na wag ka na sana malagay sa ganung sitwasyon. Ayoko may mangyaring masama sayo. Importante ka sakin kaya. Please, mag-ingat ka next time. Kung itatanong mo kung bakit ka importante sakin, hindi ko pa masasagot yan. For now, I'm thankful that your safe. I'll go na. Bye." -JP.

Umalis na nga siya. Di ako nakareact kasi di pa masyadong nagsi-sink in ang sinabi niya sa utak ko. Pero, IMPORTANTE?

Napangiti naman ako sa thought na IMPORTANTE ako sa taong mahal ko...

*End of Flashback*

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*_

Vote|Comment|Share!

Love ya. *mwahugs*

-Artemis

Look at meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon