BEST FRIEND to LOVER (just another love story)

52 1 0
                                    

Si Marco ay isang high school student sa isang pribadong paaralan sa kanilang bayan. Siya ang bunsong anak nina Atty. Alberto Salvatierra at Dra. Maria Salvatierra. Ang mag-asawa ay may apat na anak sina, Karen ang kanilang panganay na anak, si Manna naman ang pangalawa nilang anak, si Joel naman ang kanilang pangatlong anak, at si Marco naman ang kanilang bunso.

“Mommy may project kami sa school, kailangan ko ng 100 pesos.” Wika ni Marco.

“Hindi na kayo naubusan ng project sa school nyo na yan. Araw-araw ka nalang humihingi ng pang-pagawa mo ng project. Wala naman akong nakikitang project na ginagawa mo.”, sagot ni Dra. Salvatierra.

Nang umagang iyon nanghihingi nanaman si Marco ng pang-pagawa ng project sa school.

“Bukas pumunta ka nalang sa school niyang si Marco at nang malaman natin kung anu-ano ‘yong babayaran daw na project nitong anak natin.” Sambit ni Atty. Salvatierra, na tila nag hihinala na sa araw-araw na pang hihingi ni Marco ng pera para sa pang bayad daw sa project sa school.

“Good morning, mukhang umagang umaga nanaman may problema na kayo ni daddy.” Biro ni Karen sa kaniyang ina.

“Pano yang kpatid mo humihingi nanaman ng pangpagawa daw ng project sa school.” sagot ni Dra. Salvatierra.

“Bakit hindi nyo pa kasi bigyan, baka mahuli pa yan sa klase.” sagot ni Manna “Kailangan may maipakita ka sakin mamaya na project nyo na ginawa.” Dagdag pa nito.

Sa school nila Marco, hinihintay na siya ng kaniyang mga kabarkada, upang ayain siyang mag-cutting. Sa halip na pumasok sa paaralan ay mag-punta nalang sila sa computer shop na malapit sa kanilang paaralan. Dahil alam niyang pupunta nang umagang iyon ang kaniyang kapatid sinabi nalang niya sa mga kabarkada niya na kailangan niyang pumasok dahil baka ipatawag na ng principal ang kaniyang mga magulang.

Nang hapon ding iyon inaya siya ulit ng kaniyang mga kabarkada. Dahil hindi nag-punta ng umagang ‘yon ang kaniyang kapatid inisip niyang nakalimutan na siguro nito ang pag punta sa kanilang paaralan. Kaya sumama na siya sa mga kabarkada niya. Sila ay pumunta sa computer shop na malapit sa kanilang paaralan. Sila ay nag tagal ng mahigit limang oras sa computer shop na iyon. Nakalimutan ulit ni Marco na gumawa ng project. Naubos niya sa pag lalaro ng computer games ang perang hiningi niya sa kaniyang mommy. Ilang beses na siyang humihingi ng pang-pagawa ng project. Pero paulit-ulit rin niya itong nakakalimutan. Naalala ni Marco na titingnan ng kaniyang ate Manna ang project na ginawa niya kaya bigla siyang kinabahan. Nag-isip si Marco ng maaaring palusot niya sa ate Manna niya. Pag dating ni Marco sa bahay,

“Nasaan na yung project mo? Patingin nga ako.”

“Ahh…Ehhh…Ate kasi naiwan ko sa…”

“Saan mo naman naiwan?”

“Dun sa Jeep na sinakyan ko papauwi”

“Totooo ba yang sinasabi mo? Baka naman nag sisinungaling ka?”

“Hindi ahh, totoo ung sinasabi ko”

“Sige pumanik ka na sa kwarto mo at mag bihis ka na kakain na tayo pag baba mo”.

Pumanik si Marco sa kwarto niya, hanggang sa makarating siya sa kwarto niya ay kinakabahan pa rin siya. Kinakain si Marco ng kaniyang konseniya na dapat ay hindi nalang siya sumama sa mga kabarkada niya, sa halip ay dapat pumasok nalang siya sa klase niya nung hapon na iyon. Hindi sana ngayon ay kinakabahan siya. Naisip niya na sabihin nalang sa ate Manna niya ang totoo, pero natatakot siya na baka isumbong lang siya nito sa mga magulang nila. Pagkatapos mag bihis ni Marco, bumaba na siya at kumain ng hapunan. Tahimik lang si Marco hanggang makakain sila.

“Anak bakit parang ang tahimik mo yata ngayon, may problema ka ba?” tanong ni Mrs. Salvarierra

“Wala naman po ayos lang po ako.” Sagot ni Marco

BEST FRIEND to LOVER (just another love story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon