Ala-ala

31 6 2
                                    


Pinipilit ko ang sarili ko na hindi ka maalala. Pinipilit ko ang sarili kong huwag balikan ang mga alaala na meron tayo dati, mga sandali na nag papa-alala na kung gaano ka-saya ang tulad ko sa piling ng isang tulad mo. Ikaw na laging andito, ako na hindi ka iiwan. Ikaw na mahal ng isang tulad ko, ako na mahal na mahal ka.

Naalala ko. Oo, naalala ko nanaman na minsan tinanong mo ako...

*Dan's POV*

"Babe? Mag tatagal kaya tayo?" Tanong niya sa'kin ni Samantha. Dati kong kasintahan..

"*natatawa* ayan ka nanaman sa mga random na tanong mo ha! sagot ko kay Samantha. Na akala ko ay nag bibiro at tinawanan ko siya."

"Sira! Seryoso kasi." pagalit na sagot sa'kin ni Samantha. Mukha nga na seryoso siya sa tanong niya a. Wrong choice ata na tinawanan ko yun.

"Hmm. Oo naman! Tayo pa." sagot ko kay Samantha. Syempre ayoko naman na iwan ka at hinding – hindi ako mag sasawa sa'yo.

"Ehhh paano kung dumating yung panahon na isa sa atin ang mag sawa? Paano kung dumating yung panahon na isa sa'tin ang bumitaw?" sagot ni Samantha. Mukhang nag dadrama lang to at gusto ng lambing ko kaya nag gaganto. Bakit kaya bigla naging ganto mood neto?

"Grabe naman na drama yan! Ikaw ah saan mo hinuhugot yan?" sagot ko kay Samantha. Baka kelangan lang talaga ng lambing para bumigay at tumigil na sa kakatanong ng ganung bagay.

"Seryoso kasi, sagutin mo nalang kasi." Sagot ni Samantha. Seryoso nga siya, kelangan ko na to sagutin ng seryoso baka kung saan pa ma-punta itong usapan na ito. Pero nakaka-takot din talaga pag nag bring up ng gantong topic yung partner naten parang makiki-pag break na e. Huu.

*kinuha ko yung upuan at lumapit sa kanya*

"*hinawakan ko ang kanyang pisnge* alam mo Sam, mahal kita.At alam ko at ramdam ko sa sarili ko na mahal kita. Oo hindi tayo sigurado sa mga pwedeng mangyare sa mga susunod na araw, linggo, buwan o taon. Pero ang importante na huwag naten makalimutan na sa bawa't araw na lumilipas ay maparamdam naten kung gaano kamahal naten ang isa't isa." Sagot ko kay Samantha. Naging seryoso na din talaga ako dito pero totoo naman na huwag naten kakalimutan i-paramdam na mahal na mahal ang isat-isa.

"Mahal.. na mahal kita" sagot sa'kin ni Samantha habang naka ngiti. Mukhang na gets na niya at na-ayos ko na yung dapat ayusin dito. Buti naman at hindi lumake ng sobra ito.

"Mahal na mahal din kita Sam." Sagot ko kay Samantha. Ang tamis lalanggamin ata pati yung asin. Pero sana naman walang mangyaring masama sa susunod at sana mag tagal talaga kami at walang bumitaw sa isat isa. Dahil mahirap din bumangon, lalo na kung ikaw na lang mag isa ang babangon.

Okay naman tayo diba? Okay naman talaga tayo. Di ko lang alam kung saan banda tayo nag kulang parehas, sa dami ng masasayang ala-ala natin magkasama. Sa dami ng ngiti na naidulot ng mga yon. Mga pag kakataong ikaw at ako ay masaya at napapakilig ang bawat isa. Napaka daming rason para kayanin, kayanin na mag kasama. Matibay tayo diba? Sa paniniwala naten. Matibay tayo, tayong dalawa.

Ang saya kung iisipin, ang saya balikan, pero ang sakit tambayan.

Bakit kasi kelangan pa natin mag hiwalay? Bakit pa kasi kelangan pang dumating sa puntong hindi na tayo mag kaintindihan? Hindi na tayo parehas magkaroon ng pag unawa sa isa't isa? Bakit hindi na natin kaya magparaya?

Mabalewala ang sakit na nararamdaman o isantabi ang paniniwala para lamang makatagal? Bakit kelangan dumating sa puntong may susuko? Bakit nandito nanaman tayo sa puntong bibitaw ang isa? Na makakalimot tayo parehas sa pangako sa isa't isa? Ikaw na bumibitiw na. Akon a pilit kumakapit, pero lito at malapit naring sumuko.

"Pag usapan naman natin oh please lang!" sabi ko kay Samantha habang hinahabol ko siya.

"Please lang?! Hindi ka ba nag tataka? Kung bakit paulit ulit nalang nangyayare satin to?!" sumbat sa'kin ni Samantha

"Pero diba aayusin naten?! Na kahit anong problema pag uusapan naten?! Hindi tayo susuko diba!?" sagot ko kay Samantha

"Pero hanggang kalian?! Hanggang kalian natin mararanasan ito?! Dan naman! Lagi nalang tayo nagaaway, lagi nalang tayo nag susumbata! Lagi nalang tayo nag tatalo.. kung sino yung tama kung sino yung mali" sumbat sa'kin ni Samantha

"Sam, please naman oh" pag mamaka-awa ko kay Samantha.

"Dan pagod na ako.. mag pahinga na lang muna tayo.." sabi sa'kin ni Samantha.

"Ano?" nanghihina kong sagot kay Samantha habang siya ay papaalis na at hindi ko na siya hinabol

Dapat hindi kita binitawan, dapat sa mga oras na unti unti kang bumibitiw sa mga kamay ko. Dapat mas kumapit pa ako lalo, mas kumapit pa nang mahigpit, nangmahigpit para hindi ka mawala.

Para hindi mawala yung tayo, yung tayo na mahal ang isa't isa. Alam mo, simula noon hanggang sa mga oras na to. Hindi nawawala sa isipan ko. Kung paano mo sabihin na mahal na mahal mo ako, kung paano mo sabihin na "andito lang ako mahal ko, wag ka mawawala, wag ka mag alala tatagal tayo.." sa dami ng mga salitang binitawan natin sa isa't isa, lahat yun nandito, nanatili sa puso't isipan ko.

Ikaw na mahal na mahal ko, ako na naiwan mong mag isa, ako na nanatili sa paniniwalang kaya pa, ikaw na napagod na, ako na kumakapit pa, ikaw na matagal ng bumitiw.

Mahal kita. Hanggang sa mga oras na to na umaasa ako na kaya pa, umaasa na maibabalik pa, nagpapakasakali na kaya pa, nag papakasakali na maibabalik pa. Ako na nandito pa din. Ikaw na tuluyan ng nawala. Ako na patuloy na umaasa, kahit alaala na lang ang meron sa atin.

==========================================================

"Mahirap makalimot kung tutuusin, lalo na kung yung taong kailangan mong kalimutan eh isang taong nagparamdam sayo nang pagmamahal na tanging sa kanya mo lamang naramdaman.."

Memories After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon