Super PANDA!

2K 62 48
                                    

He is not Ironman..

Nor Batman...

He is also not Superman....

He is.....

.

.

.

.

.

Super Panda..??????!!!

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Huhuhuuh! :( Bakit ba lagi na lang.. waaahhhh! Ayoko na!"  

para na akong baliw dito..

Iyak ako ng iyak kasi may Girlfriend na yung LONG TIME CRUSH ko!!!

"Hoy Ynna! tumigil ka na nga! Crush mo lang naman yun ah! Daig mo pa iniwan ng boyfriend diyan eh!" pagpapatigil sa akin ng bespren kong si Annie..

"Eh kasi naman eh! Ang tagal ko siyang naging crush tapos.. tapos.. taposss.. ganun lang,.. wahhhhhh!!!! huhuhuh!!!"

"Takte ka Ynna! Tumigil ka,.. Di mo naman kasi sinabi sa kanya na crush mo siya tapos ngayon iiyak iyak ka diyan.. Tsk!"

"ANNIE!!!! Bespren ba talaga kita? Bakit di mo na lang ako damayan sa kalungkutan ko ha?"

"Anong gusto mo dalawa tayong mag mukhang baliw dito? Tara nga! Andami kayang nakatingin.."

Dahil dun natauhan ako..

Andito nga pala kami sa isang public park 

kung saan maraming tao ang nakakakita sa kabaliwan ko..

ARGHHHH!!!

nakakainis! dOBLE na yung kamalasan ko ngayong araw na ito..

Una, may gf na si LONG TIME CRUSH

tapos, andami pang nakatingin sa akin habang umiiiyak ako...

Arghhh!!!

Kaya ayun at tumigil na ako sa pag-iyak..

"Alis na ako Ynna ha! Tumawag si mama, may pupuntahan daw kami." pagpapaalam ni Annie

"Ah ganun, okay! *sniff* Ba-bye!"

"Tumigil ka na diyan. Para kang baliw hahah!"

At ayun, pinigil-pigilan ko yung iyak ko…

Nakakainis naman kasi eh…

Bakit ganun..

Bakit may gf na siya..

“Hhuhuhuhuuhu!!!” umiiyak na naman ako

“Ay oo nga pala. Di na ako iiyak.. titigil na nga pala ako.” sabi ko sa sarili ko habang natatawa sa pinag-gagagawa ko

Hay baliw na nga yata talaga ako..

Pati sarili ko kinakausap ko..

Naglakad-lakad muna ako..

Dahil sa katatapos ko lang umiyak eh sobrang mugto ng mga mata ko…

Tumingin ako sa isang salamin ng sasakyan..

Hay nababaliw na ako

Ang pangit ng itsura ko

Yuck

Super PANDA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon