Naglalakad ako papunta sa bahay mula eskwela, Nagulat ako nang may mga butil ng ulan ang tumama sa ulo ko! Umulan pala! Uwahh! Wala akong dalang payong kaya, nilagay ko nalang sa ulo ko ang bag ko para di ako masyadong mabasa. Tumako papunta sa pinakamalapit na waiting shed at doon sumilong. Yinakap ko ang sarili ko dahil sa nararamdaman kong lamig. Brrrr...
Nagulat ako nang may tumabi sa akin dito sa waiting shed, isang lalaking nakahoodie na baymax, waaahh ang cuuute😍. Lumingon sa akin si boy hoodie at mukhang napansin nito na nilalamig ako, kaya hinubad nito ang hoodie nya at binigay sa akin.. " Salamat" tanging nasabi ko nang nasilayan ko ang mukha nya, wahh wafuuu.. Tumango lang ito at hindi na ako pinansin.. Uwuuu, sungit *pout*
Ngayon ko lang napansin na pareho pala kami ng suot na uniform. Same school ba kami? Ayy nukabanaman Serine, kitang magkaparehas kayo ng uniform ni boy hoodie, kaya magshoolmates kayo😑..
Ilang minuto pa at tumila na rin ang ulan, kaya tumayo na ako at lumingon kay boy hoodie,
"Boy hoodie, ibalik ko nalang to sayo, kapag nalabhan ko na.. Buhbyee, salamat uleeet" sabi ko at nagwave pa sa kanya, tumango lang ulit ito at tumayo na at nagsimulang maglakad pero tumigil ito sa harap ko bumulong. "Bye Serine, seeya".. OMO! ANG GWAPO NG BOSES NYAAAA!! Wait, hanla! Alam nya pangalan ko! Stalker ko ba sya?? Asuss, Serine wag mo ngang paasahin sarili mo! Malamang alam nun ang pangalan mo! Sikat ka kaya! Sikat sa pagiging maingay, makulit, at mga kalokohan mo!! Napailing naman ako nang marealize kong kinakausap ko na naman ang sarili ko😑..Naglakad nalang ako papuntang bahay, kesa sa kausapin ang sarili ko... Nang makarating ako sa bahay, "MAMIIIII!! DADIIII!!" malakas kong sigaw na ikinatanggap ko ng batok mula sa kay Mami, di kami mayaman, sadyang trip lang nila mami na mami at dadi ang itawag sa kanila..
"Oi, anak koo!! Nag d-daydream ka nanaman! Hala! Akyat na mag bihis ka na at tulungan mo ako dito sa kusina.. Teka nak, kanino yang hoodie na suot mo?" sabi ni mama at binatukan ako..
"Pinahiram to sa akin ng schoolmate ko" sagot ko sa tanong ni mama at nag bihis na ng pambahay at tumulong na kay mama..
TIME SKIP
Nandito na ako sa eskwela!! Dala dala ko ang hoodie na pinahiram ni boy hoodie.. Nakita ko na agad si boy hoodie na may headphone sa ulo at nagbabasa ng novel. Mukhang loner si koya, pero marami ang nakatingin na babae sa kanya..
Tumakbo ako palapit at gugulatin ko sana sya pero bigla nyang binaba ang novel na binabasa nya at tumingin sa akin. Napa-pout naman ako dahil dun.. Tiningnan nya ako na tila nagtatanong. Ngumiti naman ako ng matamis sa kanya binigay ang hoodie nya, "Salamat sa pagpahiram ng hoodie mo, ako nga pala si Serenity Madrigal. Ikaw, anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya. Mukhang wala naman itong balak magpakilala kaya, tumalikod na ako at naglakad.
Napatigil ako ng magsalita sya. "Jace Andrade" maikli nitong sambit. Napalingon agad ako sa kanya at inilahad ang kamay ko. "Let's be friends" bibong tanong ko, tumango lang ito at nagbasa ulit.
Simula sa tagpong iyon, naging instant bespren ko si Jace, lagi ko syang kinukulit, kinekwentohan, iniingayan at lagi rin syang nadadawit dahil sa mga kalokohan ko hahaha..
Ako lagi ang nagsasalita habang sya taga-pakinig, ako lagi ang nag-iingay habang sya iritang-irita na sa kaingayan ko.Isang araw, I started having these foreign feelings. Paghinahawakan nya ako, feeling ko may powers sya, dahil nakukuryente ako. Pag tumatawa sya, bumibilis ang tibok ng puso ko. Pag di nya ako pinapansin, nangangamba ako na baka may mali akong nagawa. Iilan lang yan sa mga nararamdaman ko, ang tanga ko nga para isiping may taning ang buhay ko dahil sa mga naramdaman ko. Pumunta pa ako sa tita kong doktor para lang alamin talaga kung ano ang 'sakit' ko..
Nang sinabi ko lahat ng nararamdaman ko, nagulat lang ako ng biglang tumawa si tita. Gulat na gulat ako dahil sa tawa ni tita, kitang may taning na ang pamangkin nya, tatawa pa sya. Mas labis kong ikinagulat ang sunod na sinabi nito, inlove raw ako.. INLOVE RAW AKO! AT ANG MALALA, KAY JACE PA!
Balisa akong umuwi non, pagdating ko sa bahay, kwinento ko agad kay mami abg sinabi ni tita.. Bigla akong niyakap ni mami at sinabing "Salamat anak at kwinento mi ito sa akin, wag kang mag-alala anak, mahal ka namin ng dadi mo, kahit may mahal ka na" yan ang eksaktong sinabi ni mama. Tinanong ko sya kung anong gagawin ko, sabi nya umamin raw ako..
Kaya naisipan kong umamin sa kanya, kabadong-kabado ako dahil sa aamin na ako. Dumating na rin sa wakas si Jace, tinanong agad ako nito kung may problema ba ako, sabi ko wala. Dahil sa kaba, nakalimutan kong umamin hanggang sa makauwi na sya..
Nahampas ko ang noo ko dahil sa katanghan ko. Tanga. Tanga. Tanga. Kainis! Dapat grinab ko na ang opportunity na umamin sa kanya. Ugh! Kainis talaga!
Nag-set ulit ako ng araw para sabihin sa kanya ang feelings ko... Di nagtagal dumating na ang araw na yun. Sa park ko sya inaya, at makulimlim ngayon, mukhang uulan. Mas grabe ang naramdaman kong kaba ngayon kesa ng first attempt ko. Dumating din naman agad sya kaya wala na akong sinayang na panahon, umamin na ako kaagad! Sinabi ko lahat ng nararamdaman ko.. Unti-unti na ring pumatak ang ulan or RAIN FALL. Habang unti-unti rin kaming nabasa, nagsituluan na rin ang mga luha ko. Agad kong sinabi ang dapat kong sabihin.
"Jace, iloveyou. I don't know how, pero bigla nalang tumibok ang puso ko para sayo"
He, stayed silent for a while and he freakin' grabbed my nape and kissed me in the rain.
I thought we had mutual feelings dahil sa ginawa nya pero ikinaiyak ko lang ang mga salitang lumabas sa bibig nya. "Di kita mahal, and that kiss, was just to prove na wala talaga akong nararamdaman para sayo, you're just a friend. Now, leave me alone"
Humahagulhol akong tumakbo sa ulanan at habang hindi alam ko alam kung saan ako pupunta, for some reason, dinala ako ng paa ko sa opisinang pinagtratrabahuan ni mami. Gulat na gulat ang mga ka-trabaho ni mami dahil sa itsura ko, iginaya naman ako ni tito Andrew (ang katrabaho ni mami) sa kay mami.
Agad kong niyakap si mami, wala akong pake kung mabasa si mami basta kelangan lo sua ngayon. Umiyak lang ako ng umiyak, habang pinapatahan ako ni mami at tinanong kung anong problema.. Sinabi ko lahat kay mami at mataimtim naman syang nakinig. Pinayuhan ako ni mami na ganyan talaga ang love, may nananalo at may natatalo, malas ko lang dahil natalo ako..
Lumipas ang ilang buwan, at di ko na ulit sya nakita, ok nga sa akin yun na di na sya makita, nakamove on na ako ngayon, malakas na ako ngayon, di na ako yung marupok na batang babae na mabilis ma-fall..
Isang araw, may natanggap akong tawag, sinagot ko agad ito.. "Hello?? Sino po ito?" tanong ko. "Serine, Ija, mama to ni jace." sabi ng tinig sa selpon, bakit naman tatawag si tita sa akin? "Oh tita, ikaw pala! Bakit ka po napatawag?" tanong ko kay tita.. Ano kaya ang nangyari? " Ija, wag kang magugulat," parang
bumasag ata ang boses ni tita, tila ba umiiyak..
" Ano po tita? kinakabahan ako sa inyo ahh" kinakabahan kong tanong.. "I-ija. S-si J-jace, s-si J-jace i-ija.." humihikbing sabi ni tita, tila ba nabaril ako at biglang bumalik yung sakit, pangamba, at higit sa lahat ang pag ibig ko sa kanya.. "TITA, ANO PO ANG NANGYARI KAY JACE??!" naghihysterical kong tanong.. "Ija, si Jace, wala na. Ililibing na sya bukas sa ******* cementery. " nabitawan ko ang hawak kong selpon at hirap na hirap iproseso ang mga nangyari...Halos wala akong tulog kagabi, agad akong nag bihis at pumunta sa pag lilibingan kay Jace.. Pagdating ko dun, lumuha agad ang mga mata ko, una kong nilapitan si tita na umiiyak, may binigay ito sa akin na papel.. Basahin ko daw..
Binuksan ko ang letter nya..
Dear Serine,
Serine, pasensya sa pang babasted ko sayo, mahal kita sobra sobra, Serine.. Kung nababasa mo toh, siguro wala na ako.. Sorry dahil di man lang ako sayo nakapagpaalam ng maayos. May stage 3 leukemia ako. Mahal na mahal kita, sana makahanap ka ng lalaking makakapagpasaya sayo, pero wag mo akong kalimutan. Pag may umaway sayo isumbong mo lang sa akin, mumultuhin ko yan.. Love you Serenity MadrigalLove,
JaceNaguunahan nang tumulo ang mga luha ko at lumapit na ako sa kabaong nya. Iyak lang ako ng iyak, dumungaw na ako sa kabaong nya at tiningnan ang maputla nyang mukha.. Sorry Jace, sorry, sorry.. Mahal pa rin kita hanggang ngayon.. Mahal na mahal kita.....
Mahigit isang dekada na ang lumipas, marami na ang nagbago, pero eto ako.. Mahal na mahal ka pa rin.. Ikaw lang ang mamahalin ko Jace at wala ng iba....
The end
YOU ARE READING
ONE SHOTS
RandomCompilation of my One Shots. I used some of my friend's names, just sayin' TYPOGRAPHICAL ERRORS SHOULD BE FUCKING EXPECTED