BOY BESTFRIEND

27 1 2
                                    

"Aki, AKI! Wait!" sigaw ng kaklase ko/ bbf ko. Tumigil naman ako sa paglalakad at nilingon sya. "Ano Troy?" tanong ko sa kanya. Ngumiti ito at tumakbo papunta sa akin, inakbayan na rin ako nito at kunuha ang bag ko, " Hatid na kita" yan ang sabi nya..

Um-oo nalang ako dahil kung hindi ako papayag, pipilitin lang naman ako nito.. Sabay na kaming naglakad at nang makarating sa bahay ay hindi na daw sya papasok sabi ni Troy.  Kaya pumasok na ako at hinalikan sa pisnge si mom at dad.

"Nak, pakitawag nga muna ang kapatid mo" utos ni dad, umakyat naman ako sa taas at binuksan ang kwarto ng kapatid ko, nadatnan ko sya doon na sumasayaw ng kill this love ng blackpink, agik yan sa blackpink  ehh..

"Oi Alu.. Baba ka daw sabi ni daddy.. Ano nanaman ang ginawa mo, Alu?" usisa ko sa kapatid ko, nag-smile ito ng alanganin at sinabing, "Ehehehe, ate kasii.. Nakita ni Mommy ang chat namin  ni Mj" napa-facepalm naman ako sa sinabi ni Alu.. Si Mj ang boypren ng kapatid ko. 14 years old palang yan pero, mas nauna pa syang nagka-boypren kesa sa akin, maharot ehh..

Kinutosan ko sya sa narinig ko, " Naku kang bata ka! Pag ako nadamay dyan.. Bubugbugin ko yang boypren mo!" pananakot ko dito, at mukha namang tumalab dahil namutla ito..

"Oh sya.. Baba na Alu, pagalitan pa ako ni mommy, dahil ang tagal mo" na-nod ito at bumaba na..

Pumasok na ako sa kwarto ko at nag-bihis ng malaking t-shirt at jersey shorts.. Dumapa na ako sa kama ko at nag-scroll scroll sa peysbuk.. Nakuha ng atensyon ko si Rio, yung crush ko  ehh hahahaha.. Inistalk ko lang sya at mukhang galing palang sya sa breakup..

Dahil inaantok na ako, nilapag ko ang selpon ko sa gilid ng kama at natulog na..

Nagising ako, at mukhang gabi na. Tinignan ko ang oras at 5:53 na.. Alas siete pa naman ang klase ko kaya may 30 mins pa ako para matulog.

Kaya natulog ako muli hehehehehe... Nagising ako alas sais y media na. Kaya naligo na ako, nagbihis tyaka kumain, yes di ako nagsusuklay hahaha, tomboy ako ehh..

Pagkatapos kong mag-ayos, (ewan kung pag-ayos ba tawag sa ginawa ko) bumaba na ako at kinain ang breakfast ko. "Dad, maayos na po ba ang motor ko??" tanong ko kay daddy, nag nod naman ito at sinabing andun na daw sa labas..

After kong kumain, kinuha ko na ang susi ko at inistart ang motor at nagdrive na papuntang school. Pagdating ko dun, tumakbo na ako papunta sa room namin.. Sakto wala pa si mam panot, (mam panot kasi may panot sya sa buhok, sa may gitna banda) umupo na ako sa upuan ko at sumandal sa katabi ko, which is Troy. Hinayaan lang ako nito at hinaplos-haplos pa ang buhok ko, napapikit naman ako dahil dun..

"Hi, Aki" bati ng isang pamilyar na tinig, idinilat ko ang isa kong mata at nagulat ako ng makita ko si Rio, sya ang bumati kanina, yung krass ko hahahha..

Umayos ako ng upo at nag smile sa kanya, "Hi rin Rio" bati ko pabalik sa kanya.. Naramdaman ko ang kamay ni Troy na pumaikot sa balikat ko, hinayaan ko lang iyon dahil sanay na rin ako ehh. Bumaba ang tingin ni Rio sa kamay ni Josh, "Mukhang close na close kayo ahh." pansin ni Rio.

"Oo Rio, super duper close ko toh. Simula pa nung grade 2 kami nagkakilala ehh, ngayon  grade 11 na kami, di parin mapaghiwalay hahaha" pag bibida ko sa buhay bespren ko, kahit gago yang bespren ko, di ko kinakahiya yan😆..

"Ahh, malapit na pala kayo mag isang dekada hahaha" sabi ni Rio, yep mag iisang dekada na kami nyan..

*ring ring ring*

Kinuha ko ang selpon ko at in-excuse ang sarili ko. Lumabas ako ng room at sinagot na ang tawag..

"Hello"-Aki

"Ms. Tatsugami, di ko pala nainform sa inyo na wala kayong klase ngayon"- mam panot. Ano?! Gumising ako ng maaga para sa wala?!

"*roll eyes* Ok mam, sasabihin ko.. Byee"- Aki

ONE SHOTSWhere stories live. Discover now