Ang babae sa canteen(true story)

130 3 0
                                    

ito po ay kuwento ni mama faye(tita ko)naranasan nya po ito sa kaniyang eskuwelahan noong siya ay college>>>>>>

Hinihintay ni mama ang 7:00pm na klase nya kaya nandun pa siya sa kaniyang school,nag aabang siya sa 2nd floor na katapat nya ang gate na papunta sa canteen ng 3rd floor.

Tuwing 5 or 6pm sarado na ang gate na papunta sa canteen,yung gate na iyon ay merong mga bench,habang nag aabang siya ng oras para sa kanilang klase nakatingin siya sa hagdan papuntang 3rd floor,at napansin niya na parang biglang nakabukas na ang gate papuntang canteen nakabukas na din ang ilaw at parang may mga tao sa taas,may narirnig siya na babae na may tinatawag siya at naririnig niya rin ang hakbang niya na nag mamadali na parang may hinahabol siya,rinig na rinig niya yung pag mamadali niyang pag baba sa isip daw ni mama "pag eto nahulog tawa ko lang"

Habang bumababa siya nakita niya na nakasoot siya ng mahabang palda na hanggang sakong nung malapit na niya makita ang mukha ng babae bigla nalang itong nawala at bumalik daw ang gate na nakasara at nakakandado at wala ng ilaw at ingay na para bang akala mong may mga estudyante sa taas.

Sinabi niya daw ito sa kasama kong nag aantay din doon sa may upuan na lalake,tinanong niya daw ang lalake kung nakita daw ba niya ang babae at wala daw siyang nakita at biglang natakot.

KABABALAGHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon