PROLOGUE

10 3 0
                                    


Masayang masaya si Yanna habang naghahanda ng pagkain, birthday kasi ng kanyang pinakamamahal na asawa at maliban dun 1st anniversary na nila kaya she wants it to be perfect. Alam niyang malabong maging perpekto ito pero pinipilit niya pa din, baka sa isang iglap maging masaya ang pagsasama nila bilang mag-asawa, pagpupursigehan niyang mabuti para maisalba pa ang kasal nila. Kasama niya ang kanyang mga kaibigan at ang apat na kaibigan ng asawa niya sa pagprepara. Di man sila nagkakabutihan ng asawa pero naging malapit din naman si Yanna sa mga kaibigan nito, boto kasi ang mga ito sakanya.

"Yanna , ready na lahat ng confetti's at designs dito , ano pa ang gusto mong gawin namin? Tanong ni Gavin , isa sa mga kaibigan ng asawa.
"Oo nga Yana, ano paaaaahhh " hyper na singit din ni Loden.
" Wala na, salamat talaga sa tulong at suporta niyo sakin". Madamdaming saad niya.
" It's not a big deal , we help you dahil gusto ka namin para sa kaibigan namin". saad naman ni Aizan . Napatango tango din yung tatlo.
"Ah sige umupo nalang muna kayo dun sa couch kami na ng mga kaibigan ko ang bahala sa pagluluto dito sa kusina". Mahinhing tugon ni Yana sa apat , ayaw niyang pahabain pa ang pinag-uusapan nila dahil baka maiyak lang siya.
" I'm sure Dwight will appreciate your efforts Yanna, not this time but soon." pahabol na sabi ni Ezek bago sumunod kina Gavin papuntang sala. Napansin siguro nito ang lungkot na bumalatay sa mukha niya.
" Sana nga, Sana nga tama ka ". Sa isip ni Yanna, hinatid muna niya ang mga ito ng tingin bago tuluyang pumasok sa kusina . Lumabas kasi siya sa kusina ng marinig ang tawag ng mga lalaki sa kanya.

--------------

" Yanna, ito ba talaga ang gusto mo? Biglang tanong ni Leianne habang nakatutok pa rin ang mga mata nito sa paghihiwa ng hotdog para sa spaghetti. Pati na din si Airah na busy sa paghihiwa ng rekados ay napatigil rin sa tanong na iyon at tumingin sakanya. Alam niyang para sakanya ang tanong na iyon kaya't nagsalita siya.
" Anong ibig mong sabihin". Alam ni Yanna kung anong tinutukoy nito pero pinili niyang magmaangmaangan ,napansin ni Airah na ayaw ng kaibigan na sagutin ang tanong kaya't siya na ang nagsalita.
" Leianne , alam mo na ang sagot sa tanong mo diba, kaya suportahan nalang natin si Yanna today ok. Alam mo naman na 1st anniversary na nila bilang mag-asawa kaya hayaan na muna natin siyang maging masaya".
" Owwkeeeyy". Sarkastikong pagsang-ayon ni Leianne na wari'y wala naman siyang magagawa kung sakaling pigilan niya ang kaibigan.Isang pilit na ngiti nalang ang isinukli ni Yanna sa mga ito bago magsalita.
"Ahm sige , haha tama ng daldalan , para matapos natin ito ng maaga". Ramdam ni Yanna ang namumuong tensyon sakanilang magkaibigan kaya agad siyang nagsalita para madivert ang kanilang atensyon.

--------------

5:30 na ng hapon natapos sina Yanna sa pagprepara ng mga pagkain , yung apat na mga lalaki naman nagkakatuwaan at kung minsan naman tumutulong sa paglalagay ng mga pagkain sa mesa. Pinag-usapan nila kung ano ang dapat nilang sabihin pagpumasok na si Dwight.
"Hahaha dapat " Dwight happy birthday , pahug nga". Natatawang suhestiyon ni Loden sabay pacute kaya nabatukan tuloy siya ni Gavin.
"Gago , dapat " Dwight alam kung matagal kanang may pagnanasa sakin kaya ito pwede muna akon-------- ano ba , sino yun". Di nito natapos ang dapat sabihin dahil nabatukan na din ito ni Aizan. Halos maluha na si Yanna at ang mga kaibigan niya sa kakatawa sa mga ito. Dahil sa kakulitan ng mga lalaki di nila namalayan na 8:00 na pala ng gabi.
"Yanna, ok ka lang ba, kanina ka pa tahimik, sumasabay ka nga sa tawanan namin pero, parang ang layo naman ng isip mo". Pansin sa kanya ni Airah.
" Wala, Kinakabahan lang ako,para kasing may mangyayaring di maganda mamaya". Tugon niya kay Airah.
" Sus, ang sabihin mo kinakabahan ka baka hindi dumating yung demonyong asawa mo". Isang sampal sa kanyang mukha ang dating sa kanya ng sinabe ni Leianne. Totoo naman kasi, walang kasiguraduhan na dumating ito.
"Hoyy, babae wag mo ngang ganyanin si Yanna parang di mo yan kaibigan ah". Singit din ni Loden.
" Hoy, ka din lalaki , sinasabi ko lang sa kaibigan ko ang totoo". Sigaw nito kay Loden.
" Hoy ka din, mas magandang umalis ka nalang kung ayaw mong bigyan ng kasiyahan ang kaibigan mo." Balik sigaw din ng binata.
Yung tatlong lalaki naman ay tawa-tawang tinutudyo ang dalawa. Kaya natatawa nalang din kaming dalawa ni Airah.
"Aysusss tama na nga yan , baka sa huli kayo ang magkatuluyan ayeeutttttttt". Tudyo sa kanila Airah.
" Ehhhhhh ako", sabay turo nito sa sarili. " Magkakagusto sa kanya NEVEEEERRRRRRR". Namumulang sigaw nito.
" Eh bakit namumula ka". Tudyo din ni Gavin.
" Hoy babae anong akala mo sa akin magkakagusto din sayo, NEVERRRRR KA DIN".
" Ayowwnnnn ohhhhhh ". Tudyo ng lahat maliban sa seryosong si Ezek.
" Tsss childish". Komento ni Ezek sa dalawa. Sa lahat ng kaibigan ng asawa niya si Ezek ang pinakaseryoso sa lahat. Ang katangian na iyon ang gusto niya sa kaibigan , di kasi ito mausisa, hinahayaan lang siya nitong umiyak kapag ito ang nakakita sakanyang umiiyak. Sina Leianne at Loden naman ay nag-iirapan na sa isa't isa. Natawa nalang si Yanna sa isip niya.
" Tama na nga yan , kitang di na maipinta ang mukha ni Yanna dito oh, oy Aizan sabi mo alam mo ang schedule ni Dwight ngayong araw bakit until now wala pa din". Agaw pansin ni Airah .
" Yun na nga eh, dapat ngayon nandito na pero wala pa eh tinawagan ko na nga eh pero di sumasagot ". Tugon din ni Aizan. Biglang nilukob ng kaba at takot ang puso ni Yanna. Mukhang mangyayari nga ang kinatatakutan niya.
----------------
8:30 p.m wala pa din
9:00 p.m
9:30 p.m wala pa din.............
10:00 p.m wala pa ding Dwight na dumating.
"Yanna ,you must take a rest". Ezek said plainly.
" No, I'm going to wait him till midnight". Naluluhang saad ni Yanna.
" Yanna namaann ,ehhh". Naiiyak na ding saad ni Airah .
" Yanna , tama si Ezek, you must take a rest" . Concern na dagdag na saad ni Aizan.
" Yeah, kami nalang ang maghintay kay Dwight and then will just wake you up pag dumating na siya". Gavin said. Kita ni Yanna ang awang tingin ng mga ito sakanya but hindi siya nag papigil.
" NO". Yanna said firmly.
" Yanna , ano bahhh, it's already---" tiningnan muna nito ang relong pam isig bago  nagpatuloy.
" 10: 25 in the evening and yet wala pa din yang lintik na asawa mo kaya kailangan mo nang magpahinga". suntok sa buwan na saad ni Leianne.
" D--Diyan kayo *sob* eh, d--diyan kayo maga--ling , hindi niyo ko naiintindihan eh, palagi niyong *sob* sinabi na naiintindihan niyo ako pero ang totoo h--hindi". Hysterical na saad ni Yanna habang humahagulgol. Alam niyang napaka emotional niya ngayon dahil buntis siya at 'di pa alam ito ng mga kaibigan niya, gusto niya kasing malaman una ng asawa niya bago ang mga kaibigan. Lumapit si Airah sa kaibigan at niyakap ito .
"Y--Yanna, don't think like t--that, we understand you, were concerned about your health tingnan mo nga yang sarili mo , nangangayat ka na." Iyak ding saad ni Airah. Ang apat na lalaki naman ay yumuko nalang dahil naawa silang tignan ang babae, kung sana lang meron silang magawa para magtino ang kaibigan ngunit wala , kilala nila ito ,kung di nito gusto di talaga nito gusto. Kahit ang prangkang si Leianne ay napahagulgol nalang at napayakap na rin sa dalawang kaibigan, naawa sila sa kaibigan ngunit ano ang magagawa nila kung ito ang gusto nitong tahakin.
" Just let her be , maghintay nalang tayo dito ng kunti". Ezek said plainly.Sumang-ayon din ang iba pang lalaki . Airah and Leianne wipes Yanna's gushing tears.
" Ok ,rinig mo yun , di ka nanamin pipiliting magpahinga". Natatawang saad ni Leianne kay Yanna.
"Tahan na girl". Natatawang saad din ni Airah.
" Thank you, sa inyo". Madamdaming saad ni Yanna habang tinutuyo ang luha sa mukha.
" No ka ba wala yun noh". Loden said with a wide smile in his face. Thankful si Yanna because she have true friends.
--------
Ilang minutong katahimikan ang naganap and it's already 10:35. Napatayo si Yanna at pabalik-balik na naglakad sa harap ng mga kaibigan. Nilukob na ng kaba ang puso niya, habang palapit na palapit ang alas dose ng hatinggabi mas lalong kinakabahan si Yanna wari'y may magyayaring hindi maganda talaga. Lakad lang ng lakad si Yanna habang kinakagat ang kuko sa left right thumb nito habang tumitingin sa relo.
" Gosh , Yanna umupo ka nga , ako yung yung nahihilo sa iyo eh," Leianne said.
" Oo nga girl". Airah.
" Yanna relax". Natatawang puna sakanya ni Gavin, natawa lang din ang tatlo. Walang nagawa si Yanna kundi umupo. Halos mawalan na ng pag-asa si Yanna ngunit tinatatak niya sa isip na hanggat may minuto pa bago matapos ang araw ng kanilang anibersaryo ay may pag-asa pa.
11: 00 naluluha na talaga si Yanna ngunit agad nawala ang lungkot at takot sa kanyang dibdib ng marinig ang tunog ng kotse ng asawa hudyat na umuwi na ito.
"Oyyy, Gavin sayo tong turotot". Loden shouted.
" Bakit ako!!!". Gavin protested.
"Wala nang reklamo-reklamo!!." Loden.
"Oy Ezek ikaw mag sabog ng confetti". Loden said again.
" Aizan ikaw, maghawak ng banner". Wala naman reklamo ang isa. Natawa si Yanna sa apat , ayaw sana niya ng ganun ngunit ang mga ito nag-insist kaya hinayaan nalang niya.
"Guyssss, shhhhhhhhhhh, nandiyan na siya". Airah whisper. Rinig na rinig nila ang footstep nito mula sa labas.
Habang palapit na palapit ang tunog ng footstep ay siya ring pagkalabog ng puso ni Yanna. Madilim ang paligid kaya inaabangan nila na ang pagbukas ng ilaw. Tiningnan naman ni Yanna ang oras it's already 11: 10. May oras pa para i-celebrate ang kanilang 1st anniversary at ang birthday ng asawa.  Bumukas ang pinto sumunod ang ilaw.
"SURRRRRPPPRRIIIIISEEEEEEE!!!!!!".Sigaw nilang lahat kasabay ng tunog ng turotott at pagsabog ng confetti's sa paligid , kinakabahan si Yanna sa reaksiyon ng asawa, seryoso lang kasi ito.
"Bro, happy Birthday". Ngiting bati ni Aizan , saka nakipagmanly hug.
" Happy Birthday". Ezek .
"Broo, happy birthday haha matanda ka na 27 haha". Loden saka nakipag-apir.
" Happy birthday, naghintay talaga kami sayo, lalo na ang asawa mo". Ani Gavin. Wala pa rin itong kibo, kahit  kinakabahan si Yanna lumapit pa rin siya sa asawa't binati ito.
"Happy birthday, hubby" . Nakangiting pagbati niya. Nanatili itong walang kibo kaya dinala nalang niya ang asawa sa hapag.
" Dwight, Hubby ko, alam mo ba kung anong araw ngayon maliban sa birthday mo?". Nakangiting tanong ni Yanna sa asawa.
" Yes, May 10,20**". Dwight answered coldly. Hilaw na ngiti ang bumalatay sa mukha ni Yanna
"Hindi ang ibig kung sabihi--------". He cut her off.
" Alam ko ,nabasa ko nga eh, di ako bulag". Sarkastikong sagot nito sa kanya. Oo nga naman, bakit niya ba nakalimutan nakasulat pala yun sa banner. Natahimik si Yanna pati nadin ang mga kaibigan nila at hinihintay ang susunod na mangyayari. Ilang segundo ang lumipas nagsalita ito.
" Let's end this SHIT!". Diniinan talaga nito ang salitang SHIT. Alam niyang ang tinutukoy nitong shit ay ang kanilang kasal.
"BRO naman, sinurpresa ka ng asawa mo oh, wag mo namang sirain". Aizan said. Habang si Yanna naman naiyak na.
" Wag kayong makialam". Striktong saad ni Dwight. Si Airah at Leianne naman ay di makapaniwala.
"Bro namann". Ang apat na lalaki.
"I said , WAG KA-YONG MAKIALAM". sigaw nito na nagpatigil sa kaibigan.
" Matagal ko nang gustong gawin ito". May inilabas itong  papel sa brown envelope.
" A---Ano ya-nnn, D--wight?? Nagmukha man siyang stupida sa tanong niya pero wala siyang pakialam.
"Tss are you blind or you're just stupid, oh come on , alam kung alam mo kung ano to". Dwight said with a smirk.
" I want you to sign that papers until tomorrow". Cold na sabi nito bago tumalikod palabas. Agad niya itong hinabol at niyakap.
"Dwigghtttt wag mo naman akong iwan, di ko kakayanin pleaaasssss-hh hik hik". Hinawakan niya ang mukha ng asawa.
" S---Sabihin mong jowk lang ito dibah, dibah??? Dwight naman sumagot ka!! Basa na ng luha ang mukha niya at wala siyang pakialam kung mukha na siyang bruha. Walang bakas na kahit anong emosyon ang mababasa sa mukha ni Dwight. Tinanggal lang nito ang mga kamay niyang nakapulupot sa katawan nito at nagpatuloy sa paglalakad kaya wala siya'ng nagawa kundi lumuhod  upang yakapin ang mga paa nito.
"Gossshhhh Yanna tumayo ka nga". Sigaw ni Leianne pero hindi siya nakinig.
" Yanna , can you stop ,tigilan mo na itong kahibangan mo, HINDI KITA MAHAALLL". Iyon ang salitang nakapagpatigil kay Yanna lalo na't diniinan pa talaga nito ang salitang di kita mahal.
"B---bakit???? B---bakit g--ginawa k--ko naman ang lahat ah, b--bakit s-siya pa r-rin ba?? Tanong niya dito habang humahagulgol .
"UMPISA PALANG ALAM MO NANG DI KITA MAHAL, YOU'RE  A SPOILED BRAT AND A CONNIVING BITCH! YOU RUINED MY LIFE, PINAGKAITAN MO AKO SA BABAENG MAHAL KO AT OO SIYA PARIN HANGGANG NGAYON, AT HINDI NA MAGBABAGO YUN, DAHIL KAHIT ANONG GAWIN MO AT KAHIT KAILAN HINDING-HINDI KITA  MAMAHALIN!!!!!!" Sigaw nito sakanya habang dinuduro siya nito, Kitang kita niya sa mga mata nito ang galit at pagkadi gusto sakanya. Parang milyon-milyong kutsilyo ang tumarak sa puso ni Yanna sa mga salitang iyon.
"P--Pero w-wala na siya dito". Kahit masakit pinilit niya pa ding isatinig iyon baka sakaling matauhan ang asawa.
"Bumalik na Siya, may nangyari sa amin at napatunayan kung mahal na mahal ko pa siya". Parang piniga at tinusok ng bilyong kutsilyo ang puso niya sa narinig. Tumalikod ito at nagpatuloy sa paglalakad. Last nato , last na baka may pag-asa pa, kaya tumayo siya at niyakap ang likod ng asawa.
"MAHAL NA MAHAL KITA , DWIGHT". hagulgol na saad niya.
" You love me , but  I don't love you". Cold na pagkasabi nito. Hinigpitan niya ang yakap sa likuran nito.
" B---bakit di mo a--ko k--kayang *hik* * hik* m--mahalin? Alam niyang paulit -ulit na niya itong natanong at pa-ulit ulit na din itong nasagot ng asawa.
" Dahil hindi ikaw SIYA, maniwala ka ginawa ko ang lahat para mahalin ka pero hindi, hindi ko masikmura at sa araw-araw na nakakasama kita nasasakal lamang ako, masaya ako pag kasama ko siya pero sayo galit lamang ang nababanaag dito sa puso ko ." Seryosong sabi nito. Lalong napahikbi si Yanna.
" O---ok, m-maybe I should let you g--go, tha---nk t-thank you sa lahat Dwight ". Hagulgol na saad niya.
" I'M SORRY". Alam niyang sincere iyon.
"N-- No, you shouldn't say s---sorry to m-me , I am the one who need to say that". Inihilig niya ang ulo sa likod nito at mas hinigpitan ang yakap sa asawa.
"Happy(sad) Anniversary Hubby". Hagulgol niyang pagbati, hindi ito tumugon sa pagbati niya kaya mas napalakas ang kanyang hikbi. Ang kaibigan ni Yanna ay naaawa sa kanya, habang ang apat na mga lalaki ay nakatingin lang sa mag-asawa.
" You're free now". Saad niya sa asawa at niluwagan ang pagkakayapos niya dito. Hindi ito lumingon bagkus ay nagpasalamat.
"Thank you". Halos pinagsakluban ng langit at lupa si Yanna sa narinig . Akala niya pipigilan siya nito at sasabihing magsasama pa tayo. Nanlambot ang kanyang mga tuhod at napaluhod sa damuhan  , ngayon lang niya namalayan nasa labas na  pala sila.
" Tsss , great just great, manhid na nga siguro ako para di malayang nakalabas na pala kami".  Sa isip isip ni Yanna habang tinitingnan niya ang papalayong bulto ng asawa palabas ng kanilang bakuran, pakiramdam niya ang paglabas na iyon ng asawa ay siya ring paglayo nito sa kanyang  buhay magpakailanman. Sa isiping iyon ay napahikbi si Yanna ng malakas. Biglang bumuhos ang napakalas na ulan.
"Ang malas naman natin baby, hayaan mo mamahalin kita ng buong puso, laban lang diyan ahh". Sa isip isip ni Yanna. He left her dumbfounded while still kneeling on the ground under in a pouring rain. Agad siyang dinaluhan ng kanyang mga kaibigan, sumunod na din ang apat na lalaki sa asawa niya.
" Waaahhhhhhhhh ang sakit sakit ,ang sakit sakit". Hikbi niya sa mga kaibigan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Grieving LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon