[ Frienemy ]

1.3K 19 3
                                    

Masamang-masama ang tinging ipinupukol ni Jay sa matangkad na lalake sa may di kalayuan. Kasalukuyan siyang nakaupo ngayon sa isang bench sa garden ng paaralan at dahil sa likas niyang maliit na pangangatawan para sa isang lalakeng may edad labingwalo ay tagumpay siyang natatabunan ng makakapal na halaman sa hardin. Suot ni Jay ang makapal niyang reading glasses at may hawak rin siyang libro sa isa niyang kamay. Kanina pa siya nagbabasa sa hardin ng paaralan pero natigil iyon nang agad niyang mapansin ang presensya ng taong kinamumuhian niya.

Hindi nalalayo sa pwesto ni Jay ay nakaupo ang lalakeng nagngangalang June. Simula palang nang una itong makita ngbinata ay ayaw na ayaw niya nang makasalamuha ito. Hindi sa naiinggit siya sa matangkad at malaki nitong anyo ngunit ayaw niya ang hanging bumabalot sa matangkad na binata dahil sa pagkaarogante nito.

Hindi parin nalilimutan ni Jay ang unang pagkikita nila ni June na inakala niyang magiging kaibigan niya dahil tinulungan siya nito laban sa mga nananakit sa kanya pero nagkamali siya.

"Ako lang ang pwedeng manakit sayo Jay Morales" Iyon ang eksaktong sinabi ni June sa kanya kaya naman ay simula noon ay wala nang iba pang nagbubully sa kanya kundi ang matangkad na binata lamang. Ngayon ay sampung taon na ang lumipas pero wala paring nagbabago sa paraan ng pagtrato ni June sa kanya.

Si Jay na nga mismo ang napapagod sa pinanggagawa nito.

"Babe baka makita tayo dito.." Kunwaring nahihiyang saad ng babaeng kasalukuyang nakakandong sa taong kina-iinisan niya.

'Malandi!' 

Iyon na lamang ang nasambit ni Jay sa kanyang isipan nang bigyan ni June ng malaking ngisi ang babae bago ito halikan.

Nang makita ang pinanggagawa ng dalawa ay walang anu-ano'y kumuha si Jay ng kumpol ng dahon mula sa gilid niya at mabilis iyong tinapon sa dalawa na siya namang ikinagulat ng mga ito. Hindi na napansin ni Jay ang reaksyon ng dalawang taong naglalampungan dahil tumalikod na siya at umalis sa lugar pero narinig naman niya ang pag-sigaw sa gulat ng babae at ang mahinang mura na nanggagaling sa binata, marahil ay nabitin ito, na siyang nagpangisi sa naglalakad na binata.

Alam na alam ni Jay na matapos ng ginawa niya ay masasaktan naman siya ni June kaya naman ay mabilis siyang tumakbo papalayo. Kahit na naiinis siya sa maliit niyang katawan ay minsan ay pinasasalamatan niya ang nagbigay ng ganutong katawan sa kanya sa ganitong mga sitwasyon dahil madal lamang siyanv nakakalayo sa mga taong dapat niya layuan.

"Aargh! Nasaan na ba ang bubwit na yun!? Nakakainis!" rinig na rinig ni Jay ang galit sa tono ng pananalita ng taong pinagtataguan niya habang pinagbubuksan nito isa-isa ang mga classroom sa building at binabalibag pasara nang malamang wala siya doon.

Nakangisi parin si Jay dahil sa nagawa niya pero unti-unti naman itong nawala nang maalala niya naman ang mainit na tagpo ni June at ng panibagong nilalandi nitong babae. Isa ito sa pinakaayaw niya sa lalake. Ang pagiging malandi nito na kung sinong babae na lamang ay papatulan hangga't pason ito sa panlasa nito.

Mahigpit ang pagkakahawak ni Jay sa kanyang libro habang nakatitig lamang siya sa kawalan at likot na lukot ang mukha. Hindi niya alam ang tunay niyang nararamdaman sa tuwing nakikita niya ang lalakeng nagngangalang June Alvarez. Hindi niya mawari kung naiinggit ba siya rito dahil sa pagiging sikat nito sa mga babae, naiinis dahil sa pagka-arogante nito at ngiti nitong mapang-asar, o magagalit.

Dinaramdam ni Jay ang sarili at base sa nag-iinit niyang ulo at nakakuyom na kamao na nais nang manuntok ng kahit ano ay nalaman ni Jay na galit nga ang nararamdaman niya sa lalake ngayon.

'Pero bakit ako nagagalit?'

Nanlalabo ang mga mata ni Jay sa hindi malamang dahilan pero bago pa man niya malaman ang nararamdaman niya sa sarili ay marahas na bumukas ang pintuan ng cabinet na pinagtataguan niya. Bumungad sa kanya ang nag-aalab sa galit na pagmumukha ni June tsaka marahas siyang hinila palabas.

Tagalog BL OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon