I FELL FOR GOD'S CREATION
Chapter 3
DarkPandaxx*****
Sunrise's PoV:Ngumuso ako habang nakatingin sa paligid. Nagsisiksikan ang mga tao dito sa canteen habang ako ay di man lang makasingit. Si Aqua? Ayun absent.. kaya mag-isa ako.
Nagugutom na ako pero hindi ko kayang makipagsiksikan! Kung kaya ko lang ay sana kanina pa akong nakabili. Tumingin pa ako sa iba at naglakad na papalapit sa pagpipilian ng pagkain.
Bumili ako ng tokwa. Binayaran ko iyon at pumunta sa bandang mga sauce. Linagyan ko yung tokwa at agad umalis roon.
"Excuse me po!" Sigaw ko. Matapunan pa kayo ng sauce tapos ako pa sisisihin niyo ha? Galeng!
Umupo ako sa mga upuan roon at tahimik na kumakain. Nakaka-miss rin pala si Aqua eh noh? Bat kasi di siya pumasok? Tuloy mag-isa nanaman ako.
Hindi siya pumasok kahapon at ngayon. Dalawang araw na siyang absent at nag-aalala talaga ako ng sobra.
Inubos ko ang pagkain ko at agad na pumunta sa classroom. Kinuha ko ang notebook ko at nag-basa ako. Oo, ang boring ngayon ng araw ko, ampt.
"Get ¼ sheet of paper. May quiz tayo ngayon." Sabi na nga ba eh, may quiz. Bat di ko pala sinabi sa mga kaklase ko?
Naghahabol ako sa mga with honors. Kahit yung pang-last lang ako basta kasama ako. Baka madisappoint ko sila mama. Sisihin nanaman ako kung bat mababa yung mga nakukuha ko.
Halos lumipad na nga yung kilay ko kaka-aral. Tapos hindi lang pala ako makakasali sa with honors? Amptd.
Yun yung nakakatakot. Yung ginawa mo na yung lahat pero sa iba kulang pa, sa iba.. di pa rin sapat.
"Anchoriz, Sunshine. 29" Ngumiti ako ng palihim noong narinig ang score ko. 29/30, okay na ata yun? o baka naman kaylangan pa ng isa pang points para makuntento yung mga tao sa paligid ko?
Dumaan ang mga oras at agad uwian na. Pumunta na ako sa bahay. Pumunta sa kwarto at agad na humiga.
Paulit-ulit na ganto ang araw ko kapag hindi darating si Aqua. Dependent na ata ako eh? Parang hindi ko kaya pag wala siya.
Agad tumunog ang cellphone ko. Tumayo ako at kinuha iyon. Nakita ko ang message ni Aqua.
Tubig(Aqua):
Hoy! Pa-excuse muna ako kay ma'am. Nilalagnat ako.Ako:
Lalagnatin ka? Talaga ba? Anlakas lakas mo nga eh. Mas malakas pa sa putok nung isa nating kaklase.Tubig:
Baliw! Nilalagnat nga ko. Punta ka dito sa bahay. Ang hot ko nga eh.Ako:
Yucks.Tubig:
Paano yung 'yucks' ?Ako:
Balew.Tubig:
Sayo >,–Ako:
LandedeTubig:
Wala namang bebe.Ako:
Oh? Tologo?Tubig:
Wala din namang..Ako:
Hoy! Meron ako noh! Di ako plat! Bawiin mo yun! : (Tubig:
Gulong na flatTtt! HAHAHAHAAko:
Ampt : (Napangiti ako ng palihim habang nagpapalitan kami ng messages ni Aqua. Mag-kaibigan lang kami plamis!
Napabangon ako at nagpalit ng damit. Agad akong nagpa-alam kay mama at pumunta sa bahay nila Aqua. Sa kaibilang street iyon pero malapit lang naman.
Pagkarating ko palamang doon ay sumalubong na sa akin ang nakangising ate ni Aqua. Napanguso ako. Aasarin ako niyan..
"Bat ka andito? Bibisitahin mo ba jowa mo?" Tumaas taas ang kilay ni ate Rayleigh. Umiling agad ako.
"Wala nga kong jowa.."
"Ano tawag mo sa kapatid ko?" Ngumisi siya.
"Tubig? Tao? Aqua?" Ngumuso siya sa sinabi ko. Ano tawag ko daw kay Aqua syempre Aqua. Hmpdt.
"Sige na! Punta ka na sa kwarto niya!" Ngumising aso siya kaya ngumuso ulit ako at umakyat na sa taas.
Pagkarating ko sa taas ay nakabukas ang pintuan. Pumasok ako agad at nakita ko roon ang namumulang si Aqua. Kumunot ang noo ko.
Pinakatitigan ko ang buong paligid at pumunta na sa tabi niya. Agad kong linagay ang kamay ko sa noo niya at parang pinaso nga ako.
Umupo ako sa harapan niya at nag-squat ako. Linagay ko ulit ang kamay ko sa leeg niya. Mainit. Napatingin ako sa mata niyang nanapansin ko pang kanina pang nakatingin sa akin.
Kumalabog ang puso ko at napalunok. Seryoso ang mukha niya habang nakatitig sa akin. Tumawa na lamang ako ng pilit at binawi ang kamay ko na nasusunog na dahil sa mainit niyang leeg.
Nagiwas ako ng tingin habang napapalunok. Parang may mga kumakalabog sa tiyan ko. Para silang mga insekto na naglalaro sa tiyan ko. At parang ang iba naman ay tumatalon talon.
Ano bang nangyayari sakin?
BINABASA MO ANG
I fell for God's creation
Teen Fiction"What is the prettiest creature that God made?" He asked while staring at my eyes. "Uh?" I asked confusely. "Haha, it's you.. my queen" She smiled, the sweetest smile that I dreamed.