Chapter Two: Aqua

2 0 0
                                    

I Fell For God's Creation
Chapter 2
By: DarkPandaxx

Sunrise's PoV:

"Pst, wampiptiii" Gulat akong napalingon sa aking likuran ng makita ko si Aqua na nakangiti habang hawak hawak ang isang makapal na libro, lagi naman eh.

"Tch, dugyot" Sabi ko sa kanya. Tumaas ang kanyang kilay at tumabi sa 'kin.

"Hoy Sunrise, sabihin mo nga sakin kung anong dugyot o bastos sa sinabi ko?" Kunot na aning sabi niya na parang nahihirapan pa.

"Huwag ka na ngang nagsasalita! Binubulabog mo ako sa pagbabasa eh!" Gigil na ani ko.

"Umayos ka nga, Sunrise. Hindi mo ba gagawin yung assignments natin? tapos? ano mangyayari? babagsak ka sa mga subjects naten?. Umayos-ayos ka nga, hinabilin ka sakin ni tita, okay?" Seryoso na ani niya. Napatingin ako sa kanya at tinitigan siya, napatawa na lamang ako habang napapa-iling.

"Ang dami mong alam! Anong bagsak?! Eh sa mas mataas nga grade ko sayo sa ibang subjects eh" Ibinaba ko ang librong binabasa ko at humarap nang tuluyan sa kanya.

"Grade mo sa math nung grade 10 tayo?" Napatingin pa ako sa iba habang inaalala ko grade ko sa math.

"86, ata?" Hindi siguradong ani ko. Napatawa lamang siya.

"Yan ang sinasabi ko. Kahinaan mo ang math kaya dapat yun yung pag-aralan mo, hindi sa lahat ng bagay wattpad lang ang aatupagin mo, paano pag nagkapamilya ka na? umiiyak yung anak mo na kaylangan ng gatas alangang ipainom mo yung libro?" Seryoso ngunit may bahid na biro ang sinabi niya.

Sumeryoso ako at tinitigan ang kanyang mga mata.

"Alam mo mr. genius. Tumatalino ako dahil dito sa libro. Kung ayaw mong nakikita akong nagbabasa, umalis ka.. hindi ko kaylangang mag-adjust para sa kaligayahan mo" Ngumiti ako ng may pagka-sarkastiko at kinusilapan siya.

"Subukan mo lang mangopya ng sagot sa assignment ah" Inis na ani niya.

Ipapakilala ko na rin si Aqua unti-unti, dalawang klase siya ng ugali ng tao sa iisang katawan, bale kalahating isip bata at kalahating isip genius, serious, and strikto. Ganon siya, kaya di ko siya maintindihan pag bigla bigla na lang siyang nagagalit tulad ngayon, pinapagalitan niya ako sa pag-babasa ng wattpad. Heller? sa gusto ko ngang mag-basa diba?!

"Naaakkkk!" Bungad sakin ni mama ng papasok pa lang siya sa aming pintuan.

"Poooo?"

"Magluto ka nga ng kanin at magluluto na ako ng ulam natin, yung tatay mo andiyan na ba?" Tanong ni mama.

"Wala pa po, nagover time nanaman yun panigurado"

"Nag-aalala na ako dyan sa tatay mo eh, baka biglang magkasakit" Halata sa tono pa lang ng pananalita ni mama na nagaalala na siya.

"Gu-guide naman siya ni God ma, huwag ka ng mag-alala, babantayan siya ni God" Full of confidence pang ani ko.

"Kakasimula ng skwela niyo kanina diba? Ano nangyari?"

"Ayun nagkaroon ng assignment agad" Inis na saad ko.

"Asaan na pala si Aqua?"

"Umalis na nay, ayoko ng makita, dahil baka mandilim ang paningin ko at makapatay pa ko" Natatawa at naiinis na ani ko.

Gwapo ka sana Aqua kaso isip bata ka HAHAHAHA.

I fell for God's creationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon